Wala namang ibang nangyari. Ganon pa din... Nanatiling linta si Ashleyn , Nagpalinta si Bryan , Narinig ni Ariz na linta si Ashleyn sa sinabi ko. At dapat babaguhin na ang title nito at gagawin ng ANG LINTA.
Keme lang! So yun wala namang nagyaring iba. Nag patuloy ang practice namin , nakakapagod pero okay lang para naman to sa magulang namin na nagpakahirap para sa kinabukasan namin.
Pagkatapos ng practice umuwi na ko ng bahay. Narinig ko sila Papa at Mama nag aaway na naman. Isa rin to , walang pagbabago puro away. Siguro tungkol na naman to sa babae ni Papa.
" MIRANDA! WAG MO AKONG SISIHIN KUNG BAKIT NAKAHANAP AKO NG IBANG BABAE! ANG SISIHIN MO YANG SARILI MO NA KULANG PARA SA AKIN! " Sigaw ni Papa.
Wala naman akong magagawa , masakit yung binibitawang salita ni Papa kay Mama. Ako ang nasasaktan...
" BAKIT AKO DELLO HA?! BINIGAY KO ANG LAHAT PERO IKAW TONG MAKATI! IKAW TONG MALANDI! BAKIT? NUNG DI PA TAYO KASAL MAY IBA KA NG BABAE! MALANDI KA! DI KA MARUNONG MAKUNTENTO YUN IYON! " Sigaw ni Mama.
Hanggang ngayon nasa labas pa rin ako ng pinto namin. Ayokong pumasok pero alam kong kailangan ni Mama ng taong maiiyakan niya. Kaya pumasok na ko. Pinipigilan ko lang yung Galit ko kay Papa pero nang narinig ko ang sinabi niyang di katanggap tanggap sa tenga ko ....
" WALA KA KASING KWENTA MIRANDA EH! NAPAKA WALA MONG KWENTA! DI NA LANG SANA KITA NAKILA-- " Pinutol ko na. Hindi ko na to kayang pigilan pa.
" Sana hindi mo na lang nakilala si Mama , Pa? Yan ba yung gusto mong sabihin? " tanong ko kay Papa.
" A-anak , an-andyan ka na pala? Ka-kanina ka pa ba? " kinakabahan si Papa. Ako kasi yung paborito niyang anak kaya ayaw niya ako ng ganto.
" Oo Pa. Rinig na rinig ko lahat ng masasakit na salitang sinabi mo kay Mama. " Wika ko.
Nakikita ko ng umiiyak si Mama. Nilapitan ko siya at niyakap. Naiiyak na ako.
" Alam mo Pa? Kung sino ang wa-walang kwenta dito? I-ikaw Pa! Alam mo kung ba-bakit? Dahil di mo na nirespeto si Mama. Sa-sana kahit katiting lang nagbigay ka ng respeto kay Mama kahit hindi na bilang a-asawa mo kahit bilang Ba-bae ,Pa! " Humihikbi akong nagsasalita kay Papa.
Alam kong masakit yung mga sinabi ko kay Papa pero di ko na kaya yung ginawa niya. Umakyat na kami ni Mama sa kwarto nila Papa. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya , nasasaktan ako.
" Ma , okay lang yan. Kakayanin natin to. Mahal na mahal kita ma , kami ni Mirai. Mahal na mahal ka namin ma, di ka namin pababayaan. " sabi ko sabay yakap kay Mama.
" A-anak salamat ha. Ka-kayo rin mahal ko kayo. Pati na rin ang Papa mo kahit ganon siya. Mahal na mahal ko kayo. " sabi ni mama.
Pero nagtataka ako...
" Ma , bakit mahal mo pa rin si Papa kahit na ilang beses ka na niyang niloko at sinaktan? " tanong ko kay Mama.
" Alam mo kasi anak, ganto ang nagagawa ng pagmamahal nagiging tanga. Pero alam mo anak mahal ko ang Papa mo. Minahal ko siya dahil siya ay siya. Nung araw na naging magnobyo't nobya kami tinanggap ko lahat ng kamalian niya dahil nga mahal ko siya. Nangako ako sa Diyos na kahit kailan o kahit ano pa ang mangyari mamahalin ko siya ng bubuong-buo. " mahabang litanya ni Mama.
Di ko pa rin maintindihan.... Nasaktan ka na at niloko pero go ka pa rin? Ayan ba talaga ang LOVE? Nagiging bingi ang isang tao pag nagmamahal? At di na naririnig ang sinasabi ng utak?
Kung yan talaga yan? Ayoko na. Ayoko na ng Love na yan.
" Kaya ikaw anak 'wag kang matakot magmahal. 'Wag kang matakot masaktan. " salitang mas lalong nakapagpagulo sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?
Random" Its not love if you don't feel pain. Be ready of what will you feel. You can pretend that you're not hurt. " That's what i realize. Im Cindy Veñoza , at first I don't know what love is but now? I regret that I discovered that thing called " LOVE...