♠6-Murderer♠

428 30 16
                                    

MURDERER♠

**ERIN's POV**

"Anong nangyari sayo Erin ba't namumutla ka?" Tanong ni Manang Rosie kaya kinabahan ako ng husto nang bigla lang siyang sumulpot sa tabi ko.

Kanina pa ako nakabalik dito sa private room ni daddy. Matapos makita ang mga kaganapan sa E.R, nakumpirma ko ng patay na si Tyler.

One down.

Ang bilis ng pangyayari. Isang gabi lang...may napatay na akong tao. Bago lang ako sa eskwelahang pinasukan ni Iris...may dumanak na na dugo. With my very own hands.

I stabbed him. I killed him. This was my first kill. Naalala ko pa ang nakitang kong dugo na dumaloy sa katawan niya. Naalala ko pa ang huling bukas ng kanyang mata at ang huling pag pikit nito.

I'm a murderer.

"Grabe yung pinatay na lalaki ano? Andaming saksak sa likod niya. Sobrang galit ata ang gumawa non. Parang walang awang pumatay. Parang hayop lang na tinadtad ng saksak."

Iling na sabi ni Manang Rosie habang inaayos ang mga gamit niya sa cabinet.

Natigilan ako sa huling sinabi niya.

Tinadtad ng saksak? Isang beses ko lang siya sinaksak...

Naalala ko ang iniisip ko kanina sa labas ng ER.

May ibang tao doon. May taong sumaksak sa kanya ng maraming beses at hindi ako yun. Isang beses ko lang siyang sinaksak at umalis agad ako. Pero paano nangyaring may ibang tao doon?

Baka nakita rin niya ang pag saksak ko kay Tyler. At sigurado akong buhay pa siya at namatay lang dahil sa rami ng saksak sa kung sino man siya.

Kung totoo yun so...sino siya?

"Kilala mo ba yun Erin?"

Napatingin ako sa kanya. Hinihintay niya ang sagot ko.

"P-po?" Umubo ako. Para iwasan ang titig niya.

"Ang tanong ko kilala mo ba siya? Kasi estudyante daw siya ng bagong nilipatan mo na school eh."

Umiling ako. "H-hindi po"

Tumango siya.

"Nako mag ingat ka ha. Alam mo naman ang panahon ngayon. Nako, maraming patayan. Marami na rin ang pumapatay at walang awa pa ang mga pumapatay ngayon. Hindi nila alam kung gaano kahalaga ang buhay ng mga pinapaslang nila."

Tama si manang Rosie. Isa na rin ako doon. Isa na akong mamamatay tao.

"Anong nangyari sa braso mo ba't maraming sugat?"

Napatingin ako sa braso ko at tinago ulit yun. Hindi ko pala nalagyan ng bandage to.

"N-natumba ho ako sa labas ng bahay." Pagsisinungaling ko.

"Lagyan mo yan ng gamot para agad na gumaling. Ang kinis pa naman ng balat mo. Lagyan mo yan ng bandage."

Tumango ako.

Hindi na ako tumingin kay manang dahil baka makita rin niya ang sugat sa leeg ko at baka mas lalo siyang mag panic.

---

Pinauwi na ako ni Manang Rosie sa bahay. Dumiretso na ako sa banyo at naligo ulit. Pakiramdam ko ang rumi ko na, na nasa mga kamay ko pa rin ang kutsilyong hawak ko. Ang kutsilyong pumatay kay Tyler. Parating bumabalik sa ala-ala ko ang mga pangyayari. Paulit ulit kong nakikita ang galit sa mukha niya.

BETTER than REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon