[12] Butterfly Room

280 11 3
                                    


BOOM! Isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa kalye ng Burgos street corner Paseo De Roxas. Mula sa malaking mansiyon na tinatawag rin na the scream house ay isang kotse ang walang habas na lumabas sa bukana niyon. Nasira kaagad ang nguso ng kotse na minamaneho ni Jaey pag abante niya ng isang ford-150 sa may garahian ng bahay. Kinayod niya ang halos tatlumpung zombie na walang takot silang hinarang. Nagkalasug lasog ang mga katawan nito na ang isa pa nga ay naiwan ang pugot na ulo sa windshield ng kotse. "Tekal lang!" Bumaba si Ashton sa may loob ng kotse at saka kinuha ang ulo. Pagkatapos ay binato niya ito ng malakas tungo sa malayo. 

"Ashton dali parating na yung iba!" Sigaw ni Michael.

Mabilis pa sa alas kwatro na pumasok si Ashton sa loob ng kotse. Pagkatapos ay ni-lock niya kaagad ang pintuan nito. Napahawak si Ashton sa kanyang dib dib. "Grabe muntikan nako dun ah!"

Dahil sa pag uusap nilang apat at pagkakita nila sa bangkay ni Zilsa sa isang kwarto sa mansiyon ay napag desisyunan nilang tuluyang umalis dito, maari ngang may ibang tao pa sa mansiyon na dahilan kung bakit may namamatay sa kanilang grupo. 

"Oh ngayon saan na tayo pupunta?"

"Batangas!" Suggest ni Michael. 

"Masyadong malayo." Sagot ni Justine.

"Sa capital?" Suggest naman ni Jaey."

"Pwede, o sige sa Capital tayo."

Tumingin naman si Ashton mula sa may likuran ng kotse. "Guys pwede bang mag request naman ako kahit isa lang."

"Ano yun?" Tanong ni Justine.

"Ah eh. pwede bang samahan n'yo muna ako sa isang lugar."

"Saan lugar?"

"Sa bahay ko." Pagtatapos niya.

Hindi naman ganun kalaki ang bahay nila Ashton. Tama lamang ito sa tatlong tao kung susuriin. May dalawang kwarto sa itaas, isang living room, isang banyo at may katamtamamng laki na kusina. Hininto ni Jaey ang kotse sa kalye ng isang baranggay sa Quezon city. Unang bumaba si Ashton ng kotse, akala moy sabik na sabik ito na muling makita ang kanilang bahay. May mga bakas ng dugo ang pintuan nila. Nakakasulasok naman ang amoy ng mga utak yata ng tao at mga lamang loob na nakasampay naman sa bintana. 

"Nay!" Pumasok kaagad si Justine sa loob. Hindi na niya kailangan pang buksan ang pintuan dahil bukas na iyon. Kakatwang hindi ganun kagulo ang loob ng kanilang bahay pag pasok nila. Punong puno parin ang laman ng kanilang refregirator at hindi pa basag ang mga kasangkapan sa loob. Pag pasok ni Michael ay sinarado niya kaagad ang pinto. 

Umakyat si Ashton sa itaas. "Nay?!" Binuksan niya ang kwarto nito at kwarto niya pero wala ito duon. Umakyat din si Michael sa itaas. "Ano Tsong nakita mo ba si Inay?"

"Hindi eh." Umupo si Michael sa may kama. Sinuri niya ang kwarto ni Ashton. Duon niya lamang nalaman na mahilig pala ito sa rock music. Meron itong collection ng mga cd sa gilid, manga and graphic novel books sa kabilang istante at maraming horror movies na bala. "Oh tignan moto." Kinuha niya ang isang dvd na ang pamagat ay Friday the 13th. "Mahilig karin pala sa mga horror movies, orig ba tong lahat Tsong?" Tinignan niya si Ashton sa kanyang likod pero bigla itong nawala. "Tignan motong lalaking to. Bigla nalang nawawala." Iniling iling niya ang kanyang ulo sabay balik ng bala sa lalagyan nito. 

Pero pagdako ng kanyang paningin sa may gilid ng kwarto ay isang bagay ang napansin niya. Mula sa isang poster ng Rakistang si Elves Presley ay parang may nakausling kahoy siyang napansin. Hinipo ni Michael yun. Kung hindi siya nagkakamali ay parang may pintuan sa likod ng poster. Na curious siya kaagad pagkatapos ay tumingin sa paligid. Kung pintuan nga ng kwarto iyon ay bakit yun tinakpan ni Ashton? Kinapa niya ulit ang umbok pagkatapos ay tinuklap ng konti ang isang parte ng poster pero hindi paman niya tuluyang nakikita ang naturang umbok ay biglang may tumawag sa kanya. 

Aka Batafurai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon