Chapter 6

536 6 0
                                    

SUNNY'S POV 

Bigla nalang ipinunta ni Chen yung kamay ko sa dibdib niya't tumingin sakin ng diretsyong seryoso. Ano nanaman bang trip nitong camel na to? Pinipilit kong bawiin tong kamay ko pero hinigpitan niya yung hawak "Problema mo?" 

"Alam mo ba kung anong problema ko? Yung puso ko, aatakihin na nang dahil sayo, Sunny." Kinuha niya din yung isa kong kamay tapos tinignan ng nakangiti "Itong mga kamay na to, ito yung gusto kong suotan ng singsing sa harap ni bro."  

*blag* 

Bigla nalang bumukas yung pinto, napatingin kami ni Chen sa kung sino ang nagbukas, si Baekhyun. Napahawak siya sa bibig niya sa sobrang gulat "Oh to the Em to the Gee! Bakit hawak mo yung kamay ni Sunny?" Pumamewang si Baekhyun and a smirk forms in his lips "Mga ateng at koya!" Pinalo niya yung kamay naming dalawa ni Chen na magkahawak ngayon ng pamaypay na naka-close na hawak niya "PDA kayo sa classroom! Dun kayo pumunta sa tagong lugar at baka mahuli kayo ni prof!" Sa sinabi ni Baekhyun napabitaw kami sa paghahawakan ng kamay. "Mukang guilty! HAHAHA! Gotcha!" Nagtatalon si Baek sa sobrang kilig tapos tinusok pa sa tagiliran si Chen "Dumadamoves ka nang ostrich ka ha! Push mo yan!" Pinalo pa niya yung pwet ni Chen "Infairness, matambok!" 

"Hoy Baekla tara na nga!" Hinila ko na palabas sa classroom si BaekHyun, baka kasi magsapakan sila ni Chen. kaw ba naman paluin sa pwet ng sobrang lakas!  

-- 

Nandito kami sa library ngayon para magchikahan... 

"Girl! Ang haba nang hair, sayo na ang korona!" Kumanta si Baekhyun tapos kunwari pinapatungan niya ko ng korona sa ulo "Ganda mo girl! Ang daming nagkakagusto sayo!" 

Ano daw? Madami? Ni wala nga akong alam na may nagkakacrush sakin tapos ngayon, ang dami daw nagkakagusto sakin? "Pinagsasabi mo baekla?" 

"Di mo ba knows?" Nagulat nalang ako ng biglang tumaas yung boses niya tapos yung mga muka namin 1 inch nalang yung pagitan tapos yung mga mata niya pa parang yung mata na ni Kyung Soo sa sobrang laki. Speaking of Kyung Soo, umupo siya sa tabi ni Baekhyun tapos binatukan ni Kyung Soo si D.O. Napahawak si Baekhyun sa ulo niya "Aray! My head! Sino yun?" Pagharap niya sa nasa likod niya si Kyung Soo pala "Ikaw tarsier kang gaga ka ba't ka namamatok?" 

"Tinatawag na tayo nang mga kasisteret natin ano ba! Kanina pa kita tinetext girl! Hala, sige! Tayo na jan and mamaya mo na intrigahin si Sunny!" Kinaladkad na ni Kyung Soo si Baekhyun "Oh Sunny beybeh mauna na muna kami ni shoding, may gagawin pa kame. Muah!" Nagflying-kiss si Kyung Soo sakin tapos nginitian ko siya't kumaway. 

-- 

Bumalik nako sa Room B1A4, backwards way ulit para di mahuli ni prof! Dahan-dahan ko ulit binuksan yung pinto tapos paatras akong naglakad at nakaupo sa may bakanteng upuan, sa upuan katabi ni Kai. Tinignan ko siya tapos tumingin din siya sakin "Ba't ngayon ka lang?" 

KAI'S POV 

Ang lakas ng tibok ng puso ko, tumabi ba naman sakin si Sunny! Act normal Kai, act normal. Napansin kong tumingin siya sakin kaya naglakas na din ako ng loob na tignan siya "Ba't ngayon ka lang?" 

"Tumambay muna kami ni Baek sa library. Oi, ba't ba kayo nagjombagan kanina?" Bigla nalang siya ngumisi at hinawakan yung kamay ko. "Kala ko si Baek lang, kaw din pala. Sorry kung ano man yung naiisip mo samin ni Baek, walang kami pramis." Yung ngisi na yun napalitan ng simpleng ngiti "Matagal na din naman tayong magkaibigan Kai, kaya kahit ano ka pa tanggap na tanggap kita." 

"Huh?" 

"Tanggap ko yung relasyon niyo ni Baekhyun saka gago! Wag mo nga kong pagselosan, ngayon narealize ko na kung bakit kayo nagjombagan. Nagselos ka dahil sakin, pero hoy wala kami ni Baekhyun pramis." 

My Past Or Now?(EXO Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon