Nagising ako ng nasilawan ako sa sikat ng araw na sumisentro sa mata ko. Naka ramdam ako ng gutom kaya hinaplos ko ang aking tiyan . Pero agad agad akung napabalikwas ng maramdaman kung wala akung damit pang itaas. Hinila ko yung kumot upang matakpan ko ang aking katawan at doon ko napag tantong nasa tabi ko si Llevin. Shit ! Halos lumabas na yung puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko . Hindi to pweding mangyari . Bakit ako nandito sa kwarto nya at wala akung damit ? . May nangyari ba saamin kagabi ? No hindi pwedi. Halos maiyak na ako sa posibleng nangyari kagabi ng maramdaman ko ang pag galaw ni Llevin at ang unti unting pag bukas ng kanyang mata.
" Bakit ka umiiyak ? "
Yan ang agad na bungad nya saakin. Napa upo sya sa kama matapos nyang itanong iyon sakin.Napahid ko ang luhang tumulo sa pisnge ko . Hindi ko namalayang naiyak na pala ako. Natatakot ako .
" Lle-Llev .. may nang - nang yari ba ? "
Halos hindi ko mailabas sa bibig ko ang gusto kung itanong sa kanya pero kailangan kung malaman ang totoo. Kahit pa natatakot ako sa posibleng maging sagot nya.
Nakita ko na napayuko sya kasabay ng lungkot na mababasa ko sa kanyang mukha at ang naging dahilan upang mas lalo akung matakot at mapaiyak
" Im sorry Diegn , "
" No ! Llevin hindi pwedi ! "
Napatayo na ako habang yakap yakap ko ang kumot na naka pulupot sa aking katawan habang umiiyak na talaga ako.
Hindi ko alam kung anong tunay ko talagang nararamdaman. Naandun na ang takot , pagka inis sa sarili ko , konsensya sa girlfriend nya at hindi ko pa alam kung anong mabigat sa dibdib ko." Diegn , mali yung pagka intindi mo. Walang nangyari . Wag kang umiyak please , Humihingi ako ng pasinsya dahil . Dahil.. siguro kung di ka nag suka at di ka nakatulog pagkatapos non baka nga may nangyari na sa atin. "
Napahinga ako ng malalim . Lihim akung nagpasalamat pero di parin mawala saakin ang takot.
" Hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa atin. Pero natatakot ako Llev.. May girlfriend ka "
Nagka tinginan kami at nababasa ko sa kanya na hinihintay nya ang susunod kung sasabihin.
Kaya hindi na ako nag dalawang isip pa." Let's Stop this ! "
Parehong walang nag salita saamin pagkatapos kung bitawan ang mga salitang yun.
Pareho kaming di maka tingin sa bawat isa pero binasag nadin nya ang katahimikan." Mag bihis kana. Ihahatid na kita "
Tumayo na sya at lumabas sa kwarto. Hindi ako maka galaw sa kina tatayuan ko at daig ko pa ang nakipag hiwalay sa boyfriend ko ang nararamdaman ko ngayun.
Nararamdaman ko na naman ang pag init ng mga mata ko kasunod ang pag tulo ng luha sa pisnge ko..
Napapikit nalang ako upang tumigil ang pag tulo ng luha ko at tinungo na ang banyo upang maayos na ang sarili ko at maka uwi na.

BINABASA MO ANG
Parang Tayo Pero Hindi
RomancePaano kung mainlove sa taong di mo alam kung ano ba talaga kayo.? Mainlove ka sa Lalaking may girlfriend pero ikaw ang madalas Kahalikan.. Mainlove ka sa Lalaking Kaibigan mo sa Labas Pero Kayakapan mo pag kayo lang.. Yung Mainlove ka sa Lalaking "...