After Eight Months and three days
Maagang gumising si Luna, maagang bumangon sa kanyang higaan at maagang nilisan ang kanyang bahay. Kaiba ang araw na ito sa karaniwang araw ng pagmumukmok at pagtunganga nito sa kawalan habang unti-unting kinakain ng kalungkutan at pighati. Dahil ngayong araw ay ang araw na hindi lang hinihintay ng PAASA, kundi tinututukan rin ng buong bansa-ang pagdating ng space team sa buwan.
Kahit na si Aries ang puno't dulo ng lahat ng pighati na dinaranas ni Luna ngayon, hindi pa rin niya makayang palampasin ang araw na ito, ang araw na makakamtan na ni Aries ang matagal na niyang pangarap. Because sometimes, she thinks that maybe, just maybe, she's still in his heart, that she's a part of of his dream coming true, that she plays a role in his life... more than just an image of his little sister.
Hindi na sila nakapag-usap pa matapos ang gabing iyon, hindi na rin sila nagkita pa. Tila pinutol na ng mga nakagigimbal na rebelasyon noong gabing iyon ang bawat koneksiyon na mayroon sila.
At hindi na rin niya inalam kung ang dahilan ba no'n ay ang pagiging abala nito sa nalalapit noong paglipad o sadyang ayaw lang nitong kausapin siya. Sadyang ayaw lang niyang kausapin ang babaeng nag-akalang mahal siya nito.
Pero tapos na siya sa pagmumukmok, wala na rin naman siyang luha, naubos na sa tagal niya nang umiiyak. Tila pagod na rin ang kanyang labi sa hindi pagngiti, ang mga kalamnan niya sa lalamunan ay sabik na ring tumawa, at sawa siya sa araw-araw na lang na pagpatay sa sarili. Ngayong araw, uumpisahan niya uli ang buhay na inakala niyang natapos na sa pagkawala ng lalaking inikutan ng buong mundo niya. She'll start the life she thought had gone with him, even if his absence to her life means the absence of the stars at night, the absence of cool breeze on December, the absence of heat in summer.
Hindi pa man ganap na nakakapasok si Luna sa glass door ng facility ay agad na siyang binati ng kanyang mga kaibigan doon, mga kaibigan na hindi niya namalayang nasa tabi niya noon pa, hindi lang niya napansin dahil nakay Aries lang ang kanyang atensiyon lahat ng oras.
"Luna! Long time no see!" sigaw ni Amber, ang receptionist sa lobby ng facility, nakangisi ito at puno ng pagkasabik ang boses.
"Mahabang kwento!" masayang tugon ni Luna, hindi niya pinilit ang kanyang labi na ngumiti. Ginantihan niya ang pagkagalak ni Amber.
"Buti na lang- oops." bigla nitong tinakpan ang kanyang bibig, tila nadulaa sa iaang bagay na hindi niya dapat sabihin.
"Huh? Ano 'yon?" nagtataka namang tanong ni Luna.
"Ahh, wala, wala! Miss ka na ng buong team! Saan ka ba kasi nanggaling?" She waved her hands frantically, metally erasing the words she almost said.
"Ahhh. Wala, sa uhmm, sa probinsya." idinaan na laang niya sa magandang ngiti ang pagsasabi nito. Hindi niya pa kauang ikuwento kahit na kqnino ang kahibangang nagawa niya.
Sa nakaraang mga buwan ay hindi nakapasok si sa trabaho dahil hindi naman talaga niya kakayanin iyon. Pero mahal pa rin niya ang kanyang trabaho, mahal niya ang PAASA kahit na lahat ng iyon ay impluwensiya lamang ni Aries.
Kaya naman noong unang linggo ng kanyang pagliban, tinawagan niya si Directress Tina upang sabihing kailangan niya ng isang mahabang sick-leave. Tila naman namangha siya sa pag-intindi nito dahil hindi ito nagtanong ng kahit na ano, pumayag lang ito na parang alam niya lahat ng nangyari. O baka nga alam niya na ang mga nangyari, baka naikuwento na ni Aries dito ang lahat, at alam niyang hindi biro ang mawasakan ng puso kaya naman agad siyang pumayag.
"Ahhh... sana magaling ka na talaga." nakangisi muling sabi ni Amber.
Saglit na nanigas ang katawan ni Luna. Gumaling ako? Gumaling ang broken heart ko? Kinuwento ba ni Aries ang lahat sa buong facility?
Ngunit nang mapagtanto niyang sick-leave ang nakalagay sa kanyang record, gumaang muli ang pakiramdam niya.
"Thanks." she mumbled to Amber.
"Alam mo, tamang-tama ang pagpasok mo. Seven hours na lang kasi eh lalapag na 'yung Apollo Probe sa buwan!" Amber beamed excitedly, gasping for air momentarilly.
"Apollo probe? 'Diba 'yung Theon Firebird dapat 'yung sasakyan ng mga astronauts? Bakit naging Apollo?" nagtatakang tanong nito, nakakunot ang kanyang noo at seryosong nakatunghay kay Amber.
"Ahhh, uhhm, may mga slight changes kasi eh. Last-minute, alam mo na, pero okay naman ang lahat!" paliwanang nito.
"Talaga? Eh 'diba mas advanced 'yung technology ng Theon kesa sa Apollo? Bakit-" she was cut short by Amber.
"Hay nako, tama na'ng tanong. Pumasok ka na do'n at nami-miss ka na rin nila!" she huffed matter-of-factly. She gave her one last genuine smile. Hindi na nga siya nagsalita at lumakad na papasok.
Habang naglalakad, pansin niyang tahimik ang mga daan at tila nabawasan talaga ng mga tao ang facility. Halos kalahati ng mga taong laging narito ay nasa kalawakan na, mayamaya'y tutuntong na sa buwan.
Lumiko siya sa unang silid at dahan-dahang pumasok. Agad naman niyang nakita ang iba pa niyang katrabaho na abalang nakasubsob sa kanilang mga ginagawa.
"Luna!" somebody called out. At sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat ng naroon. She scanned the room, hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya.
"Luna! Gaga ka, anyare sa'yo?" tumayo na si Alice at nilapitan si Luna. She may as well be one of the many people who caring for Luna, only she cannot see then. But now, she's certain, that there are many people who cared and who still care for hee.
"Alice!" she beamed gleefully.
"Anyare sa'yo? Bakit antagal mong nawala?" usisa ni Alice, nakangisi ito ngunit may pangangamba sa kanyang mata.
"Ahhh... nagkasakit kasi ako eh..." mabilis nitong usal. Nagkasakit ako. Sa puso. Ansakit-sakit-sakit!
"Sakit? Bakit parang angtagal?" patuloy pang usisa nito sa kaibigan, marahil ay masyado lang nasabik dito.
Usisera ka talagang babae ka!
"Ahh... MERSCOV!" marahan niyang wika habang nilalakihan ang mata.
"Oh my, get away, baka ma-" bago pa niya maituloy ang stupida niyang komento ay inunahan na siya ni Chris sa pagsasalita.
"Sa Middle East lang meron no'n Alice 'wag kang praning diyan!"
"Gumugwapo ka Chris ah!" pagpunto ni Luna.
"Siyempre, inspired eh!" tila namumula ang pisngi nito nang aabihin niya iyon.
Agad na napuno ng AYIEEEEEEEEE ang silid habang itinuturo ng ilang tao roon si Bree na namumula rin ang pisngi.
"Buti ka pa Bree! Kailan ba kasal niyo ni Chris?" habang sinasambit niya iyon ay may kurot sa kanyang dibdib. Buti pa sila. Ngunit agad nama niya iyong kinalimutan.
"Wala pang kasal, ligawan pa lang!" he responded happily.
"Sweeeeeeeeeeeeeeeet!" sigaw nang buong team.
"Sige, bumalik na kayo sa mga desk niyo." marahang sabi ni Luna habang umaatras na palabas. Mabilis namang nagsibalikan ang mga iyon sa kanikanilang mesita at nagtrabaho. Huling saglit ng pagkaway at lumabas na siya sa silid na iyon.
Mas nararamdaman niya na ngayon na kahit papano'y may mga tao pa ring nagmamahal at may pakialam sa kanya.
She continued walking, aimlessly and absently. Entering room after room, waving and chatting and staying and catching up and going.
Nagpatuloy pa siya sa paglalakad, hindi siya magtatrabaho ngayon, narito lamang siya upang mapanood ang mismong paglapag ng space team sa buwan.
Akmang papasok na siya sa isa pang silid nang may mahagip ang kanyang mata. Isa pang silid sa bandang dulo ng corridor. Isang silid kung saan gumuho ang lahat, kung saan nawasak ang lahat, kung saan naliwanagan ang lahat at kung saan siya nawasak. Ang Stardeck.
For a moment, she froze in fright, her mind once again replaying that night, the night of her downfall, the night of the crumbling false hopes, lies and truth. She blinked her eyes close, mentally shaking the memory off.
Huminga ito nang malalim at saglit na hinintay ang kanyang tuhod at palad na kumalma sa panginginig. Breath in, breath out. Ilang saglit lang at nabanat na niya ang labi sa ngiti. Kahit anong nangyari do'n, Stardeck is still my favorite place, it has always been a safe haven for me, thought the last time I've been there wasn't safe at all.
Naglakad na siya papunta roon habang kinakalkula kung ilang oras pa bago mai-telecast sa buong bansa ang paglapag ng space team sa buwan.
Nang makarating sa tapat niyon ay agad na niya itong binuksan, sa siwang ng pinto ay agad na sumingaw ang malamig na simoy.
Niligid ng mata niya ang buong Stardeck, sa kisame, nakatanghod sa kanya ang mga bituin. Sa kanyang paningin, mas umonti ang mga iyon at mas lumabo ang mga ningning. O baka mas maganda lang talagang tignan ang mga iyon kung may kasama.
Mas madilim rin ang silid kesa sa pagkakaalala niya. She scanned the whole place, the silhouttes of railings, chairs and whatnot against the low light from flickers on the ceiling. She continued walking, along the sides, the second storey, the carpetted stairs, parts of it she'd never seen and been at before.
Ilang saglit pa at naisipan nitong pumunta sa gitnang bahagi niyon, sa bahagi kung saan parati silang nagpupunta ni Aries, kung saan madalas nilang pag-usapan ang lahat ng bagay, lahat ng bagay bukod sa katotohanan ng kanilang nararamdaman.
Kakaiba ang dilim ng bahaging iyon, tila may kung anong bulalakaw o kung ano na humarang sa ilaw mula sa kisame, tila kasabay ng pagkawala ni Aries, nawala rin lahat ng kislap sa lugar na iyon, nawalan ng buhay, kagay niya.
Naglakad siya patungo roon, hindi sigurado sa dahilan, hindi alam kung bakit, she juat wanted to.
Habang papalapit roon ay tila unti-unting nababawasan ang dilim, unti-unti hanggang sa may maaninag siyang anino. Kaunti pang lakad at naainag niyang isa iying tao, nakaupo sa isa sa mga madalas nilang puwestuhan. Kaunti pang lakad at naainag niyang tila lalaki iyon. Huling hakbang at lumingon iyon. Her eyes got wider, chills shot to her spine, quavering, shivering, rocking. Her bones almost detached from one joint to another, her hands felt swaying back and forth, almost felt dismembered from her shoulders when in fact they weren't moving. She gasped for air, and its sound was embarrassingly loud. She froze as she took this whole in. Because, there, ataring back at her, was Aries.
Saglit pang natulala sa kanya si Luna, halu-halong emosyon, hindi niya alam kung anong dahilan ng kanyang pagkagulat. Ito ba'y dahil sa hindi pa siya handang makita ang lalaking ito kahit na ilang buwan na ang nakalipas simula noong gabing iyon? O dahil sa palaisipang ibinibigay ni Aries sa kanya ngayon? Bakit narito siya, sa mismong upuang inuupuan niya sa tuwing narito silang dalawa, bakit wala siya sa kalawakan, dapat ay kasama siya ng buong grupo, mayamaya lang ay dapat kasama ang paa niyang tutungtong sa buwan. Ngunit narito siya ngayon, at marahil ay iyon nga ang dahilan ng lubos na pagkagulat ni Luna.
"A-a-aries?" uutal-utal niyang usal, nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Luna... it's good to see-" hindi na aiya pinatapos ni Luna.
"Bakit ka nandito?" mariin nitong tanong.
"Pasensya na, gusto ko langvumupo dito sa Stardeck." wika nito, may kaunting bakas ng ngiti sa kanyang labi.
"No, what I mean, bakit ka nandito? You're supposed to be flying in the space! You're supposed to be setting foot on moon! You're supposed to be..." natigilan siya saglit, "... living up your dreams." her voice suddenly became soft, almost unheard. Because she didn't want him to know that she still cares, she wanted to appear as if she never really cared at all, when the truth is, he's all that she's ever cared about, he's all that she's cared for.
Tila naman kumislap sa kakaunting ilaw ang mga mata ni Aries, dali-daling itong binalot ng lungkot at panghihinayang. His eyelids were fluttering with few drops of tears, and he showed it to her anyway, because he wanted her to know that he did care, that in some parts, she's all that he's cared about, she's all that he's cared for.
"Bakit ka nandito? How about your dream?" Luna almost shouted ever so loudly, may galit sa kanyang tinig. At hindi niya alam kung bakit. Inaasahan niyang maiyak, malungkot at maalala muli ang bawat nangyari noong gabing iyon, ngunit hindi iyon ang agaran niyang naramdaman, mas nangibabaw sa kanya ang panghihinayang. Dahil sa matagal na panahon, naging pangarap na rin ni Luna na matupad ni Aries ang sarili niyang pangarap. At ang makitang hindi niya iyon nagawa, ay masakit din para sa kanya.
"Luna, this is for the best ..." he said gently, his voice was soft, husky, cold.
"Hindi kita maintindihan." she said flatly.
"I did this for you... and for-" he was cut short.
"And for what? Akala mo ba, just by doing that, I will forget everything and forgive you?" hindi nito napigilan ang sarili, sa tono ng kanyang pananalita ay parang kasalanan pang lahat ni Aries ang mga nangyari. Sa tono ng kanyang pananalita'y parang lahat ng ito'y tungkol sa sarili niya.
"Luna." his voice was firm, his gazes were telling her to stay still. "This isn't for you to forget me... or to forgive me... this is..." he trailed off, thinking hard.
"What?"
"This is for... Apollo." he said slowly.
"Apollo? Bakit? Anong para kay Apollo? Bakit siya nasali sa usapan?" she said, her hands were moving in all direction, she was gasping deep for air, her body was shaking, wanting answers.
Then Aries began to spoke, telling Luna word after word how this whole thing happened. Why the whole thing happened.
BINABASA MO ANG
To the Moon and Back
RomanceLUNA Nasa ika-limang baitang pa lamang siya ay alam niya nang pagmamay-ari na ni Aries ang kanyang puso at hindi na ito titibok pa para sa iba. ARIES Pangarap niyang makarating sa kalawakan pero narito s'ya ngayon sa elementary school bilang pin...