First Kill♠
**ERIN’s POV**
Nasa labas na kami ng venue. Madilim. Maraming malalaking puno sa nilalakaran ko...ng tingnan ko ang dereksyon ni Tyler bigla nalang siyang nawala.
Where is he?
Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa paligid. Sobrang tahimik. Ako nalang mag isa.
Wala man lang kahit anong bakas niya.
Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng may naapakan akong sanga ng puno kaya agad akong napalingon. Biglang may humablot sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko. Sumigaw ako pero mas diniin pa niya ang pagkakahawak niya sa akin.
"Shut up!" Sigaw ni Tyler habang hinihigpitan ang pagkahawak sa akin. Sinet up niya ako!
Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya pero malakas siya. Hindi niya ako hinahayaang makawala at hinahatak pa niya ako papalayo sa venue.
Tama nga ang hinala ko. I can’t trust anyone… Hindi siya magpaplano ng ganito kung wala siyang kinalaman sa mga pangyayari. May posibilidad na isa siya sa mga pumatay sa kapatid ko.
Tinaas ko ang isang kamay at kinuha ang nakalagay sa buhok ko na matulis na bagay.
My plan B.
Pero kinuha niya agad ang kamay ko at pinako sa likod ko kaya nahulog ang pinangtali ko at bumagsak ang buhok ko.
Tumawa siya ng malakas. "Anong gagawin mo? Papatayin mo rin ako? Ha! Hindi mangyayari yun dahil uunahan kita!"
Sinakal niya ako gamit ang mga braso niya. Hindi siya humarap sa akin habang mas dinidiin niya ang pagkakahawak.Hinawakan ko ang braso niya pero hindi ko kayang itulak o ilayo. Nanghihina na ako dahil hindi ako makahinga.
Damn! I could die!
“Alam mo bang isang malaking pagkakamaling pumunta ka dito sa school namin? Your face gave you so much misfortune Erin Ocampo, you could die here anytime, anywhere simula no’ng una mong pag apak sa eskwelahang ‘to. Alam mo ba kung bakit?”
Halos mawalan na ako ng hininga sa ginawa niya. Mabuti nalang at agad niyang pinakawalan at inalis ang braso niya sa leeg ko at hinarap ako.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Kahit na ang buwan nalang ang nagpapanatili para maaninag ko ang mukha niya…Nakikita ko pa rin ang matatalim niyang tingin sa akin. Malalalim na tingin ng isang demonyong gustong pumatay ng tao.
Kahit na sumigaw pa ako ngayon…walang makakarinig. Halos nasa gitna na kami ng kagubatan. Kung magkakaroon man ng pagkakataon. Tatakbo ako. Pero malakas siya. Ayaw niyang bitawan ako.
“Because you are her. Nagpanggap kang patay para makampante kaming wala na kaming pu-problemahin pa! Ikaw si Irisa Bernardo hindi ba? Sagot!”
Halos mapatalon ako sa boses niya. Punong puno siya ng galit at ramdam ko yun dahil halos dumugo na ang pisngi ko sa matinding pagkahawak niya.
Tama…Tama ang kutob ko. May kinalaman siya sa nangyari kay Irisa! Tama ang mga napanaginipan ko.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi m-mo…”
“Sinungaling!” Sinakal ulit ako at pinako sa puno para hindi makagalaw.
“T-Tyler…please. L-let me go…”
Umiling siya.
“May gana ka pang magsinungaling gayong hindi makakapag sinungaling ang mukha mo! Hindi ako makapaniwalang bumalik ka pa sa school na to. Hindi ka ba natatakot sa maaaring gawin namin? Hindi ka makakawala sa amin Irisa. Hindi mo matatago ang sarili mo sa pagpapanggap mo bilang Erin Ocampo!”

BINABASA MO ANG
BETTER than REVENGE
Teen FictionI would never do this unless it's needed. But Iris needs my help. My twin. She died without knowing she had someone who can lean on. Revenge is what she needs. Revenge is what they gonna taste. and better than revenge is what I can give.