Habang tawa ng tawa si Luhan in a manly way at tinatakbuhan ako, di niya namalayan na may poste pala sa harap niya kaya nauntog siya dun. Nilapitan namin siya si Sunny, tanga talaga!
"Lulu okay ka lang?"
Napahawak siya sa ulo niya "Aray! Ang sakit ng ulo ko, Sunny kiss mo naman oh!" bigla ko siyang hinampas sa braso "Joke lang! Pero ang sakit talaga!"
"Yan ang napapala mo sa mga kagaguhan mo Lulu! Di moko gayahin, simpleng gwapo!"
"Sunny, tara ng pumasok sa ospital ang hangin dito, masyado pang mais!" naglakad na silang papalayo, nakaakbay pa si Luhan kay Sunny. Yan ba ang nagagawa ng mukang babae? Pwede niyang akbayan si Sunny kasi magkagood sila, pag ako umakbay kay Sunny siguradong bali braso ko eh.
"Girls hintayin niyoko!" Tumingin sakin si Luhan at binigyan ako ng death glare, tumulo na din ang dugo mula sa ilong niya, dahil siguro yun sa pagkakauntog niya sa poste. Tumakbo ako papunta sakanilang dalawa.
"Sunny? May tampon ka ba?"
"Anong tampon?"
"Babae ka di mo alam? Napkin na nga lang tapos gunting."
"Tangina mo Chen anong gagawin mo sa napkin?"
"Makapagmura wagas. Isasalpak ko lang sa butas ng ilong ni Lulu para tumigil yung pagdudugo."
"Puta Chen ang baboy mo! Tara na nga Lulu!"
--
Nandito kami sa 4th floor, nasa room 410 kasi yung room ni Kai. Pagpasok namin sa room 410 biglang nagbrown-out. Paano namin makikira si Kai nito?
"Kai? Nasan ka?"
"Ginagago mo ba ko Chen?"
"Huh!" napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat sa nakita ko "Narinig niyo ba yun? Parang may nagsalita. Tignan niyo yung kama! May lumulutang na nakabenda't may damit!"
"Talagang!"
"Ganito pala yung feeling ng mga horror scenes sa ospital, umalis na tayo dito!" uumpisahan ko na sanang tumakbo ng biglang bumukas yung ilaw. "Hay salamat!" napahawak ako sa dibdib ko, nang tignan ko yung kama si Kai lang pala, di ko talaga nakita madilim eh.
"Pasalamat ka nakabenda ako kundi baka kung anong nagawa ko sayo Chen." masama ang tingin ngayon sakin ni Kai "Ba't niyo ba sinama yan?"
"Aw naman Kai! Binibiro ka lang, di mo bako namiss?"
"Che!"
"Che!" ginaya ko siya pati boses niya "Pre ano bang nangyari sayo?" di niyako sinagot tapos tumingin lang ng masama kay Baekhyun na nakadungaw sa bintana.
KAI'S POV
Lintik na Baekhyun yan! Tinangka ba naman magpakamatay kanina!
*FLASHBACK*
Di pa sumisikat ang araw may tumawag na sakin, si Baekhyun.
"Hello Baekhyun ang aga aga napatawag ka."
"Good morning!" Masiglang bati niya, nag-good morning to? "Sorry pala kung napatawag ako ngayong oras. Wala lang hehe, nga pala Kai salamat sa pagiging mabuting kaibigan, thank you kasi tinanggap mo ko kahit bakla ako. Sorry din sa lahat, sana kung nagkainitan tayo sana mapatawad mo na ko." yung boses ni Baekhyun, parang may pinapahiwatig.
"Ano bang drinadrama mo?"
"Di ko na kaya Kai." umiyak na si Baekhyun "Di ko na kaya!" pagkatapos inend niya na yung call
Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa nadatnan ko nalang si Baekhyun na nasa rooftop nila :"Baekhyun!" sumigaw nako at nakatingin siya sakin, kitang-kita sa mata niya yung pamumugto. Pumasok ako sa bahay nila, kilala ako ng mga katulong nila kaya kahit anong oras pwede akong pumasok para nakawan sila,joke!
--
Nandito ako sa rooftop...
"Baekhyun? Ano bang problema?"
"Kai, di ko na kaya." ihahahkbang niya na sana yung paa niya para tumalon mula sa rooftop nato ng bigla akong tumakbo papunta sakanya para pigilan siya "Kai! Bitawan moko!"
"Ano bang problema Baekhyun? Wag mo ngang gawin to!" hinihila ko siya palayo at nang dahil dun ako yung nahulog
*END OF FLASHBACK*
"Labas lang ako" paalam samin ni Baekhyun
"Wag niyong papalabasin si Baekhyun." tinignan ko silang lahat na nandito, huli si Baekhyun "Dito kalang"
Lumapit sakin si Sunny at umupo sa kama ko "Ano bang nangyari Kai?"
"Mamaya ko na sasabihin, kakagising ko lang. May kailangan pa kami pag-usapan ni Baekhyun. Pwede bang iwan niyo muna kami."
Nang nasigurado ko ng nakalabas na sila Sunny, Chen, at Luhan...
BINABASA MO ANG
My Past Or Now?(EXO Fiction)
FanfictionYi Xing with his bestfriends Edison and Wu Fan died at the day of his engagement party with his girlfriend Sunny. 6 months later the three went up to heaven only to find out that they've given another chance to live in earth again but sadly they wil...