♠9-THE truth behind ACE CASTILLO-

442 24 17
                                    

FLASHBACK♠

**ACE POV**

 

"I love you Ace Castillo. Will you be my boyfriend?"

Nagtinginan ang lahat ng mga classmate namin. Kakatapos lang ng 1st class at wala yung isang professor na magtuturo kaya aalis na sana ako pero agad akong hinarang ni Irisa at nag confess siya sa akin.

Nakatayo siya sa harapan ko habang inaabot sa akin ang isang regalong binalot pa niya ng gift wrapper.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bakit niya to ginagawa? Bakit siya pa mismo ang nagsabi nun sa harap ng maraming tao? Bakit niya ngayong pinlanong gawin to?

"Ano ba yan. Naglakas loob talaga siyang manligaw sa lalaki ha?"

"Grabe siya"

"Ang lakas naman ng loob niyang manligaw at kay Ace pa."

"Nababaliw na siya"

Narinig ko lahat ang mga sinasabi nila. Pero wala akong nakitang bakas ng kahihiyan sa mukha ni Irisa. Hinintay pa niyang kunin ko ang inaabot niyang regalo sa akin. Wala siyang pakialam sa mga classmate namin na nakatingin sa amin.

"B-birthday mo diba ngayon? Pasenya na at yan lang talaga ang nakayanan ko ha. Pero sana tanggapin mo ang alok ko Ace. Will you be my boyfriend?"

Inulit pa niya ang tanong niya kanina.

I can't say any words. Ayoko siyang saktan. Ayoko siyang pahiyain sa lahat ng tao dito. Pero ayoko rin ng ganito. Ayokong siya mismo ang magsabi niyan.

This is a wrong timing.

"I'm sorry Irisa pero--"

Biglang lumakas ang hiyaw ng mga kaklase ko. Ang iba ay tumawa, ang iba naman ay nagchichismisan. Ang iba ay tinuturo pa si Irisa.

Natulala siya sa sinabi ko at agad na napaatras sa akin. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at kahit na ako hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko akalaing masasaktan ko siya ng ganito. Pero hindi pa ako tapos!

Umiling siya habang papaatras sa akin. Agad kong hinawakan ang kamay niya pero tinulak niya ako kaya nahulog ang regalo niya sa sahig. Napatingin kaming dalawa doon. Nang tumingala siya at nakatitig na sa akin. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya kasabay ang pag iling at agad na umalis.

Hindi ko na siya nahabol dahil sa mga classmate kung pinipigilan ako.

"Hayaan mo siya Ace! Yan kasi sobrang ambisyosa eh working student lang naman dito!" Papigil ni Lucy

"Oo nga. May lakas ng loob pa siyang magtapat sayo? Hindi ba niya napansing langit at lupa ang pagitan niyo?" Tumawa pa si Jenna.

"Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko siyang kausapin at--"

"No Ace. Let her be. Siya tong nagpahiya sa sarili niya kaya kasalanan niya yun." Singit ni Conie

Hindi ko na siya nahabol pa dahil sa mga nakaharang na mga classmate ko. Wala na rin siya sa pinagtatrabahuan niya. Hindi ko siya makita kahit saan mang sulok ng building.

Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Asan ka na Irisa? Asan ka na ba?

BETTER than REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon