The Last Unlucky Chapter
Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba para kumain ng agahan kasama sila Mama at Papa.
“Ang aga mo naman ata ngayon anak.” Sabi ni Papa habang umiinom siya ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
“Ano ka ba naman, alam mo naman na nagbago na si Rania.” Sabi naman ni Mama kay Papa.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng bahay. Maswerte naman ako dahil paglabas ko ay may dumaan kaagad na taxi at nakasakay ako.
Habang nakasakay ako sa taxi ay napaisip ako.
Tama nga si Mama. Nagbago na ako ngayon.
Dati ay palagi akong nale-late ng gising lalo na kapag may pasok.
Dati ay lagi akong nadudulas kapag bumaba ako sa hagdan.
Dati ay hindi ako nakakasabay kina Mama at Papa sa pagkain ng agahan dahil late na ako.
Dati ay napipilitan akong magalakad papunta sa school dahil walang dumadaan na tricycle kapag nandyan ako at hindi ko naman afford ang pamasahe sa taxi.
But all those things only remain in my memory right now.
Ang laki na ng pinagbago ko ngayon.
Ngayon ay maaga na akong gumigising. Hindi ko na nga kailangan ng alarm clock eh.
Ngayon, natuto na akong bumaba sa hagdan ng hindi nadudulas.
Ngayon, sumasabay na ako kina mama at papa kapag kumakain ng breakfast.
Ngayon, sa taxi na ako sumasakay.
Bumaba na ako sa taxi at pumasok na sa school.
Pumasok na ako sa classroom and the students greeted me.
"Good Morning Miss Rania!"
Limang taon narin ang lumipas.
Akalain niyo, yung estudyanteng palaging na-lelate noon at hindi gumagawa ng homeworks ay isa nang teacher ngayon?
Isa akong English teacher sa isang private school.
"Okay, bubunot na tayo ng word of the day natin." sabi ko sa kanila.
Every Monday kasi ay bumubunot kami ng isang word tapos isa-isa nilang bibigyan ng meaning yung word na yun or kahit anong elaboration basta tungkol dun sa word na yun.
Agad namang bumunot yung isang student ko.
"Ma'am! The word is LUCKY!"
"Okay, I have a question. How can you describe a lucky person?" I asked them.
Tumayo naman yun isang student at nagsalita, "Ma'am, you are considered lucky when all things that you desire."
Agree naman yung mga classmates niya sa kanya.
"Eh kayo Ma'am, what is luck for you?"
Tumayo ako at pumunta sa harap, "I want to share something with you. There was a girl na nasa kanya na ang lahat ng kamalasan. Walang araw na hindi siya dinadalaw nito. Sometimes naiisip niya na baka wala naman talagang swerte sa mundo o baka hindi na talaga siya magiging maswerte. Pero she was wrong. After four years, nagbago siya. Hindi na siya palaging minamalas. Maganda na ang career niya at masya na ang pamilya niya."
"Yang swerte kasi hindi naman yan araw-araw eh. There will be times that you will be unlucky and there will be times that you will be lucky. Pero kahit gaano pa man kadalas tayong malasin wag tayong sumuko. Siguro minamalas ka dahil hindi pa oras para swertehin ka. You should work hard and believe."
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Teen Fiction"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"