^Chapter^ 9: Ang Nakaraan

242 16 0
                                    


Flashback:



Nakangiting hinalikan ni Alyanna sa noo ang kanyang bunsong anak na si baby Analise.

Hanggat maari ay ayaw niyang malayo kahit na kaunting oras sa piling ng kanyang bunso. Kundangan lamang at hindi pwedeng isama ang kanyang anak sa pupuntahan nilang mag-asawa.

Tanging anak na lalaki lamang ang pwedeng isama sa pagdiriwang. At si Dashtin Li iyon, ang kanilang panganay.

'Princess maiwan muna kita kay Yaya Yolly mo ha. Magpakabait ka at huwag kang iiyak. Nakangiting pagkausap niya sa tatlong taong gulang na si Analise habang nasa kama at hawak ang paborito nitong barbie doll na regalo sa kanya ng kuya niyang si Dashtin. Napansin niya na parang maiiyak ang kanyang bunso kaya agad niya itong kinarga at inihele.

Samantala, nakasilip naman ang anim na taong gulang na si DashTin sa kanyang ina at sa bunsong kapatid na  si Princess Analise. Napansin rin niya  na maiiyak ang kanyang prinsesa. His little sister. Agad niya itong nilapitan sa kanyang ina, hinaplos ang pisngi habang karga ito ng kanyang mommy. Tumahimik si Analise ng makita ang kanyang kuya. Tanging mommy, daddy at kuya nya lang ang nakapagpapatahan sa kanya kapag umiiyak ito.

"Princess, huwag ka ng iiyak ha. Pramis! Pag-uwi ko mamaya may pasalubong ako sayo". Nakangiting pagkausap ni Dash, habang nilalaro nito ang mga daliri ng kapatid. Tuwang-tuwa si Analise ng marinig ang sinabi ng kuya nya.





@The Party

Nakangiting sinalubong ng anim na taong gulang na lalaki ang kaibigang si Dashtin Li.

Na walang iba kundi si Zayne Archer Lazze. Nakipag fistbump ito kay Dash.

Parang wala lang pakialam ang magkaibigan sa kasayahang nagaganap.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa. Minsan pang sinabi ni Zayne kay Dash sa kanilang pag-uusap ang katagang ito' balang araw liligawan ko si Analisse at magiging asawa ko,na tinawanan lamang ni Dash.
Sabay sabi ng " matitikman mo muna ang kamao namin ni Daddy bago mo maligawan ang prinsesa namin".

Pagkalipas lamang ng ilang oras na pamamalagi sa kasayahan napagpasyahan na nang mag-anak na umalis na. Habang nasa byahe hindi maiwasan ni DashTin na ikwento sa Daddy nya ang mga pinag-usapan nila ng kanyang bestfriend na si Arch.



Natatawa lamang ang ama at ina ni Dash.





Excited na nagmamadaling bumaba si Dash ng sasakyan hindi pa man ito naipaparada ng maayos ng kanyang ama upang mapuntahan agad ang kanyang munting prinsesa.

Ngunit ng nasa may bukana na ng pintuan si Dash ay bigla itong napatigil dahil sa pagkakagulo ng kanilang mga kasambahay. Biglang kinabahan si Dash.

"Ano pong nangyayari dito? Bakit po kayo nagkakagulo? Nalilitong tanong ni Dash.

Ng mapansing walang sumagot ay muli siyang nagtanong.

"Nasaan po si Yaya Yolly at Analise? Dati naman kapag naririnig nila ang ugong nang sasakyan sumasalubong na sila. Eh bakit ngayon hindi na?

"Ano po, magsalita kayo! Bakit ayaw nyong sumagot?

Naiinis na tanong niya.

Hanggang sa makapasok na ang mga magulang ni Dash ay wala pa ring nagsasalita sa mga ito.

Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni Mr. Bradley. "Anong kaguluhan ito? Nasaan ang anak ko?

Nanginginig na sumagot ang isa sa mga kasambahay nila. ' Eh s-sir, M-ma'am kanina pa po namin hinahanap sila Yolly at Anallise pero hindi po namin makita. Pinuntahan na po namin yong kwarto ni Yolly at napansin rin po naming nawawala yong mga gamit nya, hinala po namin kinidnap nya si Annalise. Umiiyak na kwento nito. "at tsaka i-ito po oh, tukoy nito sa isang nakatuping papel. Nakita ko pong nakapatong sa ibabaw ng kama ni  Yolly. Para po sa inyo Sir Bradly.

Nanginginig ang kamay na kinuha at binasa ni G. Bradly ang nakasulat.

Mahal kong Bradly,

Una sa lahat patawad, sa gagawin kong ito. Kinuha ko si Anallise kapalit ng pagpapasakit mo sa akin. Alam kong hindi mo sinasadya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kong bakit hindi mo ako magawang mahalin. Bakit mas pinili mo si Alyanna kesa sa akin. Mahal na mahal rin naman kita. Kaya naman bilang ganti, akin na ang anak mo. Huwag kang mag-alala aalagaan, mamahalin at pakaiingatan ko siya gaya ng pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin kahit bilang kaibigan mo lang.

Muli Patawad.

Nagmamahal,

Yolly.

#TBH

Sa wakas nakapag-update din ako dito. Haha :-D

"Ikaw At Ako Forever" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon