KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Napabalikwas si Luna sa higaan nang magwala sa kanyang mesita ang kanyang alarm clock. She snapped out of her bedcovers frantically.
6:15. Her eyes got wider. 7:00 ang umpisa ng klase.
It's first day of school. Kaya naman ayaw nitong mahuli. Hindi niya sasayangin ang kahit isang segundo.
She got up and hurried to the kitchen. Mabilis niyang isinalang sa kalan ang kawali at binuhusan iyon ng mantika. Habang hinihintay iyong uminit, mabilis niyang inihanda ang mga gamit sa kanyang kwarto. Mabubusisi nitong isinalansan ang mga damit nito at saglit na pinili ang susuotin.
Bumalik ito sa kusina at mabilis na nagluto ng itlog. Nang maluto iyon ay agad niya iyong nilantakan. Tinungga ang kape at tumayo nang muli. Dumighay ito at napangiti. Kung may isang bagay na hindi niya makakalimutan, iyon ay ang kumain.
She took a bath as quickly as possible. Once done, she scurried back to her room. In less than a few minutes she was already waiting for a jeepney. Finally school bound.
Nakatira siya ngayon sa isang apartment na kalahating oras lang ang layo mula sa pinapasukan niyang kolehiyo.
Maswerte siya't tinulungan siya ni Aries. Kagaya ng lagi nitong ginagawa.
Bago pa man makauwi si Luna galing sa PAASA facility noong araw ng kanyang career tour, nakausap niya (siyempre sa tulong ni Aries) ang Directress ng buong asosasiyon.
"Mabait 'yan, basta sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin. Baka matulungan ka niyan." sabi ni Aries habang papasok si Luna sa opisina ng direktor.
"Hello Luna, nagustuhan mo ba dito sa facility namin?" tanong nito sa kanya.
"Opo, angganda po dito!" sagot naman nito.
"Career tour daw 'to?"
"Opo." nakangisi nitong wika.
"So you're planning to take astronomy?" tanong ng direktor.
"Opo! Gusto ko po kasing makarating sa buwan!" masayang usal ni Luna.
"Sorry hija but-" she was cut short by Luna.
"Alam ko pong bawal sa babae, but who knows? You can't blame a girl for trying, can you?" mariin niting sabi.
"Ow. I like that attitude. Your determination is what our association needs. May school ka na bang napili?"
"Wala pa po sa ngayon." Luna said.
"Ahhh... alam kong bitbit ka ni Aries and not to brag, he's one of the best navigators here. Kaya I guess, you're just as brilliant as he is." she said sweetly. Her eyes were pierced to Luna's.
"Hindi naman po masyado, Astronomer of the Year lang naman po ako, 'tsaka Inventor of Space. Ay, Science Excellence Awardee rin po pala ako at Best in Science. Hindi naman po ako masyadong magaling." pabiro nitong pagmamayabang.
"Impressive little girl!" the directress remarked. "Well, I know you are brilliant and if you want, you can be our scholar." marahan nitong paliwanag.
Luna's eyes were glowing. She was sure she wants Astronomy, but she didn't give it much thought until now.
"Talaga po?" she huffed in disbelief.
"Basta i-promise mong dito ka magtatrabaho pagka-graduate mo." her face softened. She smiled at her.
"Promise po!" her joy was overflowing.
Thank you Aries. Once more, Aries is the one to the rescue.
"Pasalamat ka malakas ka sa 'kin!" usal ng direktor kay Aries kinabukasan.
"'Don't worry Directress, she's driven. Tatalunin niya raw si Armstrong." he said as his mind ran back to the time when they were at the Stardeck. He smiled at the thought.
"I know she can beat Armstrong." tugon naman ng direktor.
Ngumiti lang si Aries.
"Wala naman talagang scholarship grants 'tong association... but I guess, Luna deserves the exception." dagdag pa ng direktor.
"She won't fail you Madam!" mayabang na usal ni Aries.
Kaya naman nang makumpleto ni Luna ang lahat ng requirements, agad na itong lumipat sa apartment na iyon na kalakip ng scholarship na ibinigay sa kanya. Lucky me!"PARA PO!" sigaw ni Luna sa driver. Agqd naman iting pumreno.
Nagmadali man, huli na rin siyang nakarating sa unibersidad. Lalo pa siyang nahuli dahil bawat hakbang ay hindi nito mapigilang tumigil saglit at titigan ang buong unibersidad.
Sa harapan ay may malaking arkong gawa sa bato, sa gitna noon ay may mga metal na letra na nakinang sa tama ng araw. PHILIPPINE UNIVERSITY OF ASTRONONY AND METEOROLOGY.
Pagpasok sa loob, kapansin-pansin ang mga poste ng ilaw na nakahanay sa gilid ng mga daanan. May mga planeta sa tuktok ang bawat isa niyon.
Kakaiba rin ang ayos ng puno't halaman, parang iisa lang ang hugis at itsura ng mga iyon.
Malawak ang buong pamantasan, may malalaki't matataas na building, mga stall at mga tambayan.
Kaya naman hindi masisisi si Luna kung maligaw siya roon.
"Excuse me po, alam niyo po ba kung saan 'yung MC3107?" tanong nito sa isang binatang nakasalamin ba nakasalubong nito.
"Ah, bale diretso ka lang d'yan, 'tapos kanan ka, pag nakita mo 'yung rebulto ni Da Vinci, kaliwa ka 'tapos kanan ulit. May building do'n na kulay violet, hindi 'yon do'n. Diretso ka pa tapos liko ka, may building do'n na kulay white, pasok ka 'tapos akyat ka sa third floor, lakad ka hanggang makita mo 'yung green na board tapos pampito sa kanang pinto, 'yun na 'yon!" mabilis nitong sinavi habang iminumuestra ang mga kamay. Nang makahinga'y naglakad na itong muli.
Napakamot na lang sa ulo si Luna dahil wala siyang naintindihan mula sa sinabi nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinusubukang alalahanin ang mga direksyon na sinabi ng binata.
Dapat pala pina-drawing ko na lang!
8:21 na ngunit paikot-ikot pa rin siya sa pamantasan. Tinitignan bawat building. Hinahanap ang rebulto ni Da Vinci. Ilang saglit pa ng paglalakad ay nagkaroon na ng liwanag ang mukha nito. Sa wakas ay nakita rin nito ang puting building na tinutukoy ng binata kanina.
Adrenaline flowed to her bloodstream. She raced upstairs till she reached the third floor. She hadn't seen the green board but continued walking anyway.
Nang makarating sa pampitong pinto sa kanan, mabilis niya itong binuksan.
Mabilis siyang nakapasok at nakaupo sa pagitan ng dalawang binata. Tila wala namang pakialam ang buong klase sa kanyang pagdating. Maliban sa gurong naroon.
Tumikhim ito nang malakas bago nagsalita. "New-comer, care to introduce yourself to the class? Even the class is almost done." masungit ang mga mata nito.
Luna shifted uncomfortably in her seat. She scanned the whole room before she stood up and spoke.
"I'm Luna Fernan-" she was cut short by the grumpy teacher.
"Sorry but you're not on my list, irregular ka ba?" she said sharply.
"Hindi po, regular po ako!" she answered softly.
"So you must just be stupid. You're in the wrong class!" mariin niting ipinunto.
Nanlaki lang ang mga mata ni Luna at hindi nakapagsalita. Ilan sa mga estudyante ay nagpipigil ng tawa, ang ilan ay nagbubulungan. Sh*t!
"Sorry po Ma'am!" she said coldly and without turning back, she walked out of the door. She slammed it close when she was already out.
"ARGGGGGGGGGGG!" she shouted out of frustration and shame.
Muli itong naglakad, palayo sa silid na iyon, pababa sa gusaling iyon.
Curse her! Hindi niya ba alam na first day ngayon? Bawal magkamali? Piste!
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Walang lugar na patutunguhan. Bukod sa wala siyang alam na lugar doon, tila nasa sa maling silid pa rin na iyon ang kanyang isip. So you must just be stupid.
Sa inis, sinipa niya ang mga graba sa paanan. Naglikha iyon ng maliit na ipo-ipo ng alikabok. Ilang hakbang pa ang kanyang nagawa at bago bumalik ang liwanag sa kanyang mukha. Becauae there, staring back at her, was the statue of Da Vinci, and on the far end was the violet building, and right across from it was the white building. Her heart pounded wildly, as if she won a lottery. Humangos ito patungo roon, in a few minutes, the period would be over, but she went on anyway.
Tumakbo siya palapit, paakyat sa third floor. Nang nakita nito ang luntiang pisara, mas lumaki pa ang kanyang ngiti. Binilang niya ang mga pinto hanggang sa nasa tapat na siya ng pampitong pinto sa kanan.
She took a deep breath, she flashed her widest smile, she fixed her hair and left a mental note: Try to be nice no matter what.
Akmang pipihitin na niya ang door knob nang bigla itong bumukas mag-isa.
BANG!
The door flung open and smashed Luna's face forcefully. She winced in pain. For a moment her face felt thick with numbness.
Tila nagmukha siyang torong nag-uusok ang ilong. Binalot siya ng inis at galit. She clenched her fist and her jaw.
When the door swung back, lumabas na ang binatang salarin sa malakas na pagkabukas nito. Ngunit tila may hinihintay pa ito sa loob kaya't bahagya itong akatalikod. Lingid sa kaalaman nito na may nabasag siyang ilong.
Nanlisik ang paningin ni Luna. Humanda ka sa 'king bastos ka!
Akmang sasapukin na niya ito nang bigla itong lumingon sa kanya. Then she froze. Time almost stopped. They were staring back at one another. Her eyes widened. His eyes widened. She gasped for air. He gasped for air. She didn't blink. He didn't blink. His face registered rapidly to her. She knows his face so well. He knows her face so well. They know each other very well.
"Luna?" nanlaki ang mga mata ng binata.
"Apollo?" ginantihan ni Luna ang pagkagulat nito. Saglit silang natigilan, lumabas na ang ibang estudyante sa pintong iyon ngunit naroon pa rin sila. Nakatayo ilang pulgada lang ang layo sa isa't isa.
Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Apollo sa sunod na ginawa ni Luna sa kanya. Wala pang isang segundo'y nakadamba na ito sa kanya, nakayakap ito ng mahigpit. Nakapulupot nang husto ang mga braso nito sa kanya. Saglit silang nanatili sa ganoong puwesto.
"Luna, anong nangyayari sa 'yo?" marahan nitong usal. Namumula ang pisngi nito.
Buglang namulagat ang mata ni Luna, ngayon lang napansin nito na mahigpit siyang nakayakap sa binata.
She quickly unfastened her arms from him. She let go. Then she took few paces backwards. Namunula rin ang kanyang pisngin. Ba't ko 'to niyakap?
"Ah, pasensya na hehehe!" nahihiyang wika nito habang inaayos kunwari ang buhok, iniiwas ang paningin sa binata.
"Ahh, ayos lang hehehehe!" bapakamot din ito sa ulo.
"Ano kasi eh, ah nawawala ako. Hindi ko ala dito!" sabi ni Luna na bahagyang lumapit upang maibulong iyon kay Apollo.
"Luna..." marahan nitong sabi, nakatitig lang ito sa mukha ng dalaga.
"Bakit?" she frowned in confusion.
"Nagdudugo 'yung ilong mo."
Muling nanlaki ang mata ni Luna. Idinampi niya ang daliri sa kanyang ilong. Nagdurugo nga ito.
"Apollo!" she grunted. Her face was furious.
For a moment, Apollo's face was drawn with confusion, then like a lightning, the memory of the banging door struck him, flashing before his eyes. His face was filled with guilt now.
"Luna, s-s-sorry!" uutal-utal niyang wika. Mabilis niyang inilusong sa bulsa ang kanyang kamay. Inabot niya kay Luna ang kanyang panyo. "S-s-sorry talaga!" he continued. His eyes were sorry.
"Dapat sasapukin na kita eh... pero nagbago na 'yung isip ko." she huffed. Her voice was a mix of anger and tease.
Kumunot lang ang noo ni Apollo.
"Ilibre mo ko!" she blurted happily, almost obliviius about her bleeding nose.
Hindi na nakapalag pa si Apollo. Bago pa siya makapagsalita, kinakaladkad na siya ni Luna papunta sa cafeteria. It was strange. How the people we were always together before but were taken for granted means almost so much now. Dahil sa desperasyon at pag-iisa sa lugar na wala kang kakilala.
BINABASA MO ANG
To the Moon and Back
RomanceLUNA Nasa ika-limang baitang pa lamang siya ay alam niya nang pagmamay-ari na ni Aries ang kanyang puso at hindi na ito titibok pa para sa iba. ARIES Pangarap niyang makarating sa kalawakan pero narito s'ya ngayon sa elementary school bilang pin...