[10] Dugo

247 12 2
                                        


SUMASAKIT PA ANG ULO ni Ashton ng magising siya sa kanyang kwarto. Siya lamang ang naroon. Pag hawak niya sa kanyang ulo ay nakabenda iyon ng mahigpit. "Michael?" Tinawag niya si Michael habang bumabangon. Pero hindi ito sumagot. Ginalaw galaw niya ang kanyang braso pagkatapos ay ang kanyang likod, medyo ng straight body siya. Ayon sa kanyang sariling pagsusuri ay maayos naman yun. "Nasan naba ang lahat? " Tanong niya sa kanyang isip.

Tuluyan na siyang tumayo sa may kama at aakmang bubuksan ang pintuan ng kwarto para bumaba pero pagbukas niya ay naunahan siya ni Michael. Papasok naman ito sa loob. "Oy Tsong, gising kana pala!" Inakay nito siya ulit papuntang kama. "Anong nararamdaman mo?"

"Medyo okay naman ako, maliban sa pagkirot nitong ulo ko."

"Eh Tsong. sino nga ba yung gumawa niyan? Eh nakita ka nalang namin na nakahiga dun sa may corridor eh."

"Hindi korin alam, basta nalang may pumalo sa ulo ko." Medyo ngumiwi siya. "Siya nga pala si Zilda ano ng nangyari sa kanya?"

"May pumalo sa ulo mo?! Saka anong si Zilda?"

"Oo si Zilda pambihira ka naman, nakita ko siyang duguan dun sa may corridor kaya tinulungan ko siya."

"Hindi naman siya nakita."

Ngumisi si Ashton. "Imposible, Anong hindi nyo siya nakita eh tinulungan ko pa nga siyang..." Muli tuloy nagbalik sa kanyang diwa ang itsura nito na tila nagmamakaawa at duguan.

"Yun pa nga Tsong ang itatanong namin sayo eh, kung anong nangyari at bakit siya nawala."

"Ewan ko, nahimatay nga ako diba, basta nakita ko nalang siyang..." Hindi na naipagpatuloy pa ni Ashton ang sasabihin dahil sa banas. "Teka nga Michael, nasan si Melody?"

"Nasa baba, bakit?"

"Tulungan moko at gusto ko siyang makausap." Sinunod naman siya ni Michael pagkatapos ay sinamahan nito siya sa may baba kung nasaan si Melody. Sa may baba ay nakita nila itong naglalaro ng chess. Parang wala lang kay Melody ang nangyari, sa loob loob niya eh ang kapal talaga ng mukha nito. Nakukuha pa nitong maglaro ngayong sa pag kakaalam niya ay ito ang positive na killer. 

"Melody pwede ba tayong mag usap?"

"Oi Michael anong meron, ano yun?"

Gamit ang kanyang kamay ay hinagis ni Michael ang chess board na pinag lalaruan ni Melody pataas. Kung saan saang parte humagis ang mga pieces ng chessboard. Tumama pa nga sa mukha ni Michael ang isa. 

Nagulat si Melody sa ginawa ni Ashton. "Anong ibig sabihin nito Ashton?" Ganun parin ang pag ka sindak ng dalaga.

"Ang galing din naman ang acting mo eh no, alam ko at alam din ng iba na ikaw ang nagtago sa katawan ni Zilda."

"Ako? bakit ako?"

"Oo ikaw at sino pa nga ba. Eh ikaw lang naman ang may mental disorder dito at alam korin na ikaw ang pumatay kay Nanay Sita!" Hindi na maitago ni Ashton ang kanyang galit sa tagpong yun. Akala moy sa kanyang akto ay kakain siya ng tao ng buhay. Nilapitan naman siya ni Melody at bigla siya nitong sinampal ng malakas. 

Lumuha ito. "Ang kapal ng mukha mong sabihan mo akong killer eh sa inaakto mo eh ikaw pa nga ang mukhang killer sa'ting dalawa ngayon! Saka isa pa, hinding hindi ko magagawa kay Nanay Sita ang pagbibintang mo dahil para ko narin siyang Tunay na Ina!" Mas nilakasan ni Melody ang boses niya.

Dumating narin sa amy living room sila Justine at Jaey. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni Justine pagkakita niya sa nagkalat na chess pieces sa may sahig. Tumahimik ang dalawa. 

Aka Batafurai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon