After 2 weeks
Jesy's POV
"Mayaman ka na! Nagpapayaman ka pa. Kailangan mong magpahinga. Bawal sayo ang ma-stress, di ba? Aalis ka pa bukas. Hay naku! Umuwi ka na at pagpahinga." Hayan na naman si Lance. Parang nanay kung umasta.
"Opo, nay! Pauwi na nga po ako. Haist!" Ganyan siya sa akin, dalawang linggo na.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Nag-aalala lang ako sayo. Paano na lang kapag nasa America ka na? Sigurado ka ba na kaya mo? Remember, you almost one month..." --Lance
"Shhhh... Kaya ko talaga. Kaya namin. Sige na, umuwi na tayo. Maaga pa flight ko. Hahabulin ko pa yung magiging daddy ng mga anak ko noh!" Tsk! Grabe! Araw-araw may sermon ako kay Lance. Ganito kasi yun.
*flashback
(Mga nangyari sa dalawang linggo)Nandito ako ngayon sa office. Pinipilit ko tapusin yung mga trabaho ko bago sundan si Jake. Medyo hindi nga maganda yung pakiramdam ko. Hindi ko naman pwede pabayaan 'tong company.
*tok* *tok*
"Come in!" Sigaw ko.
"Hey? Are you okay?" Si Lance pala.
"Yah! Kailangan ko lang tapusin 'to then lilipad na ako sa America." Yes! Okay na. Pupuntahan ko si Jake.
"Okay. Are you sure that you're okay? You look pale. Baka sa ospital kayo magkita ni Jake." --Lance.
"Okay lang ako. Samahan mo ako. Let's eat." Ang totoo ay hindi talaga maganda yung pakiramdam ko. Habang palabas kami ni Lance, biglang umikot yung paningin ko. And everything went black.
"Jesy...Jesy!?" Yan ang huli kong narinig.
Nagising na lang ako sa ospital. Medyo maayos na yung pakiramdam ko.
"Jesy? Are you okay? Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Lance pero bago ako makasagot ay pumasok na yung doctor.
"Hello, may nararamdaman po ba kayo this past few days? Tanong nung doctor. May sakit ba ako?
"Actually, palagi akong nahihilo at nasusuka lalo na sa umaga, palagi din po akong inaantok, at parang palagi din po akong nagugutom....." Bigla na lang nanlaki yung mata ko.
"Based on your reaction ay mukhang alam niyo na. Yes po! You are 2 weeks pregnant." Bigla siyang tumingin kay Lance. "Sir, bawal po siyang ma-stress. Makasasama po yun sa mag-ina niyo. Here! Yan po yung mga vitamins ni misis. I'll go na po." Pareho kaming natulala ni Lance.
*end of flashbacks.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Sabi naman nung doctor ko, pwede pa akong pumuntang America. Pinagpahinga lang muna ako. Ito namang si Lance actually pati si lolo. Minu-minuto akong sinesermunan.
"Okay! Uminom ka ng gatas bago matulog. Tawagan mo ako kapag may problema. Ako na ang maghahatid sayo. Ingatan mo yang inaanak ko! Hahahaha!" See. Mas concern siya sa baby.
"Opo, nay!" Sabi ko.
Bago ako matulog, kinakausap ko yung baby ko.
"Goodnight, my baby! Makikita na natin si Daddy. Sana hindi siya galit. I love you."
------
Wag po kayong magagalit sa ending.Sorry if my typos.
Follow.
Vote:)
BINABASA MO ANG
She's The Boss
RomansaMy name is Jesy Louis Amable, 25 , the granddaughter of Mr. Gabriel Antonio Amable. We owned the biggest and number one hotels around the world. I'am rich, beautiful, smart and sexy and I'm so proud of it. At the young age, I'am now the CEO of our b...