PBMNHN 1

35 4 0
                                    

10:30 am

Nagbreak na muna kami after ng practice. Recognition kasi eh. So syempre dapat alam namin yung mga gagawain. 1 hour break , okay na yun. Pero Wala akong baon so no choice ako. Kelangan kong lumabas.

" CINDAAANGG! " sigaw nitong lalaking to.

Sino pa ba? Edi si Bryan -______- Classmate ko siya since grade 4. Ewan ko dito bakit naging close kami. Pero hindi ko siya best friend , Wala ako nun.

" Ano na namang nickname yan? Ginagawa mo kong aso ah kung Ano Ano yung pinapanga -- " biglang umakbay sakin tapos tinakpan ng kamay niya yung bibig ko. Tinanggal ko naman ts.

" Alam mo Cindy para kang Kotse " Ano na namang pinagsasabi nitong kumag na to.

" Kotse? Bakit? " Sige lang sakyan ko lang to. Pag ako napuno ewan ko na lang.

" Wala lang. Parang kotse lang HAHAHA! " Sabay tawa. Ako? Nakatingin lang sa Kanya. Baliw at a siya. Inunahan ko na siya ng lakad.

" Cindy! Sandali lang. Ito naman , binibiro lang kita hahahaha. " nakahabol pala tong kumag na to.

Medyo binilisan ko yung paglalakad ko. Baka kapag kasabay ko to , sabihin ng mga nakakakita samin may kasama akong baliw tsk tsk.

" Naks! Ang bilis maglakad. Para kang kabayo HAHAHA! " yan naman siya. Unti na lang. Sige lang Bry pagtripan mo pa ko.

Habang naglalakad ako. Nakita ko si Ariz. Crush ko siya. Crush lang ha? Walang mahal mahal hahaha. Ang gwapo niya , matangkad , maputi , matangos ang Ilong. Hays ang gwapo niya talaga ...

" Hoy! Ikaw ha. Si Ariz yang tinititigan mo no? " ayan na naman siya.

" H-ha? Hi-hindi ah. Yung ibon kasi sa may puno ang ganda " sana makalusot.

" San? Yan? *turo* Eh Maya lang yan eh? Karaniwan na yan. Nagbato ka ba? " parang nagtataka yung tingin niya.

" Eh sa maganda yung Mayang yan para sakin eh. Bakit ba?! Tsaka anong bato bato yang sinasabi mo?! " dafuq. Iba na tong lalaking to.

" hays , wag mo nang alamin. Gutom na ko. Kain na tayo , yun oh walang pwesto " hinila niya ko. Siya kaya yung parang kabayo kung tumakbo hays.

Ewan ko kung bakit ako nakatagal kasama tong kumag na to. Ang kulit tapos ang lakas mantrip kainis. Nung naka upo na kami , omorder na kami. Hindi to restaurant ha. Karinderya lang to.

" Ito na po yung order niyo " abot ng waitress dito.

" Thank you po " tapos kinuha ko na yung akin. Gutom na ko eh. Nakakapagod din naman kasi kahit practice practice lang. Kasi Paulit ulit eh , nagagalit kasi yung nagtuturo samin.

Nung matapos na kaming kumain umalis na kami. Tiningnan ko yung relo ko kung anong oras na. 11:00 pa lang naman eh. Ayoko ko pa pumunta sa campus. Ang init init eh.

" Bry , sa park muna tayo. Palamig lang. Init eh " yaya ko sa kanya.

" Sorry , ang hot ko kasi eh. Pero Sige pagbibigyan kita sa gusto mo. " sagot naman ni kumag.

" Hot mo mukha mo. " Nauuna na akong maglakad. Nung nakarating na kami dun. Pumunta ako sa ilalim ng puno. Tapos sumandal.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi dama yung init. Kinuha ko yung earphones ko tapos sinaksak sa cellphone ko. Tsaka nagpatugtog. Si Bryan? Nasa tas ng puno. Ewan ko dun , sabi niya kukuha daw siya ng manga.

Nagplay na ko ng Kanta. Tapos pumikit para feel na feel ko yung song. Kaso may kumag na umagaw ng cellphone ko. Tsak yung isang earphone ts ts.

" Hoy bakit mo kinuha yan! " inagaw agaw ko pa. Pero hindi ko makuha.

" Arte mo , Wala naman akong luga eh. Share na tayo. Naiwan ko kasi earphones ko. " Tapos kinalikot na yung cellphone ko. Nilipat lipat yung Kanta.

" Ito! Maganda tong kantang to eh. " tapos pinidot na.

* Come up to meet you

Tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you

Tell you I need you

Tell you I set you apart ~

Sinabayan ni Bryan yung Kanta. Maganda yung Kanta. Bagay sa boses ni Bryan. Pumikit na lang ako. Ang ganda ng melody , nakakaantok.

* Tell me your secrets

And ask me your questions

Oh, lets go back to the start.

Running in circles, coming in tales

Heads are a science apart. ~

Sinasabayan pa rin niya. Ang cold talaga ng boses ng vocalist ng song na to.

* Nobody said it was easy

It's such a shame for us to part.

Nobody said it was easy

No-one ever said it would be this hard ~

" Oh take me back to the start. " Sinabayan ko na.

xx.

Nagpatugtug lang kami. Wala naman kasi magawa eh. Inaantay lang namin yung oras para maka alis na. Baka mapagalitan na kami eh.

" Cin , anong oras na? " tanong niya sakin. Tiningnan ko na yung relo ko.

" 11:20 na. Halika na alis na tayo. Baka magalit pa yung nagtuturo satin " kinuha ko na yung cellphone ko pati earphone. Tinago ko na.

Naglakad na kami. Habang naglalakad nag uusap kami. Yung maayos na usap , yung walang kabaliwan.

" Paano mo nalaman yung Kanta na yun? " tanong ko.

" San dun? Ang dami kaya nating pinakinggan na Kanta. " sabagay may punto siya.

  " The scientist ng coldplay. Sinabayan mo yun kanina. " sagot ko.

" Ahh. Alam ko eh. Tsaka maganda kasi yung melody ng Kanta. Nakakarelax. " paliwanag niya.

Hindi na ko sumagot. Wala na kasi akong maisip na pwede pang sabihin o ibigay na topic.

" Cindy. " tawag sakin ni Bryan.

" Oh bakit? " lumingon ako.

" Bakla yun. " ha? Pinagsasabi nito.

" Sino? " tanong ko. Baka siya, pasimple lang para hindi mahalata hahahaha.

" Si Ariz. " sagot niya.

" Ha? Si Ariz? Oh , A-anong paki ko kung bakla siya? " nautal ako -_______- kainis.

" Wala lang gusto ko lang sabihin. Kasi alam kung mapagkakatiwalaan ka hahaha " baliw na talaga siya .

" Eh? Bakit mo nasabing bakla siya? " curious lang okay?

" Basta! Ang tsismosa mo rin eh no? " sagot niya sakin. Nice answer. Ts

" K " yan lang sinabi ko.

" LMNOPQRSTUVWXYZ , Yan kinumpleto ko na hahaha " sabat niya.

Grabe tong si Bryan , hindi ko matake. Nakakaewan tong kumag na yo hays.

" Bahala ka nga diyang kumag ka. " Nauna na akong naglakad papuntang campus. Dun kasi kami nagpapractice eh.

" ANTAY! " Tumakbo na siya at nung naka sabay siya sakin. May sinabi siya ...

" Mahuli may tae sa pwet! Hahaha " tapos tumakbo na.

" BWISIT KANG KUMAG -- AT " Tumingin ako sa paligid ko. May mga nakatingin nakakahiya. Dinagdagan ko na lang ng ' AT ' Tsaka tumakbo na. Bwisit to! Nakakainis.

May araw ka rin sakin Ariniego!!!!

Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon