♠8-Who is Ace Castillo?

397 30 14
                                    

×ACE×

 

**ERIN's POV**

 

Hinila niya ako papuntang school building... Pati ang ibang estudyante nakisunod na rin sa amin.

"S-sandali..." Hiningal ako sa pagtakbo naming dalawa kaya tumigil siya ng makarating na kami.

Naaninaw ko agad kung sino ang humila sa akin dahil sa ilaw ng building. Si Bernard pala.

Akala ko si Ace.

"B-bernard..."

Hiningal din siya sa ginawa naming pagtakbo kaya napaupo siya sa bench.

"Buti nalang at nahila agad kita, kung hindi madadaganan ka na naman ng mga tao doon"

Napatingin ako sa field. Unti-unting nagsialisan na ang mga estudyante. Wala na ding mga naka ilaw na kandila. Tanging ang ilaw nalang sa stage ang nakikita namin.

"Hindi ko na rin nakita sina Donna. Mukhang umalis na sila eh."

Hinanap ko si Ace sa mga taong papunta sa amin pero wala na siya. Nawala nalang siya bigla. Misterious as always.

"Erin, let's go. Ihahatid na kita." Sabi ni Bernard hiniwakan niya agad ang kamay ko pero umiling agad ako at binitawan ang kamay niya.

"N-no. May kotse naman ako eh. Kaya ko ng umuwi" Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa mga taong pumapasok sa building.

"Are you sure? Gabi na ah. Kaya mo pa bang mag drive? Mukhang napuruhan ka ata sa kamay mo." Tiningnan niya ang kamay ko. Napansin ko agad ang pasa.

Pasa na naman. Simula nong pumasok ako dito...palagi na ako nagkakasugat o pasa.

Hindi na ako dapat magulat pa. Dahil mangyayari pa ito sa susunod na araw.

"W-wala to."

"Talaga ha?"

Tumango lang ako at ngumiti.

"Sino kayang gumawa nun? Totoo kaya yung sinabi sa recorder ? Rapist si Tyler? Sino namang nirape niya? Kilala mo ba Erin?"

Natigilan ako sa tanong niya at napatingin sa kanya.

Tumawa agad siya at umiling.

"Sorry, kakatransfer mo pa pala dito. Minsan kasi napagkakamalan kitang si Irisa kung hindi lang talaga kulot ang buhok mo."

Alam ko namang walang malisya sa sinasabi niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may pinapahiwatig siyang hindi ko alam kung ano?

"Saan na kaya yung mga yun? Saan ba sila pumunta?" Sambit ni Bernard habang nakatingin rin sa mga mga taong naglalakad.

"Kailangan ko ng umalis Bernard..." Humakbang na ako papalayo sa kanya kaya tumayo na siya.

"Kaya mo ba talagang ikaw lang? Baka kung mapano ka sa daan. Alam mo na. Hindi pa nahuhuli yung pumatay kay Tyler. Baka umaaligid lang yun dito. Lalong lalo na sa daan."

BETTER than REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon