STB: 10

11.2K 219 1
                                    

Jesy's POV

Tahimik lang kami na naka-upo habang naghihintay ng inorder namin sa bandang gilid ng restaurant, ayoko kasi sa gitna at tahimik kapag nasa gilid ka lang. Biglang sumama yung pakiramdam ko dahil siguro sa gutom.

"Boss, pareho pala tayong may allergy sa hipon. Hahaha! Favorite pa natin yung kare-kare." Sabi ni Jake. Mali pala ako! Maingay din sa gilid lalo na kapag may kasama kang secretary.

"Ma'am, Sir, ito na po yung orders niyo. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan pa kayo." Sabay kindat kay Jake. At ito namang si Jake ay tuwang-tuwa pa. Tsk! Landi niyo. Lalo atang sumama yung pakiramdam ko.

"Pwede ba?! Nandito tayo para kumain, hindi para lumandi! Bilisan mong kumain! Babalik agad tayo sa office!" Masungit na sabi ko kay Jake. Dapat lang noh?!

"Boss?! Naaamoy mo ba yun?!" Tanong ni Jake habang sumisinghot.

"Wala akong naaamoy?! Just Eat?!" Bahala siya jan.

"Hindi mo talaga naaamoy, Boss? Amoy ng isang boss na nagseselos kasi kinindatan ng waitress yung secretary niya!" What the?! Ako?! Nagseselos?!

"Ako?! Nagseselos?! Excuse me?! Mas maganda ako dun sa waitress noh?!" Sabi ko sa kanya.

"Sinabi ko bang kayo yung boss na nagseselos? Yun lang po yung naaamoy ko. Hahahaha!" Hindi siya nakakatawa.

"Shut up?! Just eat?! Hindi ka nakakatawa. At lalong hindi kita type para magselos ako kung sinumang ahas ang lumapit sayo. Just eat!" Nakakainis siya. Argh! Nakadadagdag lang siya ng sakit ng ulo ko.

"Denial Queen!" Bulong niya pero hindi na lang ako nagsalita kundi sinamaan ko siya ng tingin.

After 30 minutes, tapos na kaming kumain at natawag na namin yung waitress para magbayad. Syempre! Ako yung nagbayad.

Tumayo na ako para pumunta sa sasakyan ko pero pinigilan ako ni Jake.

"What?! Gutom ka pa?! Tara na?! Marami pa akong trabaho?!" Sigaw ko sa kanya. Habang naglalakad ako, nagulat ako sa ginawa niya.

"A-ano ba?! B-bakit ka nangyayakap?! Bitawan mo ako, Jake?!" Galit kong sabi, agad din namang napalitan ng hiya dahil sa sinabi ni Jake.

"Ma'am, nakalimutan mo yatang may bisita ka ngayon. May tagos ka po." Sh!t. Sh!t talaga. Kaya pala sumama yung pakiramdam ko.

"Tara na Ma'am! Hayaan mo na ako." Anu pa bang magagawa ko?!

Habang naglalakad, hindi ko alam kung saan ako mahihiya?! Sa tagos ko o sa lalaking nakayakap sa likod ko.

"Ui! Ang sweet nila!"

"Bagay sila!"

"Ang swerte ni ate. Ang gwapo ni Kuya!"

"Swerte rin si Kuya! Ganda ni Ate!"

Pagkalabas namin sa restaurant, agad akong sumakay sa passenger's seat ng kotse ko sabay pikit. Sh!t nakakahiya!

"Ui, Boss! Narinig mo yon?! Bagay daw tayo. Ayieeee!" -- Jake

"Ui, Boss?! Okay ka lang?! Wag ka ng mahiya. Ako lang naman yung nakakita." -- Jake

"Ui, Boss!" -- Jake

"Iuwi mo na ako sa condo ko. Ituturo ko yung daan habang nagda-drive ka. Please, manahimik ka muna. Lalong sumasama yung pakiramdam ko dahil sayo" Utos ko agad din niyang pinatakbo yung kotse ko.

-----
Yiee! Nanalo si Yohan Hwang sa I <3 OPM. Ang ganda ni Toni, the soon-to-be-mommy tin. Hahahaha

Yan na po yung yakapan scene. Hehehehe

Follow me.
Vote :)


She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon