Pakiramdam ni Michael ay tinatanong siya ng mga pulis sa katayuan nila ngayon habang tinatanong siya nila Ashton, Justine at Jaey. Nakaupo siya ngayon sa may silya, nakagapos ang kamay at gumagalaw galaw ang ilaw. "Michael uulitin ko. Ano ang nangyari nung mga oras na namatay ang ilaw?" Tanong ulit ni Justine sa kanya.
"Wala ngang nangyari. Basta umiihi lang ako tapos lumabas ako ng banyo eh naglakad lakad ako sa paligid. Then bumukas ang ilaw at nakita ko si Melody na nasa lapag. Dead na! Ganun ka simple."
"Pinagloloko moba talaga kami ah Michael! Gusto mo bang ikaw ang isunod ko ngayon kay Melody!" Galit na galit na si Justine ngayon, kahit na anong gawing paliwanag ni Michael ay ayaw nitong maniwala. Pagkatapos ay walang anu anoy sinuntok ni Justine ang binata. Tumembwang si Michael kasama ang upuan. Knock out siya sa ginawa ni Justine sa kanya. Lumapit naman kaagad sila Jaey at Ashton. Si Jaey ay kinuha kaagad si Justine upang pigilan sa kung ano pang maaring gawin nito samantalang si Ashton naman ay tinulungan si Michael na patayuin. Dumugo kaagad ang ilong ni Loko.
"Tsong naman huwag ka namang masyadong madahas. Cool ka lang kasi." Sabi ni Jaey.
"Eh kasi eh yang P##### I## nayan eh, gumagawa pa ng kung ano anong kwento eh maliwanag pa sa sikat ng araw na siya ang killer!" May pagkakataon pa nga na sinipa ni Justine si Michael paharap pero buti nalang ay hindi ito inabot.
"Sige na Jaey, dalhin mo muna si Kuya sa labas." Utos ni Ashton.
"Anong dalhin sa labas eh hindi pa nga ako tapos sa Gagong yan!" Sumipa ito ulit sa hangin.
"Sige na Tsong, masyado kang hot na hot eh. " Pagkatapos ay tuluyan ng dinala ni Jaey si Justine sa may labas ng kwarto. Tinignan ni Ashton ang kalagayan ni Michael. "Ano ayos ka lang?"
"Oo ayos lang ako."
Tinignan ni Ashton ang putok na labi ni Michael. Sige parin ang pag dugo nun. Kumuha si Ashton ng telang nakita niya sa may kwarto at pinunas sa bibig nito.
"Ops ops ops!"
"Bakit?"
"Malinis bayan Tsong?"
"Hindi" Tuluyan na niyang pinunasan ang putok nitong sugat. "Ang arte arte mo diyan bwisit ka!" Habang pinupunasan naman ni Ashton si Michael eh si Michael naman ang tumingin dito. Blanko ang mata ni Ashton, kakaiba sa malungkot na matang palagi niyang nakikita dito, tila walang buhay yun. "Michael?"
"Ano yun?"
"Ikaw ba talaga yung killer?"
"Tsong naman, simula palang ng delubyo nato eh magkasama na tayo diba. Sa palagay mo magagawa ko bayun sa inyo? Ibig kong sabihin eh kila Meldoy, Aling Sita huh?"
"May posibilidad."
"Grabe ka naman Tsong oh! Parang hindi naman tayo mag bestie niyan!" Diniinan ni Ashton ang tela sa sugat niya. "Aray ko naman! dahan dahan lang kasi!"
"Bestie kapang bwisit ka! Nakukuha mo pa talagang mag joke sa panahong ganto ah!" Binato ni Ashton ang tela sa may pintuan. Pati ang gitna ng pinto ay nabahiran din ng konting dugo. Tumayo na is Ashton pagkatapos. "Ano Michael. Ikaw ba talaga yung killer?"
Natahimik din si Michael sa isang banda. "Tsong naman..."
"Huwag mokong i Tsong tsong diyan Michael. Dahil sa una palang eh alam ko ng may mga lihim ka na hindi sakin sinasabi. Tapos sasabihin mo ako ng Bestie. P##### I## ka! Dahil walang bestie ang naglilihiman sa isat isa!" Agaw hininga si Ashton sa galit.
"So tingin mo talaga Ashton ako yung pumatay kay Melody ganun ba?" Naging seryoso ang mukha ni Michael sa oras nayun. Kakaiba sa mga kakatwang mukha niya sa araw araw. Hindi niya ito matignan ng direcho, bigla niyang nilaan ang kanyang tingin sa may picture frame na nasa loob ng kwarto. "Hindi ko alam, pati nga ako eh naguguluhan narin eh. lahat naman siguro tayo eh gusto yung sagot. yung the best answer hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Aka Batafurai (Completed)
HorrorPag gising ni Ashton ay wala ng mga tao. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa mga ito at iniwan siyang nag iisa sa may loob ng library kung saan ay natatandaan niyang nag re-review siya sa Chemistry mag aalas nueve ng umaga. Nakatulog pala...