♠Good parents, Bad parents♠
I don't know how to react when I see their faces personally.
Some part of my face... magkaparehas kami ni mama. Sa kilay niya, sa mata pero sa buong kabuuan ng mukha ko at kulay ko, kay papa.
Natigilan sila ng makita ako. Alam kong alam nila na twin ako ni Iris pero iba pa rin siguro ang tingnan ako at isiping kamukha ko talaga ang kapatid kong namatay.
Niyakap agag ako ni papa. Dumaloy ang luha sa pisngi ko. Ganito ba ang lukso ng dugo? Ganito ba ang feeling pag nakita mo na ang totoong mga magulang mo? I feel like I'm whole. That this emptiness in me seems to finally fill in.
Naririnig ko ang hikbi niya. Doon pa lang sa hikbi at higpit ng yakap niya, nadala na ako.
"Anak...anak patawad sa ginawa namin ng mama mo. Patawad kung pinamigay ka namin." Humagulhul siya.
Tumango lang ako ng paulit ulit. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Parang lahat ng tanong nalimutan ko na ng sabihin niya yun sa akin.
Napatingin ako kay mama. Tulala siyang napatingin sa akin. Para siyang nakakita ng multo. Agad siyang umiwas ng tingin at pinunasan ang luha niya.
Bumitaw muna ako kay papa at humakbang papunta kay mama. Nakita kong dumaloy ang luha sa mga pisngi niya. Akala ko yayakapin niya ako pero umalis siya at pumasok sa loob.
Natigilan ako sa paghakbang. Ayaw ba niya akong makita? Sa tagal-tagal ng panahon...hindi man lang niya ako niyakap o binati man lang. O hindi man lang siya nag explain. Pero umiyak siya, nakita ko ang luha niya. Bakit…?
Sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako sa parting yun. Agad akong hinawakan ni mommy at daddy.
"Relax Erin...." Sabi ni daddy. Inalalayan nila akong dalawa para hindi ako matumba. Mahirap akong maging emosyonal, nahihirapan akong huminga at naninikip ang dibdib.
Tumango ako.
"I'm o-okay." Ngumiti ako sa kanila pero hindi ko matago ang luha ko. Hindi ko matago sa dalawang taong nagpalaki sa akin at tinuring akong tunay na anak.
Humakbang na kami papasok ng bahay nila. Agad tumambad sa amin ang sala pero wala sila. Kaya umupo muna kami doon. Nakita ko ang mga nakakabit niyang medals and certificates sa wall kaya napangiti ako.
Looks like we're not the same pag dating dito.
Nakita ko sa center table ang picture ni Irisa na nakaupo sa bench. Kinuha ko yun.
"Talagang magkamukha kami..." Sabi ko.
"She's also beautiful." Ngumiti si mommy habang nakatingin din sa litratong hawak ko.
"If you two met siguro mahihirapan akong malaman kung saan yung anak ko" Mahinang tumawa si dad.
Napatingin ako sa kanya. Nakikitang ko ang mga namuong luha sa mga mata niya.
"We're so glad Erin that we met you. Kahit na hindi kami pwedeng magkaanak ng papa mo, tinuring ka pa rin naming tunay na anak. We truly loved you, you know that." Niyakap ako ni mom and dad.
"I'll love you too mom, dad. Salamat sa pagpapalaki niyo sa akin. Hindi ko naramdaman na adopted lang ako dahil pinaramdam niyo sa akin kung ano ang tunay na pamilya" Niyakap ko rin sila.
BINABASA MO ANG
BETTER than REVENGE
Ficțiune adolescențiI would never do this unless it's needed. But Iris needs my help. My twin. She died without knowing she had someone who can lean on. Revenge is what she needs. Revenge is what they gonna taste. and better than revenge is what I can give.