Chapter 10

266 13 10
                                    


Quen POV


Hinila niya ako patungo sa malaki niyang kwarto. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil naka boxer parin siya. Wengya! Ang hot niya tingnan. Ah! Erase! Erase!


Tinulak niya ako patungo sa kama niyang malaki tapos masisilayan mo ang kakaibang ngiti sa mga labi niya tapos.. tapos.. unti unti siyang lumapit sakin.. tapos.. tapos.. unti unti niyang hinawakan ang buhok ko tapos.. tapos... unti unti din siyang lumapit sakin at.. at.. sabay sabing...


"anong gamit mong shampoo?" bigla niyang tanong.


Napanga nga nalang ako dahil sa tanong niya. Kanina nga gustong gusto ko ng sumigaw ng "Darna –este Rape! Rape!" pero... tatanungin ba naman ako kung anong gamit kung shampoo.


"Hahahah." He burst his laugh while holding his stomach. Ganon na ba ka epic fail ang reaction ko kanina?


"H-Hoy. Kung makatawa ka naman diyan!" nauutal na sabi ko sa kaniya.


"Napaka epic fail ng mukha mo, e. Hahah. Ano sa tingin mo sakin? Rapest? Eh, ikaw nga tong parang may masamang binabalak sakin, e." nakangiting pang-aasar naman ang masisilayan mo sa mukha niya habang taas baba naman ang kilay niya.


"Hala?! Ano ka chick para p—pagisipan ko ng masama? E—eh. Ikaw nga tong humila sakin at... hiniga ako dito sa kama mo, e t—tapos naka boxer ka pa. oh! Ano naman ang iisipin ko diyan ha?" nauutal na tanong ko sa kaniya habang hindi nakatingin sa kaniya dahil nakakainis yung ngiti sa labi niya.


"Tch! Magbibihis na sana ako kanina ng nakita kitang sasakyan na sana diyan sa minions mung sasakyan. Kaya hindi muna ako nagbihis para masundan kita agad-agad. Alam mo na?! tch. Gusto mo rin naman hindi ako mag bihis, e. dahil gusto mong makita ang 6 pack ABS ko no? Aminin mo na lang. papayagan naman kitang hawakan to eh." Nangaasar na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Ang yabang yabang talaga. Sarap sipain yung ano niya eh—yung paa niya.


Tumayo ako sa kama niya at tinignan siya sa mata ay dinukot ko iyun na walang kahirap hirap. Bumuhos ang mapupulang dugo galing sa mga mata ni kirk kaya tumawa ako ng tumawa na para bang nasisiyahan sa nakikita ko.


Pero joke lang yun, nasa isip ko lang yun. Bwahaha.


"Oh. Ano naman ang gagawin ko dito? At bakit mo naman ako pinatawag ha? Ha?!" tanong ko sa kaniya.


Linibot niya muna ang mga mata niya dito sa loob sabay ngisi. "Linisin mo ang kwarto ko. Tch. Dadating mamamaya ang tatlo." Sabi niya at umupo sa mahaba niyang sofa at binuksan ang mahaba at malaking niyang TV.


Linibot ko din ang mata ko dito sa loob ng kwarto niya at halos lumuwa ang mata ko dahil sobrang dumi nito. Maraming coke in can, nagkalat ang mga damit niya, mga CD, at kung ano-ano pa. Aish! Lalaki nga naman oh!!


Kaya naman sinimulan ko na ang pagwalis at nilagay ang mga coke in can sa isang plastic bag at yung mga damit niya naman ay nilagay ko sa isang basket.

Ms.Minion Meet Mr.Yabang #IWDMB #FanFic [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon