BIGLANG NAGISING si Aston mula sa mababaw na pagkatulog. Madilim ang paligid kaya naman binuksan niya ang lamp shade na malapit sa kanyang kama. Bumangon siya. Tinignan ang oras, mag aalas tres palang ng umaga. Nakakabingi ang katahimikan ng buong paligid. Tanging ang pag ikot ng mga kamay sa orasan ang tanging naririnig niya, nakakatakot, nakakapraning.
Ilang sandali pa ay nakita niya mula sa ilalim na siwang ng pintuan ang isang aninong naglalakad. Mabilis yun. Hindi niya mawari pero gusto niyang malaman kung sino yun. Kaya naman ay marahan siyang naglakad sa may pintuan. Kinuha ang saradora niyon at binuksan iyun ng dahan dahan.
Pagbukas ay wala siyang nakitang kahit na sinong tao sa may mahabang pasilyo. "Michael ikaw bayan?" Tinawag niya si Michael pero walang sumagot. Hanggang sa bigla na lamang may kamay na pumasok mula sa kanyang likuran tagus tagusan mula sa kanyang harapan. Pati siya ay nabigla. Nakita pa niya ang duguang kamay nito na naka f### y## sign pataas sa kanyang mukha. Nagsimula naring siyang sumuka ng dugo. Pati mandilim ang kanyang paningin. Ang kanyang katawan ay nararamdaman niyang nanghihina. Inikot ikot pa ng nilalang na nasa kanyang likuran ang kamay nito sa looban niya na mas lalong nagpawala sa kanya ng ulirat."Tulungan nyo 'ko. kayong lahat, tulungan nyo 'ko." Pahina ng pahina ang kanyang boses. Pilit niyang tinignan ang nilalang na umatake sa kanya pero pag tingin niya sa mukha nito ay bigla na lamang siya nitong sinampal.
Namulat si Ashton mula sa sampal ni Michael. Panaginip lang pala ang lahat. Bigla siyang bumangon. "Hoy Tsong. Mukhang masama yang panaginip mo ah. Ano bayun?"
Pilit parin siyang kumukuha ng hininga sa may hangin. Pawis na pawis. "Oo masama, masamang masama! Teka anong oras na?"
"Mag aala syete na ng umaga. Bakit?"
Pagkatapos maghilamos ay sabay na bumaba ng kanilang kwarto sila Ashton at Michael. Sa dining area sila tumuloy. Sila Zita ay nakita nilang kumakain na duon. "Guys kumain na kami, hindi na namin kayo nahintay. Sa isip isip niya eh ang aga namang magising ng mga 'to. Samantalang alas nueve na siya nagigising sa bahay nila. Puro hapon kasi ang sked ng pasok niya sa university. Umupo na sila sa may hapag kaninan pagkatapos.
As usual masasarap parin na pagkain na inihanda sa kanila ni Aling Sita, parang hindi zombie apocalypse. Ayos yun! Dahil pakiramdam niya eh dahil sa nakakatakot niyang panaginip ay nawala lahat ng kinain niya kagabi. Sobra ang gutom niya.
"Eh bakit ngaba kayo ngayon lang bumaba Ashton, Michael?" Tanong ni Zita.
"Kasi itong si Tsong, nanaginip pa!"
Tinignan niya si Michael. Sa loob loob nya eh sinisi pa talaga nito sa panaginip niya ang pagka kupad niya sa pag kilos.
"Ganyan rin ako dati. Nagkakaroon din ako ng mga bad dreams nung una kong tulog dito sa bahay. Sabagay kahit na nga hindi tayo managinip eh parang nasa bangungot narin tayo ngayon kahit na nakadilat." Wika ni Aling Sita. Patuloy lamang na kumain silang lahat. Talagang binusog ni Ashton ang kanyang sarili para sa panibagong araw na dadaan. Pakiramdam niya kasi ay may bagong mangyayari sa kanila ngayong araw, wild guess lang niya.
Ilang sandali pa at tumayo na si Justine. May pinuntahan ito saglit. Pagbalik nito ay may dala na itong malalaking baril. Hinagisan nito si Ashton ng isa.
"Para saan to?"
"Pang proteksiyon."
Nagkatinginan sila ni Michael. Para kasing may iba siyang hinala dito. "May gagawin ba tayo dito na hindi n'yo samin sinasabi?"
"Oo meron?" Sabi naman ni Rolex. "Mag sho-shoppinng tayo.

BINABASA MO ANG
Aka Batafurai (Completed)
HorrorPag gising ni Ashton ay wala ng mga tao. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa mga ito at iniwan siyang nag iisa sa may loob ng library kung saan ay natatandaan niyang nag re-review siya sa Chemistry mag aalas nueve ng umaga. Nakatulog pala...