Nagising ako sa paulit ulit na ring nang cellphone ko.
Kinapa ko yung cellphone ko at ng makuha ko na sinagot ko yung tawag." Good Morning Ma beb , nasa school kana ? "
Napabalikwas ako agad at tinignan ko yung relo sa side table ko . Lumaki yung mata ko ng makita kung 8:15 na ng umaga. Oh Sh*t ! Late na talaga ako .
" Beb ? Still there ? "
Dun ko naalala na may kausap pala ako . Kaya naman humiga nalang ako ulit. Wala na ko magagawa late naman na ako eh . Ide absent nalang , hapon nalang ako papasok..
Bumuntong hininga nalang ako. At narinig ko ang tawa nya sa linya , Napa smile naman ako na iimagine ko na naman kung gano kaganda yung mata nya.
" Late ako . Di na ko papasok "
" Bakit nag puyat kaba kagabi ? "
Parang natigilan ako sa tanong nya. NAkaramdam tuloy ako ng guilty kasi naman ibang lalaki ang iniyakan ko kagabi. Ibang lalaki ang kahalikan ko kagabi.
" Hindi kasi ako maka tulog "
" Iniisip mo siguro ako "
Tumawa nalang ako kunyari. Di ko alam kung anu kasi ang isasagot ko. Dahil yung totoo yung boyfriend ng pinsan nya ang ini isip ko .
" Ang ganda naman ng tawa ng girlfriend ko. Buo na tuloy yung araw ko . Ah , andito na si Sir beb ingat ka lagi ah. I Love you "
Matapos nyang sabihin yun naputol na yung tawag.
Kaya balik sa pag iisip na naman ako. Balik na naman ang bigat ng puso ko. Subra padin akung apektado kay Llevin. Mahal na mahal ko padin si Llevin. Kung may gamot lang sana na pang patanggal ng Feelings kahit mahal pa bibili ako maging maayos lang ulit tong nararamdaman ko.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya tuluyan na akong bumangon at pumasok sa banyo. Naligo muna ako bago bumaba at tinungo ang kusina. Kumain nalang ako mag isa dahil maaga pa daw umalis sila mom and dad. Sanay narin naman ako kaya ok lang.
Matapos kung kumain umakyat ulit ako sa kwarto at umupo sa study table ko at nag basa. Ito naman ang gina gawa ko pang palipas oras total wala naman akung gagawin. Naenjoy ko naman ang pag babasa
At halos 3 oras din akung nag basa at alas 11 na ng umaga. Napapikit ako dahil pakiramdam ko pagod ang mga mata ko kaka basa. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako sa pagkaka upo ko at tinungo ko ang kama kung saan ang Cellphone ko para sagutin ang tawag. Tinignan ko ang caller at si Lloyd ang tumatawag kaya naman sinagot ko na." Hi ma'beb Sabay tayong mag Lunch ok ? Naka bihis kana ? Sunduin kita dyan kain tayo sa labas bago ka pumasok sa school I love you "
Sasagot pa sana ako pero pinatay na nya yung tawag. Bastos talaga yung lalaking yun . Pero napapangiti nalang ako dahil base sa ingay na naririnig ko kanina nag didiscuss pa yung prof. Nya nong tumawag sya.
Tinungtung ko na yung Cellphone ko sa Side table ko at niligpit ko na ang librong binasa ko kanina pagkatapos ay naligo ulit at nag prepare na para maka pasok ako sa Afternoon class ko.
BINABASA MO ANG
Parang Tayo Pero Hindi
RomancePaano kung mainlove sa taong di mo alam kung ano ba talaga kayo.? Mainlove ka sa Lalaking may girlfriend pero ikaw ang madalas Kahalikan.. Mainlove ka sa Lalaking Kaibigan mo sa Labas Pero Kayakapan mo pag kayo lang.. Yung Mainlove ka sa Lalaking "...