Chapter VII: Child Fights (part 2)

305 11 0
                                    

Gabriela's POV

I sat on my chair and leaned my head back. I yawned and stretched my arms.

   Wow.. Simulang-simula pa lang kitang-kita na ang pagkatamad ko eh noh??

   Napabuntong-hininga ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Ganito talaga ang mga 'to kapag walang teacher na nagbabantay. Nakapagtataka nga naman kung bakit wala pa si Sir Deuxman eh noon ang aga-aga pa ngang dumating sa klase.

Siguro alam niyang ayaw ko siyang makita.

Akmang tatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang dalawang matitipunong mga lalake.

Teka???

"Sky??"- I said almost in a whisper

Napatingin silang dalawa sa akin sabay sa pagtahimik ng buong klase. Ramdam na ramdam ko ang tension sa paligid lalong-lalo na sa mga titig ng dalawa.

Napaayos ako ng upo nung magsimulang maglakad palapit sa akin si Sky nang nakangiti at umupo sa bakanteng upuan sa likuran ko.

"Pasensya na kung late ako.. I got caught up by.."- liam paused at napatingin kay Sky.

"...Something."- dugtong niya at umupo sa kanyang desk.

Napalingon ako sa aking likuran at tumambad sa akin ang kanina pang nakangiting si Sky.

"Hoy Sky ! Anong nangyari sa inyong dalawa? LQ? "- i whispered at him

"Wala lang.. Gusto ko kasing makasama ka sa iisang klase and since siya ang teacher niyo medyo nagkaroon ng kaunting gulo sa principal's office."- pabulong na sagot ni Sky.

"Ah talaga ? Bakit mo naman naisipang pumasok sa klase namin?"- nagtataka kong tanong

"Bakit?  Hindi ka pa ba nag-eexpect? Alam mo namang dito na ako mag-aaral diba? "- tanong niya sa akin habang nakaturo sa pa sa mesa.

"Oo alam ko. Pero hindi ko alam na dito pa talaga sa class na pinapasukan ko? "- sagot ko sa kanya

Akmang sasagot siya nang biglang may tunog ng nasirang mesa dahilan para mapatingin kaming lahat sa harapan at nagulat kami sa nakita.

Nabutas ang mesa dahil sa pagkalakas-lakas na suntok na ginawa ni Liam. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa takot na bigla kong naramdaman sa mga titig na binibigay niya sa akin, nakakapanindig balahibo.

"Ano bang nangyari?"

- rinig kong bulung-bulungan ng mga kaklase ko at napatingin sila sa akin nung unti-unting lumapit sa akin si Liam.

Bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapatayo ako subalit tumayo rin si Sky at hinawakan ang isa ko pang kamay.

"Let her go."- sky warned giving liam a death glare.

"She's mine, boy. Don't touch her."- galit na sabi ni liam.

At dahil sa sinabi niya na rinig na rinig ng buong klase. Agad na nagkaroon ng ingay sa loob at dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pikon..

"Ano ba kayo?! Para kayong mga bata! Kagabi pa kayo ah?! "- sumbat ko sa kanila sabay hila sa aking mga kamay at naglakad palabas ng classroom.

Bwiset.! Pinapahiya lang ako ng dalawang yun ..

Liam Cole's POV

Ugh! Goddamn it!! Alam kong mangyayari ito! I should've killed this dog!

"I'm going to deal with you later, boy."- galit kong sabi sa kanya

"Wag mo akong matawag-tawag na boy dahil sa amin, ako ang hari kaya mag-ingat ka sa mga pananalita mo."- he fired back at bago pa man ako makapag salita, tinalikuran na niya ako at naunang lumabas sa classroom.

Akmang maglalakad ako palapit sa mga estudyante ko nang nagsiiwasan sila sa akin.

"Bakit? "- nagtataka kong tanong

"S-sir.. Y-yung mga m-mata mo.. Nangingitim.."- sagot ng isa sa kanila.

"Wag kayong matakot.. Isa lamang itong gawa ng inyong imahinasyon."- kalmado kong sabi at pinitik ang aking daliri at sa isang iglap, nawala ang memorya nilang nakita ang nangingitim kong mga mata at ang pagbabangayan namin kanina.

"Tapusin niyo na ang ibinigay kong gawain sa inyo. Aalis muna ako saglit."- utos ko sa kanila at agad silang sumunod .

Lumabas ako sa classroom at agad na hinanap si Gabriela. Hanggang napadpad ako sa garden ng school at nakita siyang nakaupo habang hawak-hawak ang isang puting rosas. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya na hindi niya ako napansing nakatitig sa kanya.

"She used to love that flower."- sabi ko sa kanya dahilan para mapaatras siya sa bigla.

"Sino? "- tanong niya

"She was the love of my life. My darling. She changed everything about me."- pagsisimula ko habang tahimik na nakikinig si Gabriela sa tabi ko.

"But one day.. She left without me knowing."- dugtong ko habang pinipigilan ang pagpatak ng aking luha.

"She died.."- Gabriela mumbled in realization at hinawakan ang kamay ko na hindi ko inaasahan

"Bakit mo ito sinasabi sa akin? "- muli niyang tanong


Should I tell her??


~~~~~~~~~~~

Minsan talaga.. Nakakalungkot ang maiwan pero mas nakakalungkot ang masaktan sa pag-aakalang ikaw ang mahal pero iba pala ang minamahal.



Chaaaar! Emote much?? Haha BTW. Happy birthday sa lahat ng celebrants ng April!!! I love you guys!!!

Vote

Comment

Follow <3

~Dj :)

The Vampire's Beloved: The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon