♠4-Suspect♠

462 35 8
                                    

SUSPECT♠

 

**ERIN’s POV**

Hindi siya sumagot sa tanong ko at agad na nag iwas ng tingin. Inirapan ko siya.

Titingin titingin pero wala pa lang sasabihin?

Baka naman...kilalang kilala niya si Irisa Bernardo? Oh baka naman...isa siya sa limang lalaki na yun?

Sinulyapan ko siya, pero hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatutok na siya sa harap habang nakikinig sa Professor.

Nakakuyom ang kamay niya. His eyes were full of anger. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi ngayon ng harapan.

Minasdan ko ang mga galaw ng mata niya at tindig niya. Napansin kong nanginginig siya pero pinipigilan lang niya ang sarili. Alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya. Pero hindi niya binalak na tingnan din ako.

Natapos agad ang klase at nag si tayuan na ang mga classmate ko. Ang iba pa’y nakatingin sa akin na nakataas ang kilay.

Ganito ba ang nangyayari kay Iris araw-araw? Palagi siyang sinusungitan ng mga babaeng ‘to?

They can't do that to me. Not anymore to Irisa.

Tumayo ako at tiningnan din sila. Mas matalas ata ang mga mata ko kaya bigla silang nanliit sa ginawa ko at dali-dali pang umalis.

Binubully ba si Irisa dito? Hindi ko maisip na ginaganito lang siya ng mga to. Sa eskwelahang pinasukan ko, hindi ako ginaganito. Instead, humahanga sila sa firmness at kakaiba kong dating. And they can never put me down...easily.

Sinulyapan ko ang katabi ko kaninang lalaki pero wala na siya sa kinauupuan niya.

Para lang multo. Biglang nawala.

Lumabas na ako pero may bigla humablot sa braso ko at pinabalik ako sa classroom.

He pinned my two arms in the wall para hindi ako makawala habang tinitigan niya ako.

"You?" Hindi ako makapaniwalang tanong.

"Yes me. Nakita kita sa gasoline station. Tinanong kita...naalala mo yun?"

Kumunot ang noo ko at umiling.

"Why would I think about it? Hindi naman kita kilala at hindi ka importante sa akin para pag tuonan ko ng panahon. And by the way...don't touch me!" Sinigawan ko siya para mas marinig niya ako.

Ayoko sa lalaking to. Sobrang impulsive at hindi natatakot sa akin kahit ngayon pa lang kami nagkita. Para bang nakakatakot pag siya yung kasama ko. Parang madaming tinatago.

"Kilala mo si IRISA BERNARDO?" Seryoso niyang tanong sa akin. Pero ang tanong nay un parang declaration.

Hindi ako makasagot dahil sa malalalim na titig niya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ako speechless sa sinabi niya.

"Do you know bakit ka pinagtitinginan dito? Alam mo ba kung bakit ka pinagchichismisan dito? Kasi...kamukha mo siya. Kamukhang kamukha mo ang namatay naming classmate!"

Napatingin ako sa mga mata niya. Full of rage and...heartache?

Umiling ako.

Don't dare to trust anyone here Erin.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya napaatras siya at nabigla.

"I.don't.care. Sanay na ako sa ganyan. Kung kamukha man kami ng babaeng tinutukoy mo, ang babaeng namatay ng hindi ko alam kung bakit siya namatay at kung ano ang kinamatay niya, who cares? Kung sino man siya... I hope there's a peace in that place..." Plastic akong ngumiti at malakas siyang tinulak. Hindi rin niya ako tinigilan.

BETTER than REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon