•PTPH• Chapter 7

2 0 0
                                    

Naka tingin lang ako sa salamin . Hindi ko alam kung matatawa o maawa ako sa sarili ko dahil sa mukha ko ngayon. Namamaga parin tong mata ko at kulang parin ako sa tulog. Gusto kung mag kulong nalang sa Kwarto pero friday ngayun at may Klase pa ako. Tinungo ko nalang ang banyo para maka ligo at makapag handa na sa pag pasok ko. Kailangan kung ipakita na di ako mahina. Kahit ang totoo ay nasasaktan parin ako.

After ko makapag handa ay dumiretso na ako sa kotse ko at di na ako kumain pa ng almusal , wala akung ganang kumain . Pina andar ko na yung sasakyan ko at tinungo na yung daan papuntang school ko. Hindi naman kalayuan ang paaralan na pinapasukan ko kaya naman mabilis akung naka rating. Pinasok ko sa loob yung kotse at hininto ko na kung saan ko laging pina park yung sasakyan ko. Lumabas na ako at nag lakad na papasok sa loob.

Habang nag lalakad ako nakaka ramdam na ako ng antok. Gustong pumikit ng mga mata ko kahit nag lalakad palang ako papasok ng classroom namin. Sumakay na ako ng Elevator dahil pang 5 palapag pa ang kinaroroonan ng classroom ko at kahit nasa loob ako ng elevator naka pikit lang ang mata ko. Siguro iisipin ng mga kasabay ko na nag dadasal ako pero wala akung paki alam kung ano pa ang iisipin nila basta gustong pumikit ng mga mata ko pagkat wala akung tulog.

Naramdaman ko na bumukas na yung pintuan ng elevator kaya naman lumabas na ako at tinungo na yung classroom namin. Pagkarating na pagkarating ko doon umupo na agad ako sa kung saan ako naka upo at ibinaun ko yung ulo ko sa desk ng upuan ko. Nilalamon talaga ako ng antok dahil 2 oras lang ang tulog ko kagabi. AT kung saan na ako makaka tulog dapat sakto naman ang pag pasok nong Teacher namin sa First subject at kung mamalasin ba naman ako 2 hours pa tong Filipino subject namin tuwing friday sa kanya.
Kaya naman napilitan akung tumayo para batiin ko si Miss Dela Cruz , isa sya sa mabait ng teacher dito sa school na to.

After namin syang batiin ng magandang umaga ay agad akung umupo at binaun ko ulit ang ulo ko sa mesa . Sorry talaga ma'am pero di ko kayang pigilan ngayun ang antok ko.

Nakaramdam ako ng pag yugyug sa balikat ko kaya kahit antok pa ay pinilit kung tingalain kung sino ang gumi gising saakin at tumambad ang mukha ni Miss Dela Cruz sa akin.

" Miss Del valle , are you ok ? "

Mabuti at tinanong mo yan Ma'am . Para naman makapag dahilan ako at maka tulog nalang muna ako at walang iistorbo sakin.

" Im not feeling well ma'am, masakit po yung ulo ko"

Sinabi ko yun with matching hawak pa sa ulo. Kahit yung totoo ay ina antok lang talaga ako. At mukang naniwala naman yung guro namin. Kunsabagay top 1 ako sa section nato at ako pa ang SSG President kaya naman maniniwala sakin kasi ngayun ko palang to gagawin.

" Sige , pumunta kana muna sa Clinic at mag pahinga. Dont worry excuse ka sakin . 2 hours naman yung class ko ngayun plus free cut kayo ngayun sa last subject nyo this morning. Makakapag pahinga ka ng matagal tagal "

After mag salita si Ma'am ay tumayo na ako at kinuha na yung bag ko. Nag pasalamat muna ako kay Ma'am bago tuluyang lumabas sa classroom at naglakad papuntang clinic . Pagkarating ko doon ay sinalubong agad ako ng nurse at sinabi ko na masakit yung ulo ko. Binigyan naman nya ako ng gamot pero tinago ko lang yun sa bag ko at ininom lang yung tubig at nahiga na para maka tulog na ako.

Nagising ako ng mga 12:30 na ng tanghali. Halos apat na oras din akung naka tulog kaya ok na ang pakiramdam ko. Hindi narin maga yung mga mata ako at feeling ko meron na akung energy sa araw na to. Inayus ko muna yung mukha ko bago ako lumabas ng clinic. Nag pasalamat naman ako sa nurse at sinabi ko na ok na ang pakiramdam ko. Pagkalabas ko ay pumunta na akung canteen dahil nagugutom na ako at mabuti naman dahil wala ng pila. Kunsabagay 12:30 na halos kunti nalang ang kuma kain sa canteen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon