Nagulat ako sa nasabi ko , mygassssh -_____- ang daldal ko kasi eh! Thinking out loud argh! Nakakainis , anong sasabihin ko?
" Ah.... Eh... Yun yung nabasa ko sa wattpad! Ka-kasi yung character dun eh , niloko niya yung Babae, oo yun nga yun! " mabilis kong sabi sa kanya.
Ang daming mga dahilan pero yun pa talaga yung naisip ko! Bahala na nga basta may maidahilan lang ako.
Nagpatuloy lang kami ng lakad nang bigla siya nagsalita....
" Baka naman kasi may dahilan siya kung bakit niyang ginawa yun diba? " tanong niyang sakin.
Siguro tungkol 'to dun sa dahilang ginawa ko. Tsk! Nako nemern! Pati pala itong gawa-gawa lang mahihirapan pa akong ipaliwanag at palawakin. Hays!
" Siguro nga meron... Pero Mali talaga eh. " sagot ko sa tanong niyang nakakagulat.
Habang sinasabi ko yung mga salitang yun. Naiimagine ko yung mukha ni Ashleyn , parang nararamdaman ko yung sakit na naramdaman niya. Siguro nga masakit talagang magmahal.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa bahay. Nang bigla siyang nagsalita.
" Ganon talaga Cindy , sa pagmamahal hindi pwedeng walang masaktan. Sige babye , congrats nga pala sayo! Goodnight" sabi niya sa akin.
Naglakad na siya palayo pero ako? Andito at naka tayo pa rin sa labas ng bahay. Ewan ko , kaya ba ganon sila Mama at Papa? Nagkakasakitan na sa pagmamahal na nararamdaman nila?
Nang hindi ko na siya maaninag , pumasok na ko sa bahay. Nakita ko si Mama at Papa kasama ang kapatid ko nasa lamesa sila. Lunapit sa akin ang kapatid ko at sabing...
" Congratulation ate! Keep it up! I love you! " sabay yakap sakin ng napaka-higpit.
Binati ako ulit ni Mama at Papa. Masaya Parang walang problema. Kumain kami ng sabay sabay , walang sigawan , walang iyakan , Wala.. As ing walang problema.
Nagpahinga lang ako at pumunta na sa kwarto ko. Kinuha ko yung cellphone ko. Nag open ng Facebook. Puro mga pictures lang na inupload. Nag browse lang ako nang may na kita akong picture na halos gawin ng chatbox ang comment box! Anong picture to? Yung yung picture namin ni Ariz. Binasa ko yung mga comments , alam kong sikat si Ariz pero sa dami daming pictures yung amin pa talaga yung napansin!
Francine Bernadine : Iba ka talaga Riz hahahaha.
Henry Irana : Bago mong lolokohin? Hahaha. Joke lang pre.
Ariz Hindazan : Wag ako pre ./. Hahaha.
Hindi na ako nagcomment pa -_- buti na lang at tapos na ang pasukan , 'di ko na siya makikita pa.
Naglog-out na lang ako at humiga. Nagpapatugtog ako ng biglang nagvibrate yung cellphone ko. Nang tingnan ko text yun ni Bryan.
From Bryan :
Cindy , Andito ako sa ministop punta ka. Libre ko dali! Bago pa magbago ang isip ko. Hahaha.Tiningnan ko yung oras at 10:15pm na. Okay lang yan , nagbihis muna ako kasi nakapantulog na ako eh. Nagpaalam ako kay mama at papa , pinayagan naman ako eh.
Naglakad na ako papuntang ministop. Malayo-layo pa ako sa ministop ay may natanggap akong isang text.
From +63912******* :
Wag kang lilingon....Hala! Sino to. Lumingon ako sa likod ko. Wala namang tao eh. Binilisan ko yung lakad ko. May nagtext ulit.
From +63912******* :
Bakit ka lumingon? Wag mong bilisan lakad mo. Di kita maabutan....Ang creepy! Kaya tumakbo na ko , nang maka punta ako sa ministop. Lumapit agad ako kay Bryan.
" Bakit ka namumutla? " tanong niya sakin.
" Huh? Wala , medyo uhaw lang. " kunwaring dahilan ko. Ayaw kong sabihin yung nangyari. Bahala na.
Tinago ko na lang yung cellphone ko sa bulsa ko. Bahala yung nagtetext sakin. Kahit ilang beses na nagba-vibrate yung cellphone ko pinabayaan ko na lang. Siguro nantitrip lang yun.
Habang nag aantay ako sa mesa ng pagkain na ino-order sa ngayon ni Bryan ay napalingon ako sa labas at may nakita akong figure ng isang lalaking nakatayo. Nakakatakot , magtaasan yung balahibo ko. Nagvibrate yung cellphone ko at kinuha ko ito para basahin ang text na kakatanggap ko lang.
From +63912******* :
Wag kang matakot....Paglingon ko Wala na siya....
WHAT THE FUCK! SINO BA KASI YUN! >:(
BINABASA MO ANG
Paano Ba Magmahal Ng Hindi Nasasaktan?
Random" Its not love if you don't feel pain. Be ready of what will you feel. You can pretend that you're not hurt. " That's what i realize. Im Cindy Veñoza , at first I don't know what love is but now? I regret that I discovered that thing called " LOVE...