GAMIT NG MATALAS na kutsilyo ay pinutol kaagad ni Justne ang pising nakatali sa leeg ni Aling Sita. Inalalayan naman ng lahat ang pagbaba ng katawan nito sa may sahig. Sinuri ni Zilda ang pulso nito, umiling iling ito pagkatapos. "Patay na siya." Wika nito. "Sa palagay ko eh mga isang oras na siyang patay."
Sinuntok ni Justine ang pader sa galit. "Ano bang kabaliwan ang nangyayri sa bahay na'to ah!" Tahimik lamang ang lahat. "Imposibleng zombie ang pumatay kay Nanay Sita. Dahil walang zombie ang makakaisip ng ganyang bagay!"
"Eh anong ibig mong sabihin Justine?" Sabi ni Jaey.
"Na isa sa atin ang pumatay sa kanya." Nagtinginan ang bawat isa. Tila sa pagtingin nilang iyon ay hinuhuli nila kung sino ang napaka walanghiyang killer. "P#### I## naman oh." Nasa zombie apocalypse na nga tayo tayo tapos dadagdagan n'yo pa ng bwisit na patayan nato! Ano ba naman kayo ah! Hindi n'yo nalang hintayin na makain tayong lahat ng zombie!" Sige parin si Justine sa panenermon. "At ikaw Ashton. Bakit naman meron kang dalang mga gamit?" Nilapitan siya nito. "Bakit aalis kana dito satin, hindi kaba dito masaya ah?" Mas inilapit pa ni Justine ang mukha dito. "Oh aalis ka dahil ikaw ang killer?"
"Tsong ah hindi ko gusto yang tabas ng dila mo."
"Eh bakit mukhang kinakabahan ka diyan?"
"Tsong Justine hindi siya ang killer. Magkasama pa kami sa kwarto kanina pa, at mapapatunayan ko yan." Sagot naman ni Michael. Sa kalagitnaan ng kanilang diskusyunan ay may napansin naman si Zilda. "Teka nasan nga pala si Melody?"
"Nasa taas." Sagot naman ni Jaey.
"Kanina paba siya dun?" Si Justine naman ang nagtanong. Pagkatapos ay biglang nagtinginan ulit ang lahat. Mulang nag co-connect ang mga ideya nila. Pagkatapos ay dali dali nilang pinuntahan si Melody sa kwarto nito. Kinatok kaagad ni Justine ang pintuan. Malakas yun. "Melody, buksan mo itong pinto ngayon din!"
"Sino bayan?" Sumagot si Melody sa malamyang boses.
"Si Justine to."
Ilang sandali pa ay binuksan ni Melody ang pinto. "Oh bakit?"
"Kanina ka paba nandito?" Halata sa mukha ni Melody ang pagka balisa. Malamlam ang maga mata nito at gulo gulo ang buhok.
"Pwede ba kaming pumasok sa loob?"
"Bakit?"
"May titignan lang ako." Halatang nag iba ang expressiyon ng mukha nito. Parang meron itong pangangamba. Nung una ay parang ayaw ni Melody na papasukin sila ng kwarto pero ng tumagal ay pumayag din ito. Unang pumasok sa loob si Justine pagkatapos ay sila Jaey at Ashton.
"Ano bang nangyayari dito?"
"Ilang oras kang nandito sa loob ng kwarto Melody?" Tanong ni Justine habang sinusuri ang kanyang mga gamit.
"Kanina pang umaga,hindi ako dito umaalis, Bakit ba. Parang ang wi-wirdo ninyo ngayon?"
Nagpunta naman si Jaey sa damitan niya. Binuksan nito ang kanyang malaking kabinet.
"Oh ano namang hinahanap mo diyan?"
"Wala lang chini-check ko lang." Alibi nito.
"Para saan?" Tuloy parin ang pagtataka ni Melody.
"Teka nga lang." Nagpunta na siya sa harapan ni Justine. "Ano ba talaga ang nangyayari dito Justine huh saka nasaan si Nanay Sita?" Biglang nanahimik ang lahat. Hindi makatingin ng direcho si Justine kay Melody na nakatignin lamang sa may bintana ng kwarto.
"Ano nga ang nangyari guys?" Tinignan din ni Melody sila Ashton at Michael. Pero wala din siyang nakuhang sagot sa mga 'to. Kinuha na ni Melody ang laylayan ng damit ni Justine. "Justine anong nangyari?"
BINABASA MO ANG
Aka Batafurai (Completed)
TerrorPag gising ni Ashton ay wala ng mga tao. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa mga ito at iniwan siyang nag iisa sa may loob ng library kung saan ay natatandaan niyang nag re-review siya sa Chemistry mag aalas nueve ng umaga. Nakatulog pala...