PBMNHN 5- NAKO NAMAN.

25 4 0
                                    

RECOGNITION.

Pinaupo na kami sa mga upuan namin. Hindi pa naman magsisimula eh. Pa-ready chuchu lang ng mga coordinators. Si Mama ang kasama ko para dito. Masaya si Mama kasi kahit na ang daming gulo at problema na ang napagdadaanan ko - pamilya namin. Di pa rin ako sumusuko at nakapasok ako sa TOP 10.

" Our recognition will start after 5 minutes. Please go to your proper places students , and parents? You're all be sitting at the right row. Thank you. " Sabi ni Sir Benny.

Nginitian ako ni mama at naglakad na siya palayo para pumunta sa upuan niya. Nagsimula na nga , may mga kung ano ano pang ina-announce. Maya-maya tinatawag na yung mga may karangalan.

" for the 8th honor. Ariz Hindazan. " pagkasabi ng Emcee ay umakyat na nga sila - siya at ang papa niya.

Patuloy lang ang pagtawag. Inaantay ko yung turn ko.

" For the 4th honor. Cindy Veñoza. " pagkasabi ng Emcee ay sabay kami ni Mama umakyat ng stage.

Ibinigay ng coordinator kay mama ang medal at isinuot sa akin. Hinalikan pa ako ni mama sa pisngi. At sabing....

" Congratulation anak! I love you. "

Nagpapicture at bumababa na kami. Bumalik na ako sa upuan ko at si Mama sa upuan niya. Patuloy pa rin sa pagtatawag ng may karangalan si Sir. Napatingin ako sa likod , nang nakita kong palinga linga si Bryan. Mukhang walang a-attend para sa kanya. Tsk tsk.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sa kanya.

Me : Bry , walang aattend sayo? Si Mama na lang?

Bryan : Ah eh. Sige kung okay lang?

Me : Ako Bahala.

Tinext ko naman si Mama para sabihing siya na lang ang umakyat bilang guardian ni Bryan Mamaya. Punayag naman si Mama. Inantay na lang namin na tawagin si Bryan.

" First runner up Math Quiz Bee , Second place Informance. Bryan Ariniego. " nang tawagin na ng Emcee ang pangalan niya. Parehas ng umakyat sila Mama.

Nung pinicturan silang dalawa. Nakangiti si Bry pero yung mata niya , Malungkot. Bumaba na sila Pagkatapos noon at nakita kong nagpasalamat si Bryan kay Mama.

Mga ilang sandali pa ay ipepresent na namin ang performance namin. Kaya naghanda na kami. Nakabilog kami , pinapalibutan namin sila. Nagsimula na ang tugtog at isinayaw na namin ang pinag-praktisan namin. Pagkatapos nun ay sinabi naming lahat na....

" THANK YOU PARENTS AND TEACHERS! WE ALL LOVE YOU! " Bow and exit.

Nang matapos ang recognition. Hindi mawawala Ang picture picture. Kinuha ko ang cellphone ko at ginawa ko ang sinabi ko hahaha. Nilapitan ko si Bryan.

" Oy! Okay ka lang ba? " tanong ko. Para kasing wala siya sa sarili niya eh..

" Oo , okay lang ako. " sagot niya.

Niyaya ko naman siya magpicture , pumayag naman siya. At bakit hindi? May utang na loob siya sa akin .... Jowk HAHAHAHA!

Tiningnan ko yung mga picture na nakuhanan ko. Nang biglang lumapit sa akin si Ariz.

" Picture tayo... ^^ " nakangiti niyang yaya sakin.

Pumayag na lang ako. Camera niya ang gamit. Tumawag siya ng isang estudyante para kumuha ng picture naming dalawa. Magkatabi kami.

" Okay 1 2 3 *click* " kasabay ng pagpindot ng camera ay ang pagakbay niya sa balikat ko.

Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon