•PTPH• Chapter 2

0 1 0
                                    

Tumigil na yung sasakyan sa tapat ng bahay nila Llevin. Nauna na syang lumabas kaya pinag buksan nya ako ng pinto pagka labas na pagka labas ko may sumalubong agad saamin na isang babae at kung di ako nag kakamali sya ang girl friend ni Llevin.

Nginitian agad ako nong Kazzie at nagulat ako ng bigla nya akung niyakap. Hindi ko sya niyakap pabalik dahil sa pagka gulat ko at napatingin ako kay Llevin na ngayon ay naka tingin lang saamin.

" Mabuti talaga at naka punta ka. Wow mas maganda ka pala sa personal promise "

Nginitian ko nalang sya at ganun din sya saakin.

" thanks "

Sagot ko .
Lumipat naman sya kay Llevin at pumulupot sya sa braso nito.

" Halikana sa loob "
Nakangiti naman nyang sabi kaya naman pumasok nadin kami.

Medyo madami namang tao. Halos kaklase ni Llevin ang andito. Yung iba ka barkada din namin. At dahil hindi kami school mate ni Llevin pinakilala muna nya ako sa mga kaklase nya at kimamayan ko nalang din sila.

Masaya naman kahit papano. Kahit simple lang ang celebration ng birthday ni Llevin. Puro tuksuhan lalo na tuwing napag uusapan si Llevin at Kazzie . Nakikita mo naman na mahal nya yung girlfriend nya kung gano nya asikasuhin. Pero di ko lang maintindihan kung bakit binibigyan nya din ako ng oras.

" Hi "

Napatingin naman ako sa lalaking lumapit saakin. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya.

" Napaka tahimik mo naman Diegna "

" Ganun talaga "

Nakikipag usap ako sa kanya kahit di ko pa sya natatandaan. Pinakilala na sya kanina pero dahil madami sila di ko na ma alala. Sa,totoo lang wala na akung maalala kahit isa sa kanila.

Pareho naming pinag mamasdan  yung mga kasama naming nag tatawanan. Tinu tukso na naman nila si Llevin at Kazzie.

" Bagay talaga sila no ? "

Ewan ko pero parang nasaktan yata ako narinig ko. Biglang may tumusok sa bandang dibdib ko.
Pero nagawa ko pading ngumiti at tumango upang tugon sa sinabi nya.

" Natatandaan mo pa ba ang pangalan ko ? "

Hinarap ko sya ng nakangiti.
" sa totoo lang , nakalimutan ko na "

" haha  , sabi nangaba Im John Lloyd "

Sabay abot nya ng kamay nya saakin. Tinanggap ko naman yun at nakipag kamay sa kanya.

" Ehem ! Ehem ! "

Napatingin naman kaming dalawa sakanilang lahat na ngayon ay nasa amin ang atention.

" Nalingot lang kami ng sandali . Duma damoves kana pinsan hah "

Dahil sa sinabi ni Kazzie nag tawanam ang lahat maliban lang kay Llevin na naka tingin lang saakin.

Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nasa mga mata nya.

" ano ba kayo nakikipag kaibigan lang , diba Diegn ? "

Ngumiti nalang ako at tumango. Hindi ko padin maiwasang tumingin sa mga mata ni Llevin na di mabasa ang gustong iparating.

" Oo na , Oo na . Inuman nalang tayo hali na Kayo "

Nag silapitan naman ang iba sa lamesa at nag umpisa na mag inuman. Syempre pati ako nakisali na din. Nakiki halubilo na din ako sa kanila siguro dahil nalalasing nadin ako. Habang tumatagal ang usapan mas lalong napapa lapit ang loob ko kay John Lloyd. Mabait siya , palabiro at kung tina tanong nyo kung gwapo siya . Oo gwapo sya maganda pag masdan ang  mukha nya lalo na pag tumatawa sya dahil sa mapupungay nyang mata.

Tumagal ang inuman ng halos 4  oras din dahil alas 3 na ng hapon ng mag simula kaming uminom
Dahil 7 na ng gabi.

Hinatid na ni Llevin ang mga iba nyang bisita pati nadin si Kazzie. Kaya ako nalang ngayon mag isa dito sa bahay dahil ihahatid din daw nya ako pag balik nya.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya kahit pasuray suray na akung mag lakad pinilit ko pading maka punta sa kusina .

Umiinom ako ng tubig ng narinig ko ang pag dating ng sasakyan ni Llevin.

Saktong papalabas na ako ng kusina pero nahihilo na talaga ako at muntik na akung matumba kung di lang ako nasalo ni LLevin

" Andami mo kasing nainom "

Inalalayan nya ako papa upo sa sala. At ini ayos nya ang magulo kung buhok.

" Llev.. "

Napatingin namam sya saakin ng tawagin ko sya kaya naman sinunggaban ko na agad sya ng halik. Pero parang mas nalalasing ako sa halik na tinu tugun nya saakin.

Naramdaman ko nalang ang pag angat ko sa sofa at dinala nya ako sa kwarto nya. Dahan dahan nya akung inilapag doon at pumatong sya saakin. Inulan ako ng mainit nyang halik sa mukha pero mas gugustuhin ko pang halikan nya ako sa mga labi kaya idiniin ko ang ulo nya para maabot ko ang labi nya. Naramdaman ko na nag lalakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Ang mga haplos nya sa aking tyan hanggang sa aking hita ay nag bibigay ng ibang sensasyon saakin. Bigla nalang akong napa ungol habang naka pikit ng maramdaman ko ang pag halik nya sa aking dibdib pababa sa aking tiyan.

Ibinalik nya ulit ang halik nya sa aking labi at unti unti nyang itinataas ang aking blouse hanggang sa tuluyan na nga nyang nahubad ito.

Natigilan pa sya ng kunti pero binalik agad nya ang halik nya sa mga labi ko papuntang leeg pababa sa aking dibdib hanggang sa aking tiyan kasabay ng pag lakbay ng kanyang kamay sa aking hita na ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad dahil sa naka short lang ako.

Pero dali daling napabangon nalang ako ng nasusuka ako at bigla nalang dumilim ang aking paningin at di ko na alam ng sumunod na nangyari.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon