Chapter Four
*Kanal*
Rania’s POV:
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan yung date namin ni Roy kahapon. Oy, wag na kayong umangal dahil parang ganun narin yun. ^_^
Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Ang aga ko nga ngayon eh. naglakad na lang ako dahil baka magkita pa kami ni Roy mamaya.
“Arf! Arf!” lumingon ako at may nakita akong isang malaking aso na nasa likod ko.
“Hey doggie, big doggie.” Sabi ko sa kanya tapos I patted his head. Pero nung tumalikod ako, tumahol ulit siya. And before I knew it, a dog was chasing me already. O___O
Tumakbo ako papunta sa school. Kulang na lang ay magbihis ako ng costume ni Flash para maging kamukha ko na siya eh. pero kahit binilisan ko ang pagtakbo ko, nahahabol parin ako ng asong iyon. Di ba nakapag-agahan yung asong yun? +___+
Mabuti nalang at pagkapasok ko sa school ay nagsara ang gate at naiwan sa labas yung aso. Yehey! ^_^
Pero habang naglalakad ako, parang may mali. Parang wala na akong sapin sa paa.
Tiningnan ko naman ang paa ko, at tama nga. Wala na talaga akong sapin sa paa. Nawawala na ang sapatos ko! T_T
Lesheng aso yun. +___+
Di nga ako nilapa pero ninakaw naman yung sapatos ko! Kaya ngayon naglalakad akong naka-paa lang sa school grounds.
Pero biglang nag bell, which means magsa-start na ang klase. Kaya tumakbo ako papunta sa classroom namin.
At dahil ako nga ang dakilang malas ay nahulog ako sa isang kanal. Oo, kanal sa school. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan eh! >_<
Oh eh di ang saya ko ngayon.
Wala akong sapatos tapos medyo nabasa pa yung uniform ko. Ang dumi pa talaga ng katawan ko. Pakshet lang talaga. >_<
Mabuti na lang at wala nang mga estudyanteng naglalakad sa hallway
“Aray naman oh!” Anak ng kalabaw naman eh, ang dami na ngang nangyari sa akin tapos kailangan pa talagang mabangga ako ng isang tao?
“Ay sorry miss,” tiningnan niya ang mukha ko “Rania, ikaw ba yan?”
Si Roy pala. =___=
Shems, sa lahat ng tao sa mundo bakit siya pa ang kailangan kong mabangga ngayon na parang tae ang itsura ko? +___+
“Oh, anong nangyari sayo?” tanong niya sa akin
“Roy, nakita mo ba yung kanal dun?” tapos tinuro ko yung kanal kung saan ako nahulog kanina.
“Oo naman.” Sabi niya ng nakangiti.
“Wow, mabuti ka pa nakita mo. Ako kasi hindi eh.” Shet lang, ang sakit sa heart ang maalala yung nangyari.
“So you mean nahulog ka sa kanal na yun?” tapos tinuro pa niya yung kanal.
“Ay hindi, hindi ako nahulog. Nag swimming lang ako dun.”
“Hahahaha, nakakatawa ka talaga.” Sabi niya habang tumatawag.
Nakakaleshe din ‘tong lalakeng ‘to eh. Tawanan ba naman ako? Kailangan harap-harapan?
“Oh sige, ako na ang mukhang clown. Alis na ako, may klase pa ako eh.” sabi ko sa kanya.
“May klase ka diyan. May meeting yung mga teachers noh.” Wow, walang klase “Tara na nga at magbihis ka dun sa locker room.”
Habang naglalakad kami, napatingin siya sa mga paa ko.
“Asan na yung sapatos mo?” tanong niya. Aba, napansin din pala ng mokong na wala akong sapin sa paa.
“Ayun, nag transform. Naging paa nalang.”
“Alam mo ang corny mo. May sapatos ako dun na extra, siguro naman ay kasya sayo.” Sabi niya.
Sana nga. Ayoko namang mag-paa lang all day noh.
Pagdating sa locker room ay nagbihis ako ng uniform. Meron kasing extra uniform dito sa locker room eh. Pinahiram naman sa akin ni Roy yung sapatos niyang napakalaki. Feel ko eh wala pa sa kalahati ang laki ng paa ko sa laki ng sapatos niya eh.
“Hoy, ano bang klaseng paa ang meron ka at ang laki naman ng sapatos mo? May lahi ka bang higante o inflatable lang talaga yung paa mo?” tanong ko sa kanya.
Napatawag naman siya, “Isuot mo na lang. Mas mabuti na yan kesa sa wala kang isuot ngayon. Ibalik mo na lang bukas.”
Napilitan naman akong isuot ung sapatos niya. Nilagyan ko lang ng papel dun sa dulo para hindi masyadong maluwag.
“Oh ayan, mukha ka nang tao.” Sabi ni Roy sa akin.
“So hindi pala ako tao kanina, ano ako, alien?”
“Haha, mukha ka lang kasing taong grasa kanina.” Aba, nilait pa ako.
“Tse! Kung makapanglait ka naman. Kailangan harap-harapan?”
“Alam mo kasi, sometimes we need to be cruelly honest. Ampanget naman kapag sinabi natin na maganda ang isang bagay kahit hindi naman totoo. Honesty is the best policy kaya.” Sabi niya sa akin. Pero may sense naman talaga yung sinabi niya.
“So ibig sabihin mukha talaga akong taong grasa kanina?” tanong ko sa kanya. Aba, parag pinapatamaan niya talaga ako eh. >__<
“Maganda ka parin naman eh.”
Nabigla naman ako sa sinabi niya.
Hindi naman kasi araw-araw na may nagsasabi sa akin na maganda ako. Kahit cute nga eh walang nagsasabi sa akin ng ganun. Pero bakit siya?
“Asus, nagbibiro ka naman eh.” sabi ko tapos tinulak-tulak ko siya pero yung mahina lang.
“Hindi ako nagbibiro noh. Maganda ka kaya.”
O////////O
And therefore I conclude, my face turned tomato red after he said those words.
Ay tofu, pati ako napapa-english narin.
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Teen Fiction"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"