Chapter 5

568 7 0
                                    

ALLYSON'S POV

Lumakad nako ng mabilis pagkatapos kong makalabas sa principal's office. Grabe pinagtulungan bakong pakiligin ng principal ng school namin at ni Xiumin? Pati ba naman si Maam nahalatang crush ko si Xiumin! Omona! Napahawak nalang ako sa mga pisngi ko ngayon kasi ang init ng mga pisngi kong namumula pa sa sobrang kilig, Xiumin at principal naman eh! 

"Hoy Al hintay!"

"Che! Don't talk to me!"

"Problema?"

"Ikaw!"

"Masyado ka na!"

"Masyado na akong? Pogi? I know!" 

"Tangayin ka sana ng hangin! Yung pinakamalakas na hangin para kahit batchoy ka matatangay ka! Ang hangin mo kasi!" 

"Dami mong alam"

"Whatever" 

"Crush mo lang ako" 

Shet, crush ko daw siya! Oo pero, basta! "Asa!"

"Talaga?"

Lumapit lalo sakin si Xiumin  kaya napaatras ako hanggang sa putangina ang tanga ko! Nasa pader na pala ako kaya itinaas ni Xiumin yung arms niya sa pader na nasa gitna ako kaya nacorner ako. Mga madlang people! Anong gagawin niyo kung nasa sitwasyon kayo kung saan habang naka-corner ka sa pader palapit ng palapit ang ulo ng isang poging lalake sa ulo mo, na halos pwede na kayong magkiss konting lapit nalang? Ano? Anong gagawin niyo? Kasi di ko na kaya! Masyado nakong kinikilig! 

"Xiumin"

"Yes?"

"Bago mo gawin yan pwede bang ligawan mo muna ako?"

"Ano? HAHA! Al ano bang pinagsasabi mo? HAHA! Kinilig ka no?" sinasandal ni Xiumin yung muka niya sa left arm niya habang tumatawa siya, sayang ang bango pa naman ng hininga niya, maamoy ko sana lalo kung tatawa siya mismo sa harap ng muka ko. Shet ang landi! 

"Wala! Tabi jan taba!" kinurot ko siya sa bilbil niya kaya napahawak siya sa tyan niya kaya wala na siyang pangharang sa gilid ko kaya umalis nakong naka-corner sa pader.

"Ligawan? HAHA! Ang epic Al! HAHA! Ang sakit sa tyan!" 

"Gusto mong kurutin ko nanaman yang tyan mo para lalong sumakit?"

"Wag na Al, tama na yung pinapatawa moko sa mga pinagsasabi mo! HAHA! Wag kang mag-alala--" 

Di ko na siya pinatapos at iniwan nalang siya dun, nainis ako eh! Oo umasa ako na liligawan ako ni Xiumin, crush ko eh. Sa gusto kong umasa, yan tuloy napagtawanan ako ng baboy! Dumiretsyo nalang ako sa girls comfort room para mag-ayos.

XIUMIN'S POV

"Wag na Al, tama na yung pinapatawa moko sa mga pinagsasabi mo! HAHA! Wag kang mag-alala"

 Di ko natapos ang sasabihin ko kasi walk-out queen ang peg ni best. Ang gusto ko lang naman sabihin is 'Wag kang mag-alala Al, liligawan na kita. Kasi aaminin ko na yung nararamdaman ko, na gusto kita' Matagal ko ng gusto si Al, since 1st year pa lang kami pero anyare sakin? Friendzone. Bestfriends pa nga kami eh. Tiniis ko yun for 4 years pero ngayong graduating naman kami, siguro need ko na talagang umamin. 

Alam niyo bang gusto ko ng pumatay tuwing may nang-bubully jan, tulad nalang kanina. Pero di pwede! Pinsan ko kasi si Jennica at babae siya kahit mukang maton. Kung di lang siya babae at pinsan ko pa, mata niya lang ang walang pasa sa mga pinag-gagawa niya kay Al for 4 years, walang tigil noh? 4 years kahit binabawal! Ang tanga siguro ng babaeng yun para di magsink in sa utak niya yung mga katotohanang sinabi ko

My Past Or Now?(EXO Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon