April 03, 2006, Monday
"Huy, tulala ka na naman d'yan!" mahanging bulong ni Daphne sa tainga ni Luna na nakatulala nga sa kawalan habang naglalakad ang mga ito sa tapat ng isang kinder school.
Kasalukuyang tumutugtog ang graduation march ngayon kasabay ng masayang pag-abot ng mga bata sa kanilang makukulay na diploma.
"HUY!" muli nitong sinabi, ngayo'y mas malakas na't mas malapit sa tainga ni Luna.
"Huh... Ahh... Huh?" she snapped frantically. Natataranta niyang nilingon ang kaibigan na naglalakad sa tabi nito.
"Si Mr. Teacher pa rin ba 'yang nasa utak mo? Don't lie to me! Yes or no?" mapang-asar na usal nito dito habang bahagyang binabangga ang balikat at tinutusok-tusok ng daliri ang tagiliran nito.
She gave her a questioning look. She rolled her eyes. She pretended a fragile smile.
"What? Hindi 'no!" wika nitong halos pasigaw na. Bakas sa tunog ng boses nita na nagsisinungaling ito.
Hindi naman natinag sa pangungulit at pang-aasar si Daphne.
"Utot mo! Magte-third year na tayo sa pasukan, hindi ka pa rin nakaka-move on! Binasted ka na no'n diba? Give up, give up din 'pag may time!" madiing wika nito kasabay ng malalaking muestra ng kamay sa hangin at malawak na ngiti. Kahit na puno ng alinlangan ang kanyang mata dahil sa pag-aalala para kay Luna, pinilit nitobg ngumiti.
Natigil sa paglalakad si Luna. She sighed in defeat. Lalo lang ipinapaalala ng tunog ng graduation march na iyon ang mga naganap noong araw na iyon, noong graduation nito, dalawang taon na ang nakakalipas.***
April 07, 2004, Wednesday
Nagulat si Luna sa nakita nito sa loob ng bag ng kanyang guro. Hindi na iyon napagkaabalahang balutin ng gift wrapper, nakabuhol lang ang mga ito sa pulang laso. Nakasabit dito ang isang parihabang papel kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.
To Luna.
Dalawang notebook na pamilyar sa kanya ang nakita niya roon. Dalawang notebook na hindi niya maaaring makalimutan-ang asul na scrapbook na binili ng guro sa bookstore, at ang kanyang diary.
Nanlaki ang mga mata nito. Daig pa nito ang nalunod sa bilis ng pagsinghap. Halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso sa bilis ng pagtibok nito. Hindi niya mawari ang gagawin. She almost passed out. For a moment she hasn't moved.
Halu-halong emosyon ang bumaha sa kanyang kalooban. Masaya siya dahil hindi siya nagkamali- reregaluhan siya ng guro dahil mahalaga siya para rito. Malungkot siya dahil wala siyang maisip na dahilan kung bakit hindi nito naibigay ang regalo noong farewell party. Nagtataka siya kung bakit narito ito ngayon, at kung bakit narito ang kanyang diary. Kinakabahan siya dahil paniguradong napasadahan na ng kanyang guro bawat isang salitang nakapaloob doon. Alam na ni Sir Aries ang kanyang nararamdaman.
He already knows what he really is for her.
She jerked the notebooks quickly out of the bag. She tucked it under her arms, zipped the bag close, locked the room and walked out of the door. She knew she has more things to do, so she didn't get back to the graduation ceremony. She raced through the thick crowd and went to her secret haven at the back of the school. An almost beaten down swing in an almost forgotten playground.
Hindi nito maintindihan ang kanyang nararamdaman, sa dami ng emosyong ito, hindi niya kayang pangalanan isa-isa. But she was sure of something-that Sir Aries probably likes her too.
She's almost convinved abyout it.
Galak na galak niyang ipinapadyak ang mga paa sa lupa na nagpapataas at nagpapabilis sa ugoy ng duyang kinauupuan niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa lilim ng mga puno sa itaas.
But it all changed in a second. In one move, the joy and delight was replaced by grief and despair.
May nakasulat sa unang pahina ng asul na scrapbook. Sulat-kamay ni Sir Aries. And that was the reason why she had always cried every night after that day.
Dear Luna,
Congratulations! High school ka na sa pasukan. I'm so proud of you. I'll miss you. I'll miss all of you in my advisory class.
Pasensya ka na ah, pinakialaman ko 'yung diary mo. Mauubos na 'yung pages no'n, kaya ito, bagong scrapbook para sa mga susunod mong entries. Salamat pala sa pagsama sa bookstore nu'ng binili ko 'to.
Luna...
I'm sorry if I invaded your privacy. For reading your heart. For intruding. Pero pwede ko naman sigurong basahin 'yon 'diba? Lalo na kung tungkol sa 'kin 'yon.
Luna, kahit hindi ko nabasa 'yung diary mo, alam ko na na may something ka para sa 'kin. I can feel it, I can see it. Pero, remember this, kung ano man 'yang nararamdaman mo, kabag lang 'yan, empatso lang 'yan, idighay mo lang 'yan at mawawala na 'yan. Bata ka pa para sa mga ganyang bagay. Pagmipas ng panahon, matatawa ka na lang sa mga 'yan.
'Tsaka, 24 na 'ko, cute lang talaga kaya parang teenager hahaha. 13 ka pa lang, kalahati ka lang ng edad ko.
Maniwala ka, may nakalaan para sa 'yo d'yan sa paligid. Malay mo si Appollo. Hindi natin alam. Pero nand'yan lang siya, dadating 'yon sa tamang oras. Pero 'wag mo munang problemahin 'yon, enjoy-in mo muna ang kabataan. Bata ka pa, magsaya ka lang muna.
Masaya naman akong napapasaya kita, na "inspirasyon" mo 'ko sa pag-aaral, na ako "ang dahilan ng bawat ngiti" mo. Pero 'wag mo sanang iasa sa 'kin ang "pag-function" mo sa high school. Hindi mo na 'ko teacher, pero kaibigan mo pa rin ako, we can still talk sometimes. Alam kong magaling ka lalo na sa English, alam kong kaya mo 'yan, kung tagilid ka pa rin sa Science, tutulungan kita, 'wag kang mag-alala.
It's been a fun year with all of you. I'll miss you. Bye muna ngayon. But we'll see each other again. Promise.
Love,
Sir Aries pogi :)
She stopped swinging. She froze for a moment. She stared at the nothingness as she take it all in. She let out a painful breath.
Saan mo mang anggulo tignan, malinaw na hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ialok nito kay Luna. Na hanggang doon na lang sila. Wala nang higit pa.
Luna coughed hard. It was so painful. Her heart almost stopped beating. Her chest heaved up and down.
Then all at once, she burst out crying. Mag-isa sa palaruang kinalimutan na. Hindi nito mapagtanto kung anong mali. Was it about the age? Age doesn't matter. Was it about the status? Teacher and student? O baka hindi lang talaga siya gusto ni Sir Aries.
She stood up, she held the metal railings, her kness nearly knocked her down. It was shaking wild. She couldn't take it anymore. She couldn't take seeing Sir Aries again, she couldn't bear seeing his eyes, his smile, his face, hearing his voice, again, when she knows that they couldn't be together after all. She just couldn't
Kaya naman hindi na siya bumalik sa gratuation ceremony, the graduation march was still resounding in the whole school. But she hardly ever heard it. Tanging ang boses lang ng guro ang kanyang naririnig. And it hurt her si bad.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, trying her beat to hide her tears to the people she was passing by.
Lakad. Lakad. Huling sulyap sa lalaking nagbigay sa kanya ng kahulugan ng saya. Huling sulyap sa lalaking nagbigay sa kanya ng kahulugan ng pighati. From that day on, she never go back there, she tried forgetting all about Sir Aries. She tried. But she failed.
BINABASA MO ANG
To the Moon and Back
RomanceLUNA Nasa ika-limang baitang pa lamang siya ay alam niya nang pagmamay-ari na ni Aries ang kanyang puso at hindi na ito titibok pa para sa iba. ARIES Pangarap niyang makarating sa kalawakan pero narito s'ya ngayon sa elementary school bilang pin...