PBMNHN 3 - BAD MOUTH

21 4 2
                                    

Nasa bahay na ko nang biglang nagchat sakin yung classmate ko na kasama ko rin sa recognition next week.

Nicky : Be, tawag tayo ni Sir Benny. May practice raw para sa recognition.

Me : Ngayon na talaga? Kakauwi ko nga lang eh -_-

Nicky : Oo , yari tayong lahat kapag kulang! Nako, iba pa naman magalit yung baklang kalbo na yun.

Di ko na siya ni-replayan. Nagpantalon at T-shirt lang ako tsaka sapatos. Paulit ulit lang naman yung ginagawa sa practice -_-

Nasa school na ko , 'di pa naman nagsisimula yung practice eh. Wala pa din si Sir Benny kaya umupo muna ko sa gilid ng gym.

Lumapit si Bryan sakin, nakangisi pa ang loko.

" Oy , balita ko nagiskandalo ka raw kanina ah? " umupo na rin siya sa tabi ko.

" Talk to my hand " tapos iniharap ko yung kamay ko.

" 'Wag ako Cindy hahaha. Dapat pala andun ako eh no. Para navideo'han ko tsk tsk " nababaliw na talaga siya.

" Bahala ka nga sa buhay mo. " tumayo na ko tsaka naglakad. Wala namang mangyayaring maganda kung kasama ko pa siya. Haaaayy.

*tugs!*

" Ayy sorry sorry , di ko sinasadya. " pinulot ko na lang yung mga bagay na nahulog nung nabunggo ko. Tsaka ibinigay ko.

Nagulat ako sa kaharap ko .... Si Ariz , Ariz H. Yung crush ko na akala ko na bakla na  nasabunutan ko kasi akala ko siya yung boyfriend ng best friend ko na nanakit sa kanya. Hoooh! Gets niyo?

" Okay lang. Thanks sa pag tulong. " Ngumiti siya. Tapos tumalikod na.

Ano ba yan nahihiya ako. 'Di pa naman ako nagsosorry ng maayos sa kanya nakakainis naman huehuehue.

" STUDENTS! PLEASE GO TO YOUR RESPECTED PLACES. "

Yan na , nagsalita na si Sir Benny. So yun nagsipuntahan na kami sa mga pwesto namin kasi baka maggalit si Sir.

Nakapabilog kami , kasi raw ang sabi parang may presentation kami sa mga magulang sasayaw raw at kakanta para magpasalamat sa kanila.

" Students , pasensya at magkakapalitpalit ng pwesto dahil yung mga athletes na hindi umattend ng mga past practices ay umantend ngayon. So babaguhin ko yung mga pwesto niyo. " sabi ni Sir.

Mag aantay na lang ako kung babaguhin yung pwesto ko. Wala naman sa akin yun eh.

" Francis tumabi ka Kay Kennedy. " Naglakad na si Francis sa bago niya pwesto.

" Ikaw naman ~blah blah blah~ " puro Dada lang ng dada si Sir.

" Ariz H, sa tabi ni Cindy " Ayy si Ariz pala.

San kaya siya itatabi? Di ko masyadong narinig eh. Tanong ko na lang sa katabi ko.

" Be , kanino itinabi si Ariz? " tanong ko. Wala lang eh kasi nakakahiya yung nangyari kanina eh.

" Ha? Sayo. " wait? Kanino raw?

" Ha? Ka-kanino? " baka Mali lang narinig ko.

" Sayo nga. " tapos 'di na ko pinansin.

Pero Ano ba yan katabi ko talaga? Dahan daan ako lumingon. Yung parang sa mga horror movies.

Dahan-dahan. Dahan-dahan.

Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon