Chapter 2

689 7 1
                                    

BAEKHYUN'S POV

TO: Sunny

Hay nako Sunny babaita ka asan kaba? 8:10 na 10 minutes ka ng late? Ano bang nangyayari sayo masasabunutan kitang gaga ka! Tarantang taranta nako dito! Nasisira na ang beauty ko! Pano na si fafa Chanyeol kung masisira ang beauty ko?

"Hey no texting inside the classroom!" sabi ni Taeyeon sakin.

Ang alam ko college na kami kaya wala ng basagan ng trip! Nakakaimbyerna talaga tong babaeng to, palibhasa may crush sakin! Edi umamin siya tapos sabi ko bakla ako, ayaw maniwala. Edi kunwari nililigawan ko nalang si Sunny kasi baka yun nalang ang paraan para tigilan nako ni Taeyeon kahit yuck, di kasi ako tiburcio. Babae ako!

"I'm just texting my Sunny pake mo ba? Saka pwede ba, college na tayo kaya walang basagan ng trip." at inirapan ko nalang si Taeyeon

"Well, tigilan mo na si Sunny kasi di ikaw ang gusto niya. Kaya akin ka na lang jagiya!" sabi ni Taeyeon sabay kindat sakin

Di ko ititigil ang pagpapanggap ko na nililigawan ko si Sunny hangga't di mo ako tinitigilan. May pajagiya-jagiya ka pang nalalaman,I feel so nauseous because of you Taeyeon. Parehas tayong babae tapos ganyan!

"I'll never be yours!" 

1 MESSAGE RECEIVED

FROM: Sunny

Hoy bakla nasa labas nako ng classroom

TO: Sunny

Edi pumasok ka na, the backwards way! 

Tinignan ko na ang pinto at bumukas na ito, pumasok na si Sunny ng pabackwards hanggang sa makita siya ng professor namin

"Ms. Sunny? where do you think your'e going? Sit down!" 

Dahil nga pabackwards na naglakas si Sunny dito edi syempre nung nadatnan siya ng prof namin kala niya paalis si Sunny. Odiba? Effective ang the backwards way! 

"Oh teh! Anong nangyari sayo bat muka kang lantang gulay? Umiyak ka nanaman noh? Alam mo it's been 6 months, wag mo ng pahirapan ang sarili mo at si Yi Xing! Move on girl. Nahihirapan din si Ying sa situation mo pramis, kung nakikita ka niya ngayon."

Alam ko na tong gagang to! Lagi niyang pinapanood yung ginawang video diary ni fafa Ying! Oo lagi! Araw-araw! Kaya araw-araw din siyang umiiyak. Naiintindihan ko naman si Sunny kasi masakit talaga, kung kelan bumalik dito sa Pinas si Ying tapos may engagement party pa sila saka naman binawi si Ying. Grabe nga nung nasa Manila Hotel kami, mga ilang oras bago nalaman naming patay na yung tatlo grabe yung iyak ni Sunny nun hanggang sa mahimatay na siya, mahal niya kasi. Ilang years na silang magkakilala ni Yi Xing, since birth! Syempre audience ako sa namuo nilang pag-iibigan, kababata ko din sila pati na rin sila Wu Fan, Edison, at Kai. Magbabarkada kasi yung mga parents namin kaya since birth magkakakilala na kami. Alam niyo bang grabe mag-away sila Sunny at Yi Xing noon, kahit simpleng bagay lang pinagtatalunan nila. Pero tomboy kasi tong si Sunny! Lagi niyang pinapaiyak si Yi Xing, pampapansin lang kay Yi Xing, crush niya na ever since eh. Wait iba ang tomboy sa lesbian, ang tomboy kilos lalake lang ang lesbian gusto ang babae okay? Kaya para di kayo malito. 

"Nakaka-guilty din kasi diba nung bigla nalang siyang umalis para pumunta sa America inaway ko siya. Yun pala kaya siya pumunta ng America para magpagamot. Ang alam ko lang nagpagamot lang siya, di sinabi sakin kung anong sakit niya. Nung araw lang na bumalik siya dito sa Pinas saka niyo sinabi sakin na nagpunta pala siya dun kasi may cancer siya, tapos oo cancer survivor siya pero binawi pa rin siya sakin." 

"Hay nako girl move on! Napatawad ka na ni Ying, sana napatawad mo na din siya kasi nilihim niya sayo, ayaw niya lang kasi ikaw mag-alala. Saka America yun kaya sure na sure yung galing niya, kaya di niya na ipinaalam sayo kasi alam niya namang gagaling siya, para di ka na magalala." 

My Past Or Now?(EXO Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon