^Chapter^ 15: Sweet

193 14 0
                                    

[Allysandra]

Pagkatapos ng mga kaguluhang nangyari sa mga buhay namin ay bumalik na rin kami sa dati. Muntik na akong makunan dahil sa letseng psychopath na prof ko. Mabuti na lang dumating agad sila kuya at Zayne kasama ang mga pulis. Laking pagsisisi ko ng araw na takasan ko yong mga bodyguard ko at pasasalamat na nadala ko yong cellphone ko. Yon ang dahilan kong bakit natuntun agad ako nila kuya.


"Princess, ang lalim yata ng iniisip mo? Diba dapat nagpapahinga ka at makakasama sayo at sa baby mo kapag na-stress ka." tanong agad ni Mommy ng makalapit sya sa akin. Ang sweet talaga ng mommy ko. Napakaswerte ko at sila ang naging magulang ko.

"My, okay lang po ako. H'wag nyo po akong alalahanin." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Nga pala My, nasaan sila Daddy at kuya Dash? Kanina ko pa sila hindi nakikita ah?.

"Hay naku Princess huwag mo ng hanapin ang Daddy at kuya mo dahil may inaasikaso ang mga yon. Tinatanong ko nga kong anong pinagkakaabalahan nila at ilang araw na silang missing in action sa bonding moments natin. Sikreto daw at hindi pwede sabihin. Naku h'wag lang talaga nambababae ang Daddy mo at puputulan ko sya ng kaligayahan".

Natawa na lang ako sa huling sinabi ni Mommy. Pero kyuryos din ako kong ano ang secret nila kuya. Nagpaalam ako kay mommy na magpapahinga muna. Bigla kasi akong nakaramdam ng inis kay Zayne. Simula ng araw na pagkakaligtas ko sa mga kamay ni Ash and that was 1week ago ay hindi pa sya muling nagpapakita. Hindi man lang nagtetext o kaya tumawag. Arghhh, nabubwisit ako sa kanya! Gustong-gusto ko pa namang makita sya, at oras na makita ko siya, lalamutakin ko ang pangit niyang pagmumukha! Hay, obvious naman na sya ang pinaglilihian ko diba? Matawagan nga.

💛💛💛

[Zayne]

Miss na miss ko na ang baby labs ko. Malamang nagtatampo na sa'kin yon dahil isang linggo na akong hindi nagpapakita sa kanya.

Napatingin ako sa lamesa ko kong saan nakapatong ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang pangalan ng caller. Agad ko itong sinagot.

"Hi baby labs" masiglang sagot ko.

"Heh h'wag mo akong ma-baby-baby dyan. Naiinis na ako sayo. Pumunta ka ngayon din sa bahay. Kapag wala ka pa sa loob ng labing limang minuto, mag break na tayo!" Sabay baba ng telepono. Hindi man lang ako pinagsalita. Tss!

Nagmadali akong lumabas ng kwarto ko. Aba, hindi pwedeng makipaghiwalay ang baby labs ko sa akin, baka hindi matuloy ang kasal takot ko lang diba?  Nadaanan ko sila Tito at Dash sa sala.

"O, san punta mo? Bat nagmamadali ka? Tanong ni Tito habang si Dash ay busy sa pakikipag-usap sa wedding planner na kinuha namin.

"Eh kasi po Tito pinapapunta ako ni Ally sa inyo. Ayoko naman indyanin at baka totohanin nya yong pakikipag-break nya. Mahirap na" napapakamot sa ulong sagot ko.

"Oh okay. Sige na umalis ka na. Kami na ang bahala dito. Ingat sa pagda-drive".

"Salamat po".








Napatingin ako sa relo ko. Shit, five minutes na akong late! Nagmadali akong umakyat sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok dahil alam kong hindi naman sya nagla-lock ng pinto.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ang himbing ng tulog nya. Napangiti ako. Dahan-dahan akong sumampa sa kama at tumabi sa paghiga. Hinalikan ko sya sa pisngi at  niyakap ko rin siya mula sa likuran, habang abala naman sa paghaplos ang isa ko pang kamay sa buhok nitong napakalambot. Ahh, this is what I call "heaven feels".  Napaungol ako ng maramdamang gumalaw ang kamay ni Ally patungo sa bewang ko. Lalo na at nasagi nito ang nananahimik kong pagkalalaki. Geez! Baby labs, ang sakit mo sa puson. Idiniin ko na lang ng mariin ang mukha ko sa leeg niya. Kailangan ko ng ibayong pagpipigil para lang h'wag akong makagawa ng kalaswaan habang tulog sya. Hay!








Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Isang hampas sa mukha ko ang nagpagising sa akin. Napakunot noo ako. Tiningnan ko ng masama ang salarin, na agad din namang naglaho ng makilala ko kung sino. Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. "Hi baby!

"Tse! Bumangon ka dyan at lumabas ka sa kwarto ko. Ang baho-baho mo! Tas ang pangit, pangit mo pa."

Napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap talagang ispilingin ng mga buntis lalo na kong ikaw ang pinaglilihian.

"Okay kalma ka lang baby labs, huwag ka ng magalit. Lalabas na ako. H'wag ring sisimangot masyado at baka lumabas ang anak natin ng nakasimangot. Sige ka. " pananakot ko sa kanya. Tinaasan lang ako ng kilay.

Bumangon ako at diretso sa pinto.

"Baby labs. Tawag nito. "Sorry, wag kang umalis please! Naramdaman kong niyakap nya ako. Tuluyan na akong napangiti at humarap sa kanya.

"Hindi naman ako aalis baby. Pupunta lang ako ng kusina at ipagtitimpla kita ng gatas. Kailangan nyo yong dalawa ni baby. Alam ko naman ang dahilan kong bakit nasabi mo ang mga iyon. Dala lang ng pagbubuntis mo. Hindi ako galit o nagtatampo sayo." Hinalikan ko sya sa noo at sa labi bago lumabas.

"I love you" rinig kong sabi nito.

"I love you more baby labs." Sagot ko.



🎄🎄🎄

Christmas is in the air!

#Unedited.

PS : yong nagta-type ako for this chappy kanina habang nakapila sa cardbank. Hahahaha. Ang haba ng pila eh.

"Ikaw At Ako Forever" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon