Three - They found her
"Shit." I cursed nang mabilis akong kumaabig pa kaliwa. Narinig ko ang pagsigaw ng malulutong na mura nung driver ng van na kamuntikan ko na mabangga.
"Sorry!" I apologized, kahit na hindi naman niya ako maririnig.
Parang nagpapaunahan sa pagtakbo ang puso ko pati na din ang kotse ko.
Nanlalamig ang katawan ko at nanginginig ang mga kamay ko habang tinatahak ko ang thiry minutes away na distansya ng bahay ko at ng Medical City. Thirty minutes na naging fifteen dahil sa mabilis kong pagpapatakbo.
Mahirap man isipin... Pero sa maikli kong byahe ay kung ano ano na ang tumakbo sa isipan ko.
Shit. It's as if I'm already expecting the worst.
Damn it. Just be okay, Corr.
"I'm okay, ma. Don't worry." Paulit ulit na sabi ko kay Mommy habang papasok ako sa ospital. Kanina pa siya tumatawag at nas-stress na ako sa walang katapusang pag ring ng telepono ko, kaya sinagot ko na 'to para tapos na.
"Pero anak, nasaan ka ba? Are you sure everything is okay? Pinapakaba mo naman kami sa pagalis mong 'yun. Where are you, anyway--"
"I'm okay, ma. I'll call back in a while." Mabilis na pamamaalam ko sa kaniya at ibinaba yung tawag.
Rinig na rinig ko ang pagscreech ng gulong ng kotse ko nang mabilis akong huminto sa tapat ng lobby ng ospital. Naagaw nito ang pansin nung gwardyang nakabantay sa di kalayuan at mabilis akong pinituhan.
"Hindi mo pwedeng iiwan dyan ang kotse mo!" Sigaw sigaw niya habang humahabol sa akin, pero mabilis akong tumakbo papasok at agad na nakita si Drei.
"Presbi!" He called, tinanguan niya lang ako at mabilis na din siyang naglakad patungo sa isang corridor ng ospital. Hindi na din ako nahabol nung gwardya dahil pareho na din kaming nagmamadali ni Drei.
Just fucking tow my car for all I care.
Walang nagsalita sa amin ni Drei habang tinatahak namin ang corridor ng ospital, mukhang iniiwasan niya din naman akong tignan dahil kanina ko pa hinuhuli ang mga tingin niya, lagi siyang mailap. Gustong gusto ko nang sabihin niya sa akin kung anong nangyari...
But by just looking at his disheveled hair and clothes... I'm suddenly afraid to ask. Parang ayaw ko nang malaman kung ano ang nangyari kanina sa rescue mission nila.
Pagdating sa pangatlong palapag ng ospital ay nagging dahan dahan ang lakad niya.
"Drei..." I called nang tuluyan na siyang huminto sa isang putting pintuan.
Restricted. Yun ang nakalagay sa labas ng pintuan imbes na pangalan ng pasyente.
"Just... Just be strong, pare..." Mabigat na bigkas sa akin ni Drei nang harapin niya ako. Kita ko sa ekspresyon niya ang labis na hirap at sakit... Na para bang nasasaktan siya para sa akin...
No.
Nasasaktan siya para kay Corr.
Huminga siya ng malalim at humawak na sa doorknob, pero bago niya ito tuluyang ibukas ay inulit na naman niya yung sinabi niya sa akin kanina.
"Be strong, Presbi... She needs you to be strong."
Nang makapasok kami sa loob ng hospital suite ay nakita ko kagad si Guillermo at si Bench na nakaupo sa may sofa.