♠7-Candle Lighting♠

406 31 17
                                    

Candle Lighting ♠


**ERIN's POV**

Hindi pumasok si Ace sa klase namin. Hindi ko na rin siya nakita kahit saan mang sulok sa building.

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ako tutulungan. Anong ibig niyang sabihin? May alam ba siya tungkol dito? May alam ba siya tungkol sa akin? Sa amin ni Irisa?

Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking yun.

"May candle lighting daw mamayang gabi sa field. Punta tayo ha."

"Para saan?"

"Para kay Tyler. Inorganize nong mga kasama niya sa dance troupe

Natigilan ako sa pag aayos ng mga gamit sa locker.

Candle Lighting para kay Tyler?

"Sana mahanap na ang gumawa nun. Wala pa ring suspect eh"

"Sana mamatay rin siya. Sana pagsasaksakin rin siya ng maraming beses!" Nagsimula ng umiyak ang babaeng kasama nila.

"Tahan na Lori. Ipa sa police nalang natin ang lahat."

Tumahan na ang kasama nalang umiiyak saka umalis na rin.

Tuwing nakakarinig ako ng mga ganito, bumabalik ang mga nangyari kagabi sa lugar na yun. Umuulit rin sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Hindi naman siya mabait pero marami ang nagkakagusto sa kanya. Hindi ba nila alam na rapist ang binibigyan nila ng candle lighting? 

Hindi awa ang nararamdam ko ngayon. Galit.


Hindi ako guilty. Tama lang yung nangyari sa kanya.

Pumihit ako ng hininga at agad na sinarado ang locker. Agad kong nakita si Bernard sa tabi ko na nakangiti kaya nagulat ako.

"B-bernard..."

Sumandal siya sa locker. "Hey. Wala ka kagabi ah. Ininjan mo ako sa party."

Oo nga pala. Nakalimutan ko na siya pala ang date ko dapat kagabi.

"P-pasensya na. Dumating naman ako eh. Kaya lang...Ahm. Bigla akong nahilo kaya...umuwi nalang ako."

Nakita ko ang pagka concern sa mukha niya.

"Okay ka na ba ngayon? Hindi rin naman ako nagtagal sa party. Boring kasi wala ka naman doon." Ngumiti siya.

"Sorry talaga. Babawi ako. Libre kita ngayon"

Umaliwalas ang mukha niya nong marinig niya yun.

"Talaga? Sige ba!"
----


Habang kumakain kami napansin kong nakatingin ang mga classmate ko sa amin. Nasa kabilang mesa sila sa likod ni Bernard.

Bakit kaya?

Napatingin rin si Bernard sa likod niya."Anong problema?"

Nang nakita nilang nakatingin sa kanila si Bernard agad silang umiwas ng tingin.

"Wala... Mga classmate ko lang yan." Pilit akong ngumiti sa kanya saka kinain ang sandwich ko.

"Wala ka bang ibang naging kaibigan dito?" Tanong niya ng binaling niya ang tingin sa akin habang kinakain rin ang sandwich  niya.

Umiling ako. "Meron naman. Meron din namang kumakausap sa akin doon. Kaya lang…sabihin nating ayoko lang.” Ngumiti ako.

Ayokong maging malapit sa mga tao dito. I can’t trust anyone.

BETTER than REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon