Chapter Six
*Tiwala Lang*
Rania’s POV:
“Oh Miss okay ka lang?”
Ano ba naman ‘to, nakita na nga na umiiyak ang tao tatanungin pa kung okay.
“Obviously, hindi ako okay.” Diretso kong sabi sa kanya.
“Ah, akala ko kasi tears of joy lang yan.”
Nakakaloka din ‘tong batang nasa harap ko eh. I’m in a devastating state right now tapos sasabihin niyang tears of joy lang ‘to? May sira siguro sa tuktok eh.
“Manahimik ka nga dyan.” Sabi ko sa kanya.
“Alam mo ate, wag ka na ngang umiyak diyan. Lalo kang pumapanget eh.”
Napaka-prangka naman ng batang ito. =___=
“Siguro broken hearted ka noh?”
Hindi lang siya prangka. Manghuhula din siya.
“Silence means yes.” sabi niya tapos ngumiti siya at umupo siya sa tabi ko.
“Ate alam mo handa akong makinig sayo ngayon. Naaawa kasi ako sayo eh. Parang ang lungkot mo. I-voice out mo na lang muna yang mga saloobin mo.”
Sabagay, may point siya.
“Ang sakit pala talaga kapag nag-assume ka noh? Akala ko ako yun pero hindi pala. Iba pala. Akala ko ako yung mahal niya pero iba pala. Ang tanga ko naman kasi eh, ba’t naman ako nag-assume?”
Sabi ko sa kanya. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
“May mga bagay talaga na hindi para sa atin ate. Wag tayong mag-assume ng kung anu-ano dahil baka yun ay hindi para sa atin. Just accept what happened and move on.”
“Sa tingin ko hindi ko kaya na mag-move on mula sa kanya. Siya lang naman yung lalaking na una kong minahal. Sabi nga nila, first love never dies. Kaya sa tingin ko eh hindi mamamatay ang pag-ibig ko para sa kanya.” Sabi ko dun sa bata.
“Hindi mo nga makakalimutan ang first love mo pero sigurado akong kapag dumating na si true love mo eh mawawala na yang sakit sa puso mo.”
Tumayo na siya at nilagay niya ang kamay niya sa mga bulsa niya.
“Tandaan mo ate, first love never dies but true love can bury it alive.”
Pagkatapos niayang magsalita eh naglakad na siya at umalis.
“True love can bury it alive.”
Tama nga siya.
Mahahanap ko din ang true love ko at makakapag-move on na ako mula kay Roy.
Tiwala lang.
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Roman pour Adolescents"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"