Quen POV
"Slave."
"Slave."
"Slave."
"Slave."
"Slav—Argh! Huhuh." Kanina pa ako pagulong gulong dito sa higaan ko dahil paulit ulit mag echo sa utak ko ang salitang iyan.
Kakauwi ko lang galing school. Pagkatapos naming mag usap ni Kirk sa loob ng music room ay lumabas na ako agad agad dahil parang hindi ako makahinga sa loob ng music room na yun para bang may kasama akong monster which is si Kirk iyun.
Akala ko tatantanan niya na ako pagkatapos naming mag usap sa MR, pero. . . ginawa niya na akong slave kanina lang. Shocking diba? Kakausap niyo lang tungkol sa slave thingy pero agad agad ka na rin ginawang slave! Jusko!
Akala niya siguro sino siyang gwapo, e mukha naman siyang minions. Mas gwapo pa nga yata yung mga minions ko kesa sa kaniya, e. Psh! Nagpagulong gulong parin ako dito sa malaki kung kama at namataan ko ang mga minions ko. . . kinuha ko sila isa isa at niyakap.
"Mga baby ko. . . hindi muna niyo makakalaro si mommy ha. Busy kasi ako sa school tas meron pang feeling gwapo na akala mo gwapo. Aii? Inulit ko lang. Hehe. Basta hindi niyo muna ako makakalaro. . . huhuh. Mamimiss ko kayo. " pagsasalita ko sa mga minions ko at nagbabasakaling sumagot. *pout*
Naalala ko na naman yung nakakahiyang eksena kanina sa canteen dahil lang naman kay Mr. Yabang! Aish!
Flashback..
Patungo na ako sa canteen dahil may inutos sakin si king – isang pekeng prinsipe. Hehe. Nagpapabili siya ng snack para sa kanilang apat. Dali-dali naman akong pumunta sa canteen dahil binigyan niya lang ako ng 5 minuto. Kaya nagkakandarapa na akong pumunta sa canteen at the heck. . . ang taas ng pila. T^T
Nang ako na ay dali dali naman akong nag order..
"Manang apat po na sandwich, apat din po na softdrinks, apat din po na spaghetti at isang malaking pizza po." Order ko kay manang. . tumango lang siya at hinanda na ang mga inorder ko. Kukuha na sana akong ng pera sa bulsa ko pero. . . hindi pala ako nakahingi ng pambayad kay kirk nitong inorder ko!!
'What to do?!'
Iniwan ko pa naman yung pitaka ko sa bag ko. Waaahh. Ano ang gagawin ko? E, ang dami dami pa naman ng inorder ko! Huhuh. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung aalis na lang ba ako ditto? Kung magtatago kung saan hindi ako makikita ni manang o kaya naman mag maang maangan na sakin yung inorder ko. Waah. Nalilito na ako.
"Miss.. ito na ang order niyo." Ani manang. . . hindi ko siya pinansin at panay lingon ako sa likod ko. Naramdaman ko na rin na may namumuong pawis sa noo ko. Palihim ko naman iyung pinunasan.
"Miss.. order niyo." Pagulit niya at kinalabit na ako. Hinarap ko siya at nakita kung ready na ang inorder ko, napalunok ako dahil ang dami ng inorder ko pero wala akong dalang pera. Gusto kung tumakbo at bumalik sa classroom ko. Pero parang napako ang paa ko kung saan ako nakatayo ngayon..
BINABASA MO ANG
Ms.Minion Meet Mr.Yabang #IWDMB #FanFic [ON-HOLD]
Teen FictionMs.Minions sounds hyper, palabiro, joker at higit sa lahat mahilig sa minion. Obvious naman diba? Ay na meet niya ang isang mayabang nalalaki. Cold hearted person, hindi marunong ngumiti at higit sa lahat snobber. Ang sarap sipain to the left to t...