KABANATA 1

75 1 0
                                    

Natapos ko 'tong isulat two years ago pa. Medyo hindi ko na alan kung anong mga sinulat ko dito pero parang natuwa ako so nilagay ko rito. Tell me what you think. 😋

August 25, 2004, Wednesday

"Moon is the Earth's natural satellite that shines by the sun's reflected light. It revolves about the earth from west to east in about 291 days with reference to the sun or about 271⁄days with reference to the stars. It has a diameter of 2160 miles, a mean distance from the earth of about 238,900 miles, and a mass about one eightieth that of the earth." malakas na paliwanag ni Sir Aries habang naglalakad paikot sa room. Kasabay ng malamig at lalaking-lalaking boses nito ay ang hugong ng apat na ceiling fan sa loob ng classroom na pinagtuturuan.
Sa bandang dulo ng row two, nakapangalumbaba naman si Luna habang nagpapantasya sa guwapo nitong guro. Nanlalaki't nagniningning ang mga mata nito at banat na banat ang mga labi sa pagngiti.
"Pero, hindi lang Earth ang may moon. Some planets even have more. Like Jupiter." dugtong pa ng guro.
"Luna, can you name one of Jupiter's moon?" biglang tanong ni Sir Aries. Ginagantihan ng malawak na ngiti ang dalagitang nananaginip nang gising.
Gayunpaman, parang hindi narinig ni Luna ang tinig ni Sir Aries. Nanatili s'yang nakatulala sa kawalan at nakangiting parang baliw.
"Luna? Did you hear me?" tanong ng guro na bahagyang kumunot ang noo.
Nang makaramdam na hindi siya muli narinig ng dalagita, mabagal itong naglakad patungo sa kinauupuan nito.
Yumuko si Sir Aries at itinapat ang labi sa tainga ni Luna na hindi pa rin nagigising sa kanyang pantasya.
"Luna!" Pabiglang sigaw ni Sir Aries kasabay ng pagdakma sa mga balikat ni Luna.
Bigla naman itong natauhan mula sa panggugulat ng guro. Nataranta ito na tila ba hindi malaman kung anong gagawin. Nakamulagat ang mga mata nito habang mabilis na nilinga-linga ang ulo sa lahat ng direksyon.
Napuno ng impit na halakahak ang buong classroom. Sabay-sabay na nagpigil ng tawa ang mga kaklase ni Luna. Maging ang kanyang gurong nasa tapat n'ya'y nagpipigil ding matawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura ni Luna. It's obvious how Sir Aries can affect Luna's system.
"Uhmm... ah... ano... Sir... ah..." uutal-utal na sabi nito habang hinahawi ang buhok na humarang sa kanyang mukha kakalinga.
"Luna, are you OK?" natatawang tanong ni Sir Aries. Malamig at malambing ang kanyang boses. Nakatitig siya ngayon sa dalagang hindi pa rin mapakali sa kanyang kinauupuan.
"Ahh... O-hh-K lang po... ahhh... opo OK lang po!" mabilis na sagot ni Luna na hindi magawang titigan nang diretso ang gurong pinapantasya. Pinili na lamang n'yang tumingin sa blackboard.
"So, can you name one of Jupiter's moons?" tinuloy ni Sir Aries ang naudlot na tanong kanina.
Muli na namang namulat nang husto ang mga mata ni Luna. Hindi n'ya alam ang sagot. Hindi n'ya alam kung anong pangalan ng mga buwan ng Jupiter. Syempre, habang nagdi-discuss sa harap ang kanilang guro, wala siyang ibang ginawa kundi magpantasya dito. Sa mapupulang labi nito, sa malalalim nitong dimples sa magkabilang pisngi, sa buhok nitong kahit hindi ayusin ay akmang-akma lang sa kanyang mukha, ang mata nitong may kakaibang ningning at buhay, sa malapad nitong dibdib, sa kilay, pilik-mata, ilong na matangos, tainga, balikat, at bawat bahagi nito.
Naka-focus ang atensyon ni Luna sa boses ng guro, imbis na sa mga sinasabi nito. Kaya naman wala siyang maisagot ngayon. All she can ever know is how many times had Sir Aries smiled today.
Mabilis na namuo ang mga patak ng pawis sa kanyang noo. Kasabay ng biglaang pag-atake ng kaba at mabilis na kabig sa dibdib.
"Luna, we're waiting." sabi ni Sir Aries na hindi pa rin umaalis sa gilid ni Luna.
Dahan-dahang tumayo ang kabadong dalagita kahit hindi nito alam ang sagot.
"Io!" marahang bulong ni Apollo, ang seatmate nito na magaling sa halos lahat ng subjects. Pero hindi nito pinakinggan ang bulobg ni Apollo. Mas gugustuhin niyang magkamali kesa magkaroon ng utang-na-loob sa mayabang na ito.
"Ahhh... uhhmmm... Marilyn?" sabi nito na tila ba'y bulong na sa sobrang hina. Nakakunot ang kanyang noo't nakaarko ang kanang kilay. Pinipilit ngumiti.
"I'm sorry? Ano ulit 'yon?" sabi ng guro. Narinig na nito ang sagot ni Luna, pero parang gusto niyang marinig ito ng buong klase.
"Ahhhh... Marilyn po!" Muling sabi ng dalagita na mas malakas na ngayon.
Napuno muli ng mga impit na halakhak ang buong classroom.
"Marilyn?" sabi ni Sir Aries na gulat na gulat pa rin kahit narinig na niya.
"Opo Sir, Marilyn MOONroe!" malakas na sabi ni Luna. Ang kanyang kaba'y tila napalitan ng saya. Nakangiti na ito ngayon at nakatingin sa kanyang guro.
Ang kaninang mga pigil na tawanana ay tuluyan nang nabasag. Pinuno ng malakas na halakhakan ang classroom. Maging si Sir Aries ay humahalakhak kasabay ang buong klase. Nakahawak sa kanyang tiyan at halos nakapikit na kakatawa.
"Luna, mali ka!" Biglang natigil ang hagikhikan ng bawat isa nang biglang bumalik ang seryosong mukha ng guro.Nanigas sa gulat si Luna.
Biglang itinaas ng guro ang kaliwang braso at inangkla ito sa kanang balikat ni Luna.
Mukhang umakyat naman lahat ang dugo ni Luna sa pisngi nito sa sobrang pula. Mas lumaki pa ang mga mata nito. Her heart started skipping beats. She ran out of air to breathe. Her knees suddebly became shaky. Wala itong mapaglagyan ng kilig.
"Hindi si Marilyn Moonroe... si RayMOONd Guttierez!" banat ni Sir Aries.
Muli na namang napuno ng wagas na hagalpakan ang buong classroom. Tuwang-tuwa ang guro sa sarili nitong joke.
Maging si Luna'y wagas ang ngisi, ang mata niya'y nagluluha na.
Bahagyang humigpit ang pagkakaakbay ni Sir Aries sa dalaga na mas lalo namang ikinakilig nito. She was momentarily eyeing the handsome creature beside her. Provibg that this wasn't a dream.
Nagpatuloy pa nang ilang saglit ang kanilang tawanan hanggang sa tumunog na ang bell. Tapos na ang klase. Oras na para umuwi. Oras na pinakakinaaayawan ni Luna.
"OK, class, bukas, we will have a discussion about these moons. Seryoso na OK?" sabi ng guro habang naglalakad pabalik sa kaniyang desk sa harapan ng klase.
"Yes Sir!" sabay-sabay na tugon ng mga estudyanteng sabik nang umuwi.
"OK, goodbye class, see you tomorrow!" savi ni Sir Aries.
"Goodbye Sir, thank you for teaching us today, God bless you, I love you, thank you!" sabay-sabay muling tugon ng mga estudyanteng nakabisado na ang linya.
Naglakad na palabas ng classroom ang guro. Isa-isa na ring lumabas ang mga estudyante. Si Luna naman, parang estatwang nakatayo pa rin sa kinalalagyan nito kanina pa. Nakatingin na naman sa kawalan at nakangiti. Replaying the whole scene in her head.

To the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon