Chapter 9

62 6 0
                                    

KAI'S POV

"Pasensya ka na sa inasal ko kanina kay Baekhyun." ngumiti nalang ako sakanya

"Kai." 

"Sige mauna na ko, anniversary niyo ni Yi Xing ngayon kaya alam kong pressured ka pa. Maghihintay nalang ako sa ibibigay mong respond sa pagmamahal ko." tumayo nako mula sa pagkaupo sa stairs at umalis na  

Di pa sana ako aamin kaso lang nabigla ako. Mas mabuti na din siguro yung umamin, tama si Baekhyun. 

SUNNY'S POV 

Nasa sementeryo ako ngayon, nilagyan ko ng bulaklak yung puntod ng tatlo. Bumuhos nalang yung luha ko, kawawa na tong mga mata ko kasi kanina pang umaga umiiyak.  

"Happy 2nd anniversary Yi Xing! Pasensya ka na kung nagkakaganito ako, alam kong nahihirapan ka. Masakit pa rin kasi, akala ko forever yun pala kukunin ka din sakin. Miss na miss ko na kayong tatlo alam niyo ba yun? Pumunta ka pa kasi sa mall nun para bumili ng regalo para sakin, pwede naman sa Amerika ka bumili ng gift para sakin nung nandun ka diba? Joke lang. Ang totoo niyan kahit di ka na bumili ng gift para sakin, kasi di ko naman kailangan yun. Ang kailangan ko yung makapiling ka, yun lang at wala ng iba." 

BAEKHYUN'S POV 

Wala kaming pasok for 1 week kaya 1 week akong nandito sa house namin. Matapos ng nangyari samin ni Camille, di ko na alam ang gagawin ko. Buti nga wala kaming pasok for 1 week, nakakaiwas ako kahit papaano. 

*blag* 

Pagtingin ko sa pinto namin, si Kai pala. Kwinelyuhan niya ko, patay! 

"Buntis ang kapatid ko! Trinaydor moko Baekhyun! Nagpapanggap ka lang palang bakla! Yun pala titirahin mo din ang kapatid ko! Panagutan mo siya!" Hinila ako ni Kai palabas ng bahay namin, nakita ko yung babaeng nakatalikod tapos nakasuot siya ng wedding dress. Pagharap niya sakin si Camille pala! Tinulak ako ni Kai papunta dun sa altar sa garden namin, garden wedding ba ang peg! Tapos hinawakan ako ni Camille sa kamay, papgpunta namin sa altar hulaan niyo kung sino ang bestman? Si Chanyeol. Nasa harap na kami ng pari... 

"Camille, do you take Baekhyun to be your husband?"

"I do!" niyugyog pako ng loka!

"Baekhyun, do you take Camille to be your wife"

Tinutukan ako sa noo ng baril ni Kai "Sasagot ka o hinde? Pakasalan mo si Camille!"

"I don't! Waaaaaah!" Tumakbo ako paalis, narinig ko nalang na may pumutok na baril. Napahawak ako sa puso ko, pagtingin ko sa kamay ko may dugo.

"Ah!" panaginip lang pala. Shet! Paano nga kung mabuntis si Camille? Patay ako nito kay Kkamjong! 

-- 

CHEN'S POV 

"Chen, bangon na oh!" 

"Mamaya pa! Inaantok pa ko!" 

"Gigising ka o hindi?" Sinubukan kong imulat yung mga mata ko, pero sa sobrang antok pa ko blurred pa lang yung nakikita ko, at alam niyo kung anong naaninag ko ngayon? Isang chix lang naman na short hair. Me likie! Niyakap ko siya "Chen! Ano ba!" 

*bogsh* 

"Aray!" binigyan lang naman ako ng upper cut ng chix!  Kaya ngayon gising na gising na ko, napabangon pa nga ako sa kama dahil sa upper cut na natanggap ko. Pagtingin ko kung sino, si Lulu pala "Anong ginagawa mo dito! Bawal babae dito sa dorm namin!"

Nakatanggap naman ako ng batok sakanya "Manly ako! Manly!" 

"Walang nagtatangong! Ang sarap ng tulog ko Lulu tapos ginising mo lang ako!" Lumapit ako sakanya "Ha!" pinaamoy ko nga yung morning breath ko 

My Past Or Now?(EXO Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon