NAG RING ANG TELEPONO ni Prosecutor Barbie Flores mag aalas kwatro ng umaga. Mula sa may lamesa sa gilid ng kanyang kama ay kinapa niya yun, kinuha, Binuksan ang telepono at sinagot ang tawag. "Oh Bobby, Whats up?!"
"Ma'am eh sorry po dahil napatawag ako." Ang totoo niyan ay wala pa siya sa kalahating oras na natutulog, kakarating lang niya ng kanilang bahay dahil galing pa siya sa isang kaso na isang babae na sangkot sa cybersex sa may Laguna.
"Ano nga yun Bobby?"
""Eh Ma'am. Kasi ho eh..."
"Kakasuhan kita Bobby ayaw mong akong direchuhin!" Nagtaas na siya ng boses.
"Eh Ma'am kasi ho nahuli na si Red Butterfly!" sagot ni Bobby sa kabilang linya.
Parang nabuhay ang dugo ni Barbie. Sinong Red Butterfly yung killer?"
"Yes Ma'am!" Bahagya siyang natahimik, nakatingin lamang siya sa may white board kung saan niya dinidikit ang mga report ng kanyang mga hinahawakang kaso. "Ma'am nandiyan pa ho ba kayo?"
"Oo Bobby I'm still here. Teka nasaan siya ngayon?"
"Yun na nga Maam eh, nahuli namin siya pero..."
"Anong problema?"
"Kasi Ma'am ano eh."
Dyosmiyo Bobby, sabihin mo na kaagad, anong nangyari sa kanya?
"Kasi Maam, comatose po siya!"
Pangalan: Ashton Leonard Niepes.
Edad: 25 na taong gulang.
Katayuan sa buhay: Walang asawa.
Kurso: Automotive.
Kinuha ni Barbie ang papel na binabasa ni Bobby sa harapan niya pag punta niya sa may hospital. Duon sila sa loob ng kotse niya nag usap. "Bwisit ka talaga. Ang bagal bagal mo magbasa."
"Sorry Ma'am."
"O sige tama na yang pabebe mo." Pagkatapos ay tinignan ni Barbie ng kakaiba si si Bobby. "Bakit Ma'am may dumi ba yung face ko?
"Hindi yun. Ang akin lang eh si Ashton Niepes ba talaga yung si Red Butterfly?" Tinignan niya muli ang portfolio ni Ashton. Ayon sa itsura nito ay mukha namang itong mabait. Walang bahid dugong killer.
"Sure na sure kami Ma'am. Dun po kasi sa bahay ni NIepes mag aalas dose ng gabi eh may nakakita pong pumasok siya, eh sabi ng mga kapitbahay nila eh matagal nadaw pong hindi siya umuuwi duon. Tapos Maam nagsarado siya kaagad ng mga bintana at pintuan."
"Pagkatapos eh yun lang, siya na kaagad yung killer?"
"Hindi pako Ma'am kasi bigla siyang tumalon sa may binatana, syempre Ma'am nagkaroon na ng komosyun sa lugar. Sinuri ng mga pulis yung bahay and they found out na meron dung isang kwarto na puro paru paru. Eh diba Ma'am yung hinahanap natin na killer eh nag iiwan ng paru paro sa mga biktima niya pagkatapos niya itong patayin, kaya nga naging Red Butterfly ng tawag natin sa kanya diba."
Kinuha ni Bobby ang fortpolio ni Ashton. Binuklat niya iyun. "And with the span of six moths na pag hahasik niya ng lagim ay walong tao na ang napatay niya. Kabilang na diyan yung liblarian nila sa kanilang university. Si Rolex Pahano, Rosita Estevan, Melody Santairapan, Magkapatid na si Justine at Jaey Santos at Grazilda Maine Ocampo."
"Related ba ang lahat sa suspek?" Tanong ni Barbie.
"Hindi Ma'am."
"Eh bakit niya ginawa yun?"
"Eh Maam alam nyo naman ang killer, wala naman pong relevant kung sino ang papatayin nila, random yun. Kunyari nainggit siya sayo or nagawan mo siya ng kasalanan eh gagantihan ka niya kaagad.""Huwag mokong lecturan Bobby dahil alam ko ang lahat ng yan istupido!"
Pagkatapos ay binuklat muli ni Bobby ang naturang mga files. "Ay Maam. Ito pa pala. Binasa ni Bobby ang daliri niya at binuklat pa niya ng isa ang nasabing files. "Gusto niyo ng kasagutan Maam diba?"
"Ofcourse." Nakataas ang kilay niya.
"So ito, Nag research ako. Ayon dito sa report. Six months ago ay may nakitang bangkay sa likod ng university nila."
"Okay huhulaan ko. Yun ang unang biktima ni Ashton?"
"Yes Ma'am, hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagpatay pero stress siguro. Yung lalaking pinatay niya eh kaibigan niya. Ayon sa kwento eh meron daw kasing nililigawan itong si Ashton pero hindi isya sinasagot, so itong si Elijah yung matalik niyang kaibigan yung sinagot nung babae."
"Kaya niya pinatay yung lalaki?"
"Maari, dala narin siguro ng patong patong niyang problema, dahil naalala niya ang pagka matay ng tatay niya, pagkalugi ng kanilang negosyo, pagbagsak ng mga grado niya sa klase, at pag kakaalam niya na isa siyang ampon."
"I see!"
"Oo nga Maam, and you know what Maam. Ang totoong Nanay niya na si Mrs. Rebecca Morata ay nabaliw sa hindi alam na kadahilanan. So lumalabas na lahi talaga nila ang ganung sakit."
"About his father?"
"Wala po akong impormation sa kanya."
Binuklat ulit ni Bobby ang mga files. "Kaya naman eh nag decide na ipatingin ni Mrs. Janette ang kanyang anak anakan sa isang espesiylita sa pag iisip. And they found out that He has a multiple personality disorder. At alam mo ba Ma'am ang sinulat niya sa papel during his test, Ang pangalan daw ng isa pa niyang katauhan." Pagkatapos ay ibinigay ni Bobby ng isang kapirasong papel sa kanya. Kinuha niya iyon at binasa.
"Michael." Basa ni Barbie dito.
Binuksan ni Barbie ang pintuan ng kwarto kung saan si Ashton naroon. Nakakaawa ang kalagyaan nito. May benda ang ulo nito at isang mahabang tubo ang naka pasok sa ilong nito at lalamunan. Oras ngayon ng dalaw. Hindi ba niya alam pero parang gusto rin ni Barbie na tignan ang isa sa pinaka batang serial killer sa kanilang syudad.
Tinignan niya ang mukha ni Ashton. Parang anghel ang itsura nito kahit na maraming mga tubong naka pasok sa ibat ibang parte ng mukha nito. Mula sa kanyang isip ay tinatanong niya kung paano na lamang naatim ni Ashton ang pagpatay sa halos walo niyang mga biktima.
Ilang sandali pa ay bumukas nag pintuan ng kwarto, mula duon ay biglang sumilip si Bobby. "Ma'am tawag po kayo ni Spo2 Rosles sa ibaba."
"O sige bababa nako." Pagkatapos ay sinulyapan niya ulit si Ashton at pagkatapos ay bumaba na.
Malaming ang ora sa buong kwarto ni Ashton. Ang tangi lamang na maririnig ay ang aparatong nagbibigay ng karagdagang hangin sa kanyang buong sistema. Nakakalugkot, nakaka praning. Pero mukhang sa gabing iyon ay mababahiran na konting pag asa, mula sa kamay ni Ashton ay gumalaw ang daliri nito. lumakas din ang pag buga niya ng hangin. Bumilis muli ang tibok ng kanyang puso at dahan dahang dumilat ang kanyang mga mata sa gitna ng malamig at nakakatakot na kadiliman.
WAKAS.
______________________________________________________
Nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa ng nobelang ito at sa mga magbabasa pa sa hinaharap. God bless po sa inyong lahat.
Azul. ^___^
BINABASA MO ANG
Aka Batafurai (Completed)
HororPag gising ni Ashton ay wala ng mga tao. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa mga ito at iniwan siyang nag iisa sa may loob ng library kung saan ay natatandaan niyang nag re-review siya sa Chemistry mag aalas nueve ng umaga. Nakatulog pala...