Chapter Five
*Assuming*
Rania’s POV:
Lumipas ang mga araw at naging close na kami ni Roy. Parang bestfriends na kami. Palagi kaming magkasama sa school. Palagi niya rin akong tinutulungan kapag dinalaw ako ng kamalasan which is araw-araw.
Masaya din naman siyang kasama eh.
Actually siya yung kauna-unahang kaibigan ko sa school.
Pero sa tingin ko hindi na ‘kaibigan’ ang nararamdaman ko sa kanya eh. I think I like him.
Hindi naman kasi imposible na mahulog ang loob mo sa isang taong palagi kang nililigtas, pinapangiti at pinapasaya.
Para kasi siyang knight in shining armor ko. Tapos ako yung damsel in distress. ^_^
Haha, ano ba yan. Nagde-daydream na naman ako. :”>
“Oy Rania, nakatulala ka na naman diyan?” bigla niyang sabi sa akin “Siguro iniisip mo ako noh?”
OO INIISIP KITA! ^_^
“Asus, wag ka ngang mangarap diyan!” sabi ko sa kanya tapos tinulak ko siya pero mahina lang.
Haaaay, bakit ko nga ba tinatago ‘tong feelings ko?
“Oy sinong ka-date mo bukas?” tanong niya sa akin.
Date? ???___???
“Ano bang meron bukas?” sinagot ko yung tanong niya ng tanong din. ^_^
“Gagi. Valentines Day bukas. February 14!”
Ay hala, nakalimutan ko.
“Wala naman, bakit?” Bakit? Yayayain mo ba ako? Naku, napaka-feeling ko naman.
“Pwede bang tulungan mo ako?” tanong niya sa akin.
Tulungan sa ano? Ano naman kayang binabalak niya?
“Gusto ko sanang surpresahin yung babaeng mahal ko.” Nabigla naman ako dun sa sinabi niya.
Babaeng mahal niya?
“Sino naman yun?” tanong ko sa kanya.
“Basta.” Sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko, “Ikaw ba Rania, anong klaseng surpresa ang gusto mo mula sa taong mahal mo?” tanong niya sa akin.
Teka lang, parang alam ko na kung ano ang patutunguhan nito.
Yung tatanungin ka ng lalake kung ano ang gusto mong surpresa tapos malalaman mo nalang bigla na ikaw pala yung babaeng tinutukoy niya. ^_^
Napaka-cliché na ng diskarteng yan eh. ilang beses ko na yanag napanuod sa mga movies at ilang ulit ko narin yang nabasa sa mga romance novels at tsaka sa mga stories sa Wattpad. Pero kahit na gasgas na yang diskarteng yan, kinikilig parin ako. :”>
Napangiti na lang ako. At dahil tinanong niya ako kung ano ang gusto kong surpresa, eh di sagutin ko na lang.
“Uhm, gusto ko kasi yung romantic na surprise. Yung habang naglalakad ka ay may magbibigay sayo ng mga roses. Tapos pagdating ko sa open field ay nakatayo ang lalaking gusto ko tapos hinaharana niya ako. Tapos lalapit siya sakin na may dalang bouquet ng rosas tapos luluhod siya at magtatapat siya ng mga feelings niya para sa akin.”
Yun yung gusto ko eh.
Sana naman ay yun din ang mangyari bukas. ^_^
Kinabukasan, ^_^
Hindi pa nagpaparamdam sa akin si Roy. Siguro busy pa siya sa pag-prepare ng mga surpresa niya sa akin mamaya.
Kinikilig na talaga ako! ^_^
Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay marami na akong nakikitang mga lovebirds na naglalambingan at mga single na masyadong bitter dahil sa mga nakikita nila. Nagkalat na kasi ang PDA ngayong araw.
Pero bakit naman walang nag-aabot ng mga flowers sa akin habang naglalakad ako?
Siguro nag-iba ng plano si Roy.
“Punta tayo sa open field!”
“Oo nga!”
“Nakakakilig talaga!”
“Ang sweet nung lalake!”
Ano naman ba ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng yun?
At dahil na-curious ako sa kung ano ang pinagkakaguluhan nila, pumunta ako sa open field.
And oh my, ang daming mga heart shaped balloons tapos may mga rose petals na nagkalat. Ang romantic talaga.
Kinikilig naman ako neto.
Parang may idea na ako kung sino ang gumawa nito.
“Uso pa ba ang harana,
Marahil ikaw ay nagtataka,”
At hindi nga ako nagkamali, si Roy nga. Pero bakit nakatalikod siya sa akin?
Diba dapat sa akin siya nakaharap dahil ako yung hinaharana niya?
Lumingon ako at may nakita akong banner.
I LOVE YOU ANGEL!
Wow, sino naman yung Angel na yun?
Pero bakit parang biglang nagulantang ang mundo ko nung narinig ko ang boses ni Roy, “Angel, alam mo simula pa lang nung first year nagkagusto na ako sayo. Pero ngayon, hindi na kita gusto kasi mahal na kita. Angel, will you be my girlfriend?”
Tapos lumuhod siya sa harapan ng Angel na yun at binigyan niya ng bouquet ng red roses.
“Yes Roy! I will be your girlfriend!”
“Yes! Thank you Angel! I LOVE YOU SO MUCH!”
Niyakap ni Roy si Angel and then they kissed.
Hindi ko mapigilan ang pagtulog ng luha ko.
Naglakad na lang ako palayo dun sa open field habang umiiyak.
Ang sakit talaga eh.
Naupo na lang ako sa isang tabi at dun na lang umiyak.
“Ano ka ba naman Rania! Ang tanga mo kasi eh, ba’t ka naman nag-assume na ikaw yung babaeng tinutukoy ni Roy? Ang tanga mo talaga. Argh.” Sabi ko sa sarili ko habang sinisipa ko yung mga bato.
Ang tanga ko naman kasi eh.
Ba’t ko naman naisip na ako yung babaeng mahal ni Roy? Ang taas ko kasing mangarap eh.
Tama nga ang sinasabi nila. Assuming could kill.
Eh di eto ako ngayon, basag ang puso.
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Teen Fiction"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"