^Chapter^ 17: Wakas[The Wedding]

215 12 0
                                    

Zayne

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang simula ng bagong buhay namin ni Ally. Napakasaya ko 'nong araw na tinanggap ni baby labs ang marriage proposal ko. Pinagpawisan pa ako non ng makita ko ang reaksyon ng mukha niyang tila naiinis sa akin. Akala ko hindi niya tatanggapin, iyon pala pinagtripan muna ako bago sumagot ng YES! Nakahinga ako ng maluwag.

Inip na inip na ako. Baka hindi sumipot si Ally lalo na kong kasama si kuya Ash na isa sa mga maghahatid sa kanya papuntang simbahan.

Nagka-ayos rin kami sa wakas ng step brother ko.

Naalala ko bigla ang dahilan nya kong bakit nagawa nya ang ganun. Kung tutuusin napakasimple lang ng pinagmulan ng lahat. INGGIT! kaya masama ang mainggit sa kapwa. Bat hindi na lang magsikap para makamit ang mga bagay na kinaiinggitan mo sa iyong kapwa. Hindi na kailangan pang manakit.

Nagkapatawaran, humingi ng tawad sa isat-isa at iniurong na rin naman ni baby labs ang kaso. Ang importante ay walang nag-aaway sa pamilya. Kaya nga raw tinawag na pamilya para handang magtulungan ang bawat isa sa tuwing may kakaharapin na problema. Napangiti ako, ang swerte ko talaga sa kanya.

"Mukha kang tanga! Ngumingiti mag-isa." Tukso ni Dash. Ginantihan ko na lang sya ng ngiti. Ayoko syang patulan. Kasal ko ngayon kaya dapat masaya lang.

"Sinong mag-aakalang magiging totoo ang ipinangako mo sa akin na balang araw pakakasalan mo ang kapatid ko." dugtong pa nito.

"Oo nga. Kasi bro, kami ang nakatadhana para sa isat-isa."

"Tsk! Ang korni mo Arch"

"Balang araw mararanasan mo rin ang kakornihang sinasabi mo sa akin kapag natagpuan mo na ang babaeng para sayo, Dash". Sagot ko naman. Tinawanan lang ako ng kulukoy at tinapik sa balikat bago bumalik sa dating pwesto nito. Dumating na rin sa wakas ang taong pinakahihintay ko.

Nagsimula ng mag-play ang kantang napili ko para maging theme song naming dalawa habang buhay. Saktong bumukas ang pinto ng simbahan ay syang pag intro naman ng boses ni John Legend singing "All of Me"

What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You've got my head spinning, no kidding,

I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

"Ikaw At Ako Forever" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon