Chapter 3

670 7 1
                                    

YI XING's POV

Pagpasok naming tatlo sa golden gate of heaven nakakita kami ng cute na manok, siguro ito na yung manok ni San Pedro. Ang dami palang cute dito sa langit, langit talaga! Ito ang totoong paradise!

"Mga anak!" may biglang tumawag saming tatlo kaya nilapitan namin

"Pwede pa kayong bumalik sa baba"

"Bakit po?"

"Namatay kayo diba sa kagagawan ng mga taong nagpabomba ng mall diba? So, ang kamatayan niyo ay kagagawan ng tao, hindi niyo pa oras para mamatay noon kung ang kagagawan ng pagkamatay niyo ay isang tao. Diyos lang ang makakapagdikta kung kelan ang oras ng kamatayan niyo. At ang sabi ng Diyos sakin, bibigyan pa niya kayo ng isa pang pagkakataon para mabuhay."

[A/N: Kunwari lang po yang saying na yan, para lang po sa takbo ng story.]

"Pwede po pala yun?"

"Oo, pero lahat ng mga ala-ala niyo sa mundong ibabaw mawawala."

Mawawala? Makakalimutan lahat? Kabilang na si Sunny?

CHEN's POV

"Mr. Kim Jong Dae!" is someone calling me? Can't they see I'm sleeping because this class is so damn boring? Dapat pala di na ako pumasok, ang hirap din sa situation ng isang pogi, ang daming problema you know? Kung di naman kasi ako pumasok edi hindi din papasok yung mga kaklase kong mga girls, syempre may concern pa din ako sa studies nila kaya pumapasok nalang ako para may inspiration sila na pumasok.

"Mr. Kim!" at may tumama sa ulo ko, hinimas ko ang ulo ko at pagtingin ko sa kamay ko may chalk pala, binato pala ako ng chalk eraser

"Sir!" sigaw nung mga girls sabay lapit sakin at pinunasan ang noo kong tinamaan ng chalk eraser

"Your'e sleeping again at my class! Get out!"

"Sir! Bahala kayo, mawawalan kayo ng estudyante!"

"I couldn't care less! Now get out!"

Kaya umalis nako, susunod sana yung mga girls kaso lang hinarangan ni prof yung pinto pagkatapos kong lumabas kaya di sila natuloy. Dumiretsyo ako sa cafeteria para dun nalang tumambay, kanina kasi nung nasa library ako biglang umingay, ang pogi ko daw kasi. Ang hirap talagang maging pogi! Nagpatugtog nalang ako sa cellphone ko at nagsimulang kumain.

"Pwedeng makiupo?" pagtingin ko si Sunny pala, teka lang bat muka siyang lantang gulay? Yung mata niya may eyebags, pumayat pa siya lalo, tapos ang gulo ng buhok niya

"Sure?"

Umupo na siya, tinitigan niya lang yung pagkain niya.

"Baka malusaw yan."

"May balak ka bang kainin yan?"

Lumapit siya sakin tapos sinubo niya este sinupalpal sa bunganga ko yung buong chicken habang nakatulala. Ano kayang problema nito? Ang alam ko naprepreskohan at napapangitan tong taong to sakin kahit sa totoo lang ang pogi pogi ko, tapos ngayon nakiupo pa sakin.

"Aamin ka naba?"

"Na?"

"Crush mo ko?"

Bigla naman siyang tumawa ng malakas! May echo sa buong cafeteria mula dito sa first floor hanggang sa 4th floor ng cafeteria namin siguro kaya pinagtinginan siya ng mga tao.

"What's so funny?"

"Ikaw? Crush ko? Tangina! HAHAHAHA! Muka kang ostrich eh!"

Problema nito? Kanina tulala tapos ngayon naman tumatawa ng malakas. At ano daw? Muka akong ostrich? Ang hearthrob ng buong campus dahil sa angking talino at kapogian lalo na ang boses, ostrich?

My Past Or Now?(EXO Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon