Nagising ako sa paulit ulit na ring ng cellphone. Kinapa ko ito at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
" hello ? "
Medyo husky pa ang boses ko at nakapikit parin ang mata ko dahil nga ina antok parin ako.
" umnn.. Hi Diegna "
Isang pamilyar na boses babae ang nasa linya kaya unti unti kung minulat ang mata ko at tinignan ko ang orasan sa kwarto ko . It's 11:05 Am , matagal tagal nadin pala akung nakatulog.
" yes ? "
Sagot ko sa kausap ko sa cellphone.
" Ah , birthday diba ngayon ni Llevin. Ano kasi tatanong ko lang kung pupunta ka ?? "
Tinignan ko kung sino yung caller sa Cp ko at tama nga ako si Kazzie nga . Ang girlfriend ni Llevin. Well ' hindi pa naman kami nag kikita nito sa personal dahil nasa ibang lugar to nakatira ang balita ko school mate sila ni Llevin kaya sila nag kakilala. At kaya din kami nagka kilala dahil yata sa facebook nalaman kasi nya na magka barkada daw kami kaya nakikipag kaibigan sya.
" I'll try , medyo busy kasi ako ngayon "
Sagot ko sa kanya. Habang buma bangon ako. Sa totoo lang hindi naman ako busy hindi ko lang alam kung paano ko sya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang pwedi kung maramdaman kung magkita kami.
" ayy.. Sayang naman gusto pa naman sana kita makita sa personal "
" Maybe next time "
Sagot ko naman agad sa kanya.
" Ok sige , pero sana maka punta ka "
" Ok , Titignan ko "
" Ok babye "
Masiglang sagot nya bago namatay ang linya. Napatitig muna ako sa cellphone ko.
Ayaw kung maging magkaibigan kami sa totoo lang. Hindi ko alam ang gagawin ko pag napalapit ang loob ko sa kanya lalo na at mabait sya at Napaka galang.
Nag lakad na ako papuntang banyo at kinuha ang toothbrush . Napa tingin ako sa salamin at napa hawak ako sa mga labi ko. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Alam kung mali ang nangyayari ngayon sa buhay ko pero bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko at lagi nalang akung nag papadala sa emosyon ko pag kasama ko sya.
At kagabi lang kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko baka may nagyari na saamin ni Llevin. Pero napag usapan na namin na di pweding lumagpas kami sa limitasyon. At mas lalong bawal kami mainlove sa bawat isa .
Himinga muna ako ng malalim at nag umpisa ng mag toothbrush at pagkatapos ay naligo na . Halos mag iisang oras ako sa banyo ng lumabas.
Sinuot ko ang isa sa maganda kung blouse at nag short ako.
Pag ganito lagi ang ayos ko madaming nag sasabing bagay saakin. Lagi akung nasasabihan pag luma labas ako ng bahay na iba talaga ang dating ko pag ganito ang ayos ko.
BINABASA MO ANG
Parang Tayo Pero Hindi
RomancePaano kung mainlove sa taong di mo alam kung ano ba talaga kayo.? Mainlove ka sa Lalaking may girlfriend pero ikaw ang madalas Kahalikan.. Mainlove ka sa Lalaking Kaibigan mo sa Labas Pero Kayakapan mo pag kayo lang.. Yung Mainlove ka sa Lalaking "...