Nilapitan ko yung dalawang nakaupo sa bench. "W-wala bang masakit sainyong dalawa? Teka lang, san ba kayo nagmulang bumagsak?" May feeling ako na galing langit talaga tong mga to, all white po ang suot nila mula polo hanggang pants. Pfft? HAHA! I must be crazy/
"Wala kaming matandaan, basta ang natatandaan namin bumagsak nalang kami jan sa may damuhan." sabi nung mukang inosente
"Huh? Ano?" Di kaya may amnesia tong mga to? Weh? Uso lokohan ngayon eh, baka mga troll lang to. "Anong pinapalabas niyo? Na may amnesia kayo ganun ba? Wag niyo nga kong pinagloloko."
"Ayaw mong maniwala edi huwag!" biglang tumayo yung matangkad, hanggang dibdib lang ako ano ba! "Basta yun lang talaga ang natatandaan namin." tumingin siya dun sa mukang inosente "Tara na!" Yung lalake namang iyakin sumunod na dun sa dalawang lalake. Umalis na silang tatlo.
--
Tinuloy ko na yung paglalakad para umuwi, nandito ako sa may na eskinita dumaan ngayon. Nakakatakot man dumaan dito pero wala akong choice, matratrack ako pag dumaan ako sa tamang daanan. Curfew na kasi ngayon, baka mahuli ako.
"Pare! Tara inom pa!"
May narinig akong lasing, ito na ba yung kinakatakutan ko sa lugar na to! Dapat talaga maaga akong umuwi! Kung di lang sa dahilan na ayaw kong makita ang mga magulang ko sa bahay namin kanina, uuwi sana ako ng maaga! Bakit ba ayaw ko silang makita? Wala, malayo kasi yung loob ko sakanila kasi lagi yung companya namin yung inaasikaso nila kaya wala silang time para makipag-bonding sakin at maka-close ako kaya tuwing uuwi sila sa bahay, aalis ako sa bahay namin. Ngayon naman umuwi sila, nagpalate ako ng uwi. Itetext nalang ako ng yaya ko pag nakaalis na sila sa bahay.
"Happy happy!"
"And I did it my way!"
"Pre tama na sintonado nakakairita!"
"Shet pare anong sabi mo?" galit na sigaw nung lasing, mukang magaaway pa tong dalawang to? Ayokong madamay, buti nalang nasa likod ko sila kaya pwede ko pa silang takbuhan.
"Pare, tignan mo yung babae oh! Tara magpakilala!" Shet! Babae daw! Sana naman may iba pang babae dito, putris na yan! Nagsimula nakong tumakbo "Miss!" Narinig ko din yung mga paa nung mga lasing na tumatakbo't hinahabol ako. Nang maabutan nila ako, nacorner nila ako sa may pader "Tatakbuhan mo pa kami ha!"
"Tong pagmumuka naming to tinatakbuhan? Ang popogi namin! HAHAHA!" nag-appear pa yung dalawang lasing tapos nagtawanan. Puta naman manong, di naman sa nanlalait ako pero kayo po pogi? Wala nga po kayong ngipin eh! Yung mga natira bukbok naman! "Penge number miss! Text text!"
"Ayoko!"
"Sige na miss!"
"Ayoko nga sabi eh!" Pinilit kong itulak yung mamang walang ngipin
"Osige kung ayaw mo kiss mo nalang ako!" Pumikit yung mama kaya ngayon muka na siyang isda. Napapikit nalang ako sa sobrang baho ng hininga ni manong. "Aray! Bakit moko sinuntok?" Pagdilat ko nasa sahig na si manong pati yung kasama niya.
"Okay ka lang ba miss?" hinawakan ako sa balikat, pagtingin ko yung lalake palang may dimples na mukang inosente. "Sinaktan ka ba nila?"
"Umalis na kayong dalawa dito, kami na tatapos dito sa dalawang to." sabi naman nung lalakeng iyakin na mukang panda. Nagsimula na nilang pagsasapakin yung dalawang lasing, ang galing pala nitong iyakin na to pagdating sa mga suntukan. Di muna kami umalis nung inosenteng lalake kasi pinanood muna namin yung dalawa na bugbugin yung mga lasing.
--
Nang makauwi nako samin, sinama ko muna yung tatlo para pasalamatan sa pagtulong na ginawa nila sakin kanina. Nalaman kong di pa pala kumakain tong tatlong to kaya papakainin ko muna sila dito sa bahay. Pinaupo ko na sila sa table namin tapos tinawag yung mga katulong namin, sila na ang bahalang magpaluto kung anong gusto nilang kainin.
BINABASA MO ANG
My Past Or Now?(EXO Fiction)
FanfictionYi Xing with his bestfriends Edison and Wu Fan died at the day of his engagement party with his girlfriend Sunny. 6 months later the three went up to heaven only to find out that they've given another chance to live in earth again but sadly they wil...