STB: 20

8.2K 150 1
                                    

Jesy's POV

Akala ko matatapos na itong gabi. Hindi pa pala. Nandito kami ni Jake sa isang park para kaming nagpipicnic sa gabi. Magkatabi kaming naka-upo habang kumakain ng ice cream.

"I love you!" Siguro pang-isang daang beses na niyang sinasabi sa akin yan. Kumutsara ako ng maraming ice cream sabay isinubo kay Jake.

"I love you too. Hahahaha!" Ang sweet kong girlfriend. Pinagtatawanan ko siya habang nabrain-freeze siya.

"Bad ka! Dahil jan may parusa ka. Hahahaha!" Tsk?! Lagot ako nito.

Agad niya akong dinaganan at sinubuan ng ice cream. Pero ang mas ikinagulat ko ay bigla niya akong hinalikan. Sh!t Para tuloy inaagaw niya yung ice cream sa bibig ko. Ito na ba yung parusa? Masarap pala. Hahahaha! Naughty!

"Sarap! Hahaha!" Sabi ni Jake habang nasa taas ko pa siya. Hindi ko alam kung bakit kami nagtititigan. Ang tagal! Yung tipong ayaw namin pakawalan yung isa-isa. Maya-maya nakaramdam ako ng tubig at parami nang parami. Syete! Umuulan.

"Jake?! Tara na?! Umuulan na!" Sigaw ko.

"Tsk! Tatakbo ka pa eh basa na tayo." Tama naman siya! So, para tuloy kaming bata na naglalaro ng habulan sa ilalim ng ulan.

"Gotcha! Hahaha. I love you"---Jake

"Hahahaha! Jake?! Wag mo akong kilitiin!? Hahaha!" ---Ako

"Hahaha! Ano bang ginawa no sa akin at patay na patay ako sayo? Hala?! Ginayuma mo ako?! Tama?! Ginayuma mo ako?!" -- Jake

Hindi na ako naka-angal kasi hinalikan na naman niya ako. Kiss in the rain, ang peg namin ngayon.

"Let's Go na. Baka magkasakit ka pa." --Jake



Bumaba kami sa isang hindi pamilyar na lugar. Pumasok kami sa isang condo.

"Kanino to" Tanong ko.

"This is my place."-- Jake

" May condo ka?! Mayaman ka pala!? Eh bakit nagtratrabaho ka bilang secretary?!" --Ako

"Hahahaha! Trip ko lang!" Sabi niya sabay abot ng malaking damit at extra boxer daw niya.

Agad akong nagshower at nagpalit. Paglabas ko, naabutan kong naggigitara si Jake. Niyakap ko siya sa likod sabay kiss sa cheeks niya.

"Ikaw na! Bilisan mo baka magkasakit ka pa." --Ako

"Okay! If you're tired, you can sleep na." --Jake

Hinintay ko lang matuyo yung buhok bago ako mahiga. Nang medyo tuyo na, humiga na ako sa kama ni Jake. Ang bango! Pumikit na ako nang may naramdaman akong humalik sa ulo ko. Pagbukas ng mata ko, nakita ko si Jake na humiga sa sofa.

"Hey?! Bakit sa sofa ka matutulog? Malaki naman tong kama mo at tsaka nakakahiya sayo. Tabi na tayo." --Ako

"I'm okay here. Sleep na." --Jake

Agad ko siyang nilapitan.

"Natatakot ka ba na may mangyari sa atin? I trust you, Jake. I love you!"-- Ako

"Are you sure? Don't worry! I respect you. I love you too." Sabi ni Jake sabay kiss sa noo ko.

Agad kaming natulog na magkayakap. Pero bago ako pumikit...

"Thank you,Jake! I love you! Goodnight!"

"Anything for my queen. I love you too."






------

Yieeeee.

Sorry if my typos

Follow .
Vote.

She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon