HALOS SAMPUNG taon ang ginugol ni MIchael upang pahabain ang kanyang crown and glory. Hindi naman kasi pinagbabawal ang pagpapahaba ng buhok sa kanilang unibersidad dahil naniniwala sila na kasama iyon sa freedom ng isang tao base sa kung anong gusto nitong gawin sa sarili niya. Unless eh hindi naman siya magmumukang basura sa pagdadamit niya. Pero mukhang mababale wala lang ang sampung taong paghihirap niya dahil hihilaihin lamang iyon ng kambal na zombie. Halos mabunot na sa anit ni Michael ang buhok niya. Hindi naman nahagip si Aston ng mga ito dahil bigla itong umilag.
"Tulungan moko dito, bwisit ka! yung buhok ko!!!" Halos mamilipit na sa sakit si Michael.
"Teka teka." Naghanap ng gamit si Ashton sa paligid. Sa di kalayuan ay nakita niya ang mga pirasong bubug na nagkalat sa lupa at kumuha siya duon. Gamit iyon ay pinutol niya ang buhok ni Michael. naging layered tuloy ang buhok nito. Nang makawala ay agad silang tumakbo tungo sa may pintuan ng stock room. Pero ng bubuksan na iyon ni Michael ay duon lang nila nalaman na naka-lock pala iyon.
"Ni lock moto?"
"Hindi ah!"
"Anong hindi eh bakit ayaw mabuksan!?"
"Ako na." Sinubukan niya rin itong buksan pero wala paring epekto." Dumudulas lamang ang kamay niya sa brass na saraduhan nito. Sa tagal nilang ginugol na buksan ang pintuan ay dumating na sa kanilang likuran ang kambal na zombie. Nang makita niyang papalapit ang mga ito ay saka na niya niyaya si Michael upang tumakbo napapunta sa exit ng library.
Tinungo nila iyon ng mabilis, muntikan pa ngang madulas si Ashton dahil sa dulas ng sahig. Pero pagpunta nila duon ay isang batang zombie naman ang bigla na lamang bumulaga. May dala-dala itong manika na pugot ang ulo.
" Ano na Michael?" Tanong kaagad ni Ashton. Panay parin ang malalim niyang paghinga.
"Nako bata lang yan, kaya natin yan." Pagyayabang naman ni Michael.
Nakatayo lamang ang bata sa may gitna ng exit. Walang imik, tila pinapakiramdaman kung ano ang gagawin nilang kilos. "Oh sige basta maglakad lang tayo ng dahan dahan papunta sa pintuan ah."
"O sige." Sinunod ni Aston si Michael. Kahit na kinakabahan sa kahit na anong pwedeng mangyari ay nagsimula na siyang maglakad. Marahan nilang tinungo ang pintuan papalabas ng silid aklatan. Marahan ng marahan ng marahan. Di numero ang bawat hakbang at galaw nila. "Malapit na tayo." Ika ni Ashton.
"Oo at pwede huwag kang maingay."
"Oo na nga."
Isang hakbang nalang ay matatapakan na ni Ashton ang hamba ng pintuan papalabas ng bigla na lamang kumilos ang bata. Unti unting inikot nito ang ulo papunta sa kanya. Sabay itong dumilat. "Nako Aston, naloko na."
"Bakit?"
"Mukang naamoy niya tayo, bwisita ka yang dugo mo."
Tinignan ni Aston ang benda niya sa kamay at sige parin pala ang pag agos ng dugo nito. Hanggang sa walang nau anoy bigla nalang sumugod ang bata. Iniwan nito ang pugot niyang manika sa may sahig at inambangan sila. Sinugod nito si Ashton pero buti nalang ay nakailag ito kaya naman ay sa may pader ito tumama. Nawasak ang kalating mukha ng bata. Kitang kita ang sariwa nitong mga laman sa mukha at laylay na eye balls. "Wahhhh! Sumugod ito muli. Pero sa pagkakataong ito ay dumating na sa kanilang pwesto ang kambal na zombie. Joined forces ang tatlo.
"Kumuha naman kaagad sila Michael at Ashton ng upuan at iniligay nila yun sa kanilang harapan upang gawing dipensa.
"Michael."
"Ano yun?"
"Kung mamatay man ako ngayon, eh pwede bang hanapin mo yung Nanay ko para sa'kin."
"Gago!"
BINABASA MO ANG
Aka Batafurai (Completed)
TerrorPag gising ni Ashton ay wala ng mga tao. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa mga ito at iniwan siyang nag iisa sa may loob ng library kung saan ay natatandaan niyang nag re-review siya sa Chemistry mag aalas nueve ng umaga. Nakatulog pala...