Chapter 3: *Lunch Date Daw?*

32 2 3
                                    

Chapter Three

*Lunchdate Daw*

Rania’s POV:

“Oh, Miss Alojado mukhang hindi ka ata na-late ngayon ah?” tanong sakin ni Sir.

“Meron pa naman pong himala sir.” Sabi ko sa teacher namin.

“Eh kung totoong may himala, nasaan na yung homework na pinagawa ko sayo kahapon ?”

Anak ng tokwa. Nakalimutan ko yung homework. Lagot ako nito. (O__O)

“Ah, eh, sir, mukhang pumalya po ng konti yung himala eh.” (___ ____”)

“Tsk, tsk. Hindi talaga tumatalab ang mga himala sayo Miss Alojado. Kaya dahil hindi mo nagawa ang pinagawa kong homework sayo, sasagutan mo yung nasa page 80 ng libro mo. It should be passed on Monday. Gets mo?”

“Gets.” Sabi ko.

Hay nako, buhay nga naman.

Nakakainis talaga yang matandang teacher na yan eh.

Nakatingin lang ako sa labas habang nagdidiscuss ang teacher namin. Ang boring naman ng discussion niya eh. Matutulog nga sana ako pero hindi ako makatulog eh.

Habang nagmamasid ako sa labas, may mga dumaan na mga lalaking estudyante.

Nanonood lang ako habang naglalakad sila sa labas. Pero may isang nakakuha ng atensyon ko.

Isang napaka-gwapong lalake.

Yung lalakeng pinayungan ako kahapon.

O__O

^_^ Dito din pala siya nag-aaral! ^_^

“Aray naman!” napasigaw ako dahil may bumato sa akin ng isang bagay na matigas. Napatingin ako sa sahig at may nakita akong eraser. Tumingin ako sa harap at nakita ko si Sir panot na nakatingin sa akin.

“Miss Alojado, ibang klase ka talaga. Hindi ka nga late sa klase ko pero hindi ka naman nakikinig.”

Hala, ibang klase daw ako sabi ni sir. ^_^

*lunch break*

Pumunta ako sa canteen. Pumila ako at bumili na ako ng pagkain ko.

Hawak ko ang isang tray na may pagkain habang naglalakad at naghahanap ng table.

Pero sa kasamaang palad ay nadulas na naman ako.

Anak naman ng pagong oh, ang malas ko talaga.

Hindi lang naman kasi ako nadulas. Nahulog din yung tray na dinadala ko which means na nahulog din yung pagkain ko.

Ano nang kakainin ko? Wala na akong pera para pambili ng lunch ulit. Magugutom ako neto, at hindi naman pwede yun. >3<

“Uy, tayo ka na diyan.” May biglang nagsalita, boses ng lalaki “Nagmumukha ka nang kawawa diyan oh. Halika itatayo na lang kita.”

Tiningnan ko kung sino yung nagsalita at Oh My Golly Wow, si Umbrella guy!

*O*

He extended his hand at hinawakan ang kamay ko para itayo ako.

Shet. Kinikilig ako. ^////^

Nung nakatayo na ako, binitawan na niya ang kamay ko. Ay sayang.

“Naku, mukhang natapon na lahat ng pagkain mo. Halika dito sa table.” Sabi niya sa akin.

Pinaghila niya pa ako ng upuan at pinaupo. Eh ano naman ang gagawin ko dito? Uupo habang pinapanood siyang kumain?

“Diyan ka lang ha.” Sabi niya sa akin tapos naglakad umalis siya.

Pagkalipas ng ilang minute ay dumating na siya na may dala-dalang tray na puno ng pagkain.

So, kailangan marami talaga siyang kakainin sa harap ko?

Umupo siya at nilapag yung tray sa harap ko.

“Kain ka na.” - sabi niya sa akin.

OhMy, para pala sa akin ang pagkain na binili niya?

At dahil gutom ako, hindi na ako tumanggi sa offer niya. ^_^

Napatigil ako sa pagkain nung nagsalita siya, “Ah, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo. Ako pala si Roy, Rania right?” sabi niya sa akin.

Wait, paano niya nalaman ang pangalan ko?

“Ah, eh, oo. Ako nga.” Kumagat ako sa fried chicken “Kilala mo pala ako?”

Ngumiti naman siya, “Oo naman, ikaw pa.”

Kyaaaaah! Oo, ako na masaya! *\^_^/*

Oha, parang lunch date lang ang drama namin ni Roy. Whahihihi.

“Dito ka rin pala nag-aaral, pero bakit ngayon lang kita nakita dito?” tanong ko sa kanya.

“Ewan ko sayo, malapit lang naman ang classroom natin dahil parehas tayong nasa fourth year. Palagi naman kitang nakikita pero di mo lang ako napapansin.” Sabi niya habang nakayuko.

“Sorry naman oh.” Sabi ko sa kanya.

Tumayo naman siya. Teka, aalis na ba siya?

Pero bakit parang papalapit siya ng papalapit sa akin?

Napapikit nalang ako.

“May dumi ka sa mga labi mo.” He said tapos pinunasan niya yung gilid ng lips ko.

>//////<

Feeling ko nagmumukha na akong kamatis dahil sa ginawa ni Roy.

Whahaha, pero ako na talaga ang kinikilig ngayon! Kyaaaah! ^_^

Unlucky LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon